Sa mas epektibong contact tracing UNIFIED QR CODE MUNGKAHI NI MARCOS

SAKSI NGAYON: Sa mas epektibong contact tracing UNIFIED QR CODE MUNGKAHI NI MARCOS IMINUNGKAHI ni former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagkakaroon ng unified QR code sa bansa upang mas mapadali at maging epektibo ang contact tracing. Hirit ito ni Marcos sa gitna ng pahayag mismo ng Department of Health (DOH) na mayroon nang community transmission ng mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay Marcos, padadaliin ng QR code ang trabaho ng mga contact tracer, lalo pa’t nagagarantiyahan nito ang agarang pagtukoy at pagkuha sa…

Read More

LOLA NABUNDOL NG MOTOR, PATAY.

PATAY ang isang hindi kilalang matandang babae matapos mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang tinatayang nasa 60-70 ang edad at 5’4 ang taas. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng motorsiklo na si Neil Patrick Marquez, 32, estudyante, at residente ng Phase 3C, Block 14H, Brgy. 16. Sa nakarating na report kay Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-7:30…

Read More

5 NASABAT SA P.2-M SHABU SA CALOOCAN, VALENZUELA

ARESTADO ang limang hinihinalang drug pusher makaraang makumpiskahan ng halos P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Dakong alas-4:00 noong Miyerkoles ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang operasyon sa King Arthur St., Brgy. 188 sa nasabing lungsod kung saan nasakote sina Jalal Lotao alyas “Dagul”, 21; Ismael Radiamoda, 27, at Criselle Sison, 23-anyos. Nasamsam sa tatlo ang 20 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P136,000, at buy-bust money. Samantala, alas-11:00 noong…

Read More

CALOOCAN MAYOR NADALE NG COVID-19 *Mayor Isko nakarekober na

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan. “Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa COVID-19. Ako ay nasa maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling,” ayon sa pahayag ng alkalde. Dagdag niya, patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin at mandato sa pamahalaang lungsod ng Caloocan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan. “Umasa po kayo na ang inyong lingkod ay patuloy na nakaantabay sa mga nagaganap at pangyayari sa ating lungsod habang patuloy ang aking komunikasyon sa iba’t ibang mga sangay ng ating pamahalaan,” ani Malapitan.…

Read More

Extortion, revolutionary tax P1-B PASOK SA NPA

TUMATAGINTING na isang bilyong piso ang nakubra ng mga komunistang rebelde sa kanilang pangingikil at pangongolekta ng revolutionary taxes sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao. Pag-amin ng Department of National Defense, tama ang pagtatayang inilahad ni 4th ID commander Major General Romeo Brawner na unang naglabas ng ulat hinggil sa umano’y agresibong paglilikom ng salapi ng mga kasapi ng Community Party of the Philippines at ng armadong sangay nitong New People’s Army. Ani Branwe, masigasig ang ginagawang pangingikil ng CPP-NPA sa mga negosyante sa Mindanao, partikular yaong mga mangangalakal at…

Read More

DRUG SUSPECT NAPATAY, 3 PA ARESTADO SA PNP-PRO5

NAPATAY ang isang regional level high value target habang tatlo pa ang nadakip sa serye ng anti-narcotics operation na inilunsad ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo. Nauwi ang operasyon sa palitan ng putok nang tangkaing tumakas ng suspek na si Ryan Nolasco y Mancera, 36-anyos, residente ng Brgy. Sto. Tomas, Magarao, Camarines Sur, sa ikinasang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU5) at Naga City Police Office dakong alas-9:45 ng gabi noong Martes sa Zone 1, Nursery Rd., Brgy. Carolina, Naga City.…

Read More

9 bebot nilako sa halagang P5K bawat isa BUGAW TIMBOG SA ENTRAP OPS

POSIBLENG mabulok sa kulungan ang isang bading makaraang masakote sa inilatag na entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong ilako ang siyam na babae sa halagang P5,000 bawat isa sa Cotabato City. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor ang nadakip na si Bai Sofia Tuas, alyas “Bea/Pia”. Batay sa ulat ng NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (NBI-BARMM), nadiskubre ang ilegal na gawain na pambubugaw ni alyas “Bea” o alyas “Pia” sa ikinasang surveillance operation dahil sa mga sumbong ng ilang citizen. Dahil…

Read More

KELOT NAPATAY SA VOLLEYBALL

CEBU – Basag ang bungo ng isang lalaki makaraang hatawin ng kahoy sa ulo ng kapitbahay dahil lamang sa larong volleyball sa bayan ng Tabuelan sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Roel Pekitpekit, 45, habang nadakip naman ang suspek na si Matthew Ponce Layague, nasa hustong gulang at kapwa residente sa Barangay Kantubao, Tabuelan, Cebu. Batay sa report ng Tabuelan Police Station, dakong alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, madalas na naglalaro ng volleyball ang magkakapitbahay at…

Read More

TAXI DRIVER KRITIKAL SA 2 HOLDAPER

BAGUIO CITY – Kritikal ang kondisyon sa pagamutan ng isang 44-anyos na taxi driver makaraang pagsasaksakin ng mga pasahero na homoldap sa kanya sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Joel Toralde na tinamaan ng walong saksak ng kutsilyo sa braso, kamay at likod, at patuloy na inoobserbahan sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC). Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na isang lalaki at isang babae na hinihinalang mag-live in partner. Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office (BCPO), nangyari ang krimen pasado…

Read More