Kaso ng COVID-19, lumolobo LOCKDOWN SA 63 QC AREAS

BILANG tugon sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga residenteng tinamaan ng COVID-19, minabuti ng Quezon City government na isailalim sa special concern lockdown (SCLA) ang 63 lugar sa nasabing lungsod. Paglilinaw naman ng QC government, tanging mga kalye, compound o kabahayan lamang kanilang isinailalim sa mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang pagkalat pa ng nakakahawang karamdaman. Kabilang sa mga isinailalim sa SCLA ay mga tukoy na kalye, compound o bahay kung saan naitala ang hawahan. Bagamat nasa mahigpit na pagbabantay, tinuyak naman ng QC government na kanilang tutugunan…

Read More

DRUG GROUP LEADER, 2 PA TIMBOG SA BASECO

ARESTADO ang hinihinalang lider ng isang drug group at dalawang miyembro nito sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District sa Blk. 9, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area Manila, nitong Huwebes ng madaling araw. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD-Station 13, na isinumite kay P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, District Director ng MPD, bandang alas-12:20 ng madaling araw nang ikasa ng kanyang mga tauhan, sa pangunguna ni P/Capt. Edwin Fuggan, ang anti-illegal drugs buy-bust operation laban sa target na si…

Read More

2 CHINESE, DRIVER NASAGIP SA KIDNAPPERS

DALAWANG Chinese national at isang Filipino driver ang nasagip ng mga operatiba ng Pasay City Police makaraang dukutin at nadakip ang tatlong suspek noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng Southern Police District Office ang mga biktimang Chinese national na sina Zhu Beibei at Niu Xing Yong, kapwa residente ng Williams St., Pasay City, at kanilang driver na si Rolando Olvido Jr. Ayon sa ulat mula sa Pasay City Police Office, tumawag sa himpilan ng pulisya at humingi ng tulong ang isang kaibigan ng mga biktima hinggil sa pagdukot sa dalawang…

Read More

DRUG DEN SA ZAMBALES NALANSAG

SINALAKAY ng pulisya ang isang pinaniniwalaang drug den na nasa liblib na lugar sa bayan ng Subic, Zambales matapos ang drug bust operation, Huwebes ng madaling araw. Kasabay nito ay nadakip ang target ng operasyon na nakilalang si Manuel Catapang alyas “Batang”, 36 taong gulang at anim na indibidwal na sinasabing mga parokyano nito na sina Ronald Manglicmot, 24; Joselito Baldomar, 48; Michael Dalpaki, 37; Aisa Balani, 24; Nul-Amda Jali Hegman, 33 at Snira Jalil Hamajad, 53. Ayon kay Police Major Noel Aquino, chief of police sa bayan ng Subic,…

Read More

Katarungan sa mag-inang Gregorio HABAMBUHAY NA KULONG KAY NUEZCA

HINDI na pinagtagal ng korte ang pagdinig sa kasong double murder na isinampa laban sa isang pulis-Parañaque na walang awang pumaslang sa mag-inang nakaalitan sa Paniqui, Tarlac nitong nakaraang Disyembre. Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang hatol ni Judge Stella Marie Gandia-Asuncion ng Paniqui Regional Trial Court Branch 106 sa tinaguriang killer cop na si Jonel Nuezca makaraang mapatunayan “beyond reasonable doubt” ang salang pagpatay nito kay Sonia Gregorio at anak nitong si Frank. Base hatol ng korte, maximum penalty o katumbas na 30-40 taong pagkakakulong ang iginawad ng…

Read More

RIDER NA-SANDWICH SA JEEP AT TRUCK

BATANGAS – Dead on the spot ang isang 27-anyos na motorcycle rider matapos na maipit ng nakasalpukang truck at kasunod na jeep sa Lipa City noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jon Elcied Navoa, residente ng Barangay Bagong Pook, Lipa City. Ayon sa report ng Lipa City Police, nangyari ang insidente sa Lipa-Cuenca Road sa Barangay Pinagtong-ulan dakong alas-7:20 ng gabi. Batay sa imbestigasyon, nag-overtake ang biktima sa sinusundang jeep ngunit sumalpok ito sa kasalubong na forward drop truck. Sa lakas ng impact, naitulak ng truck ang motorsiklo…

Read More

OBRERO NATUHOG NG BAKAL, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang binatang construction worker makaraang matuhog ang katawan ng bakal sa construction site ng itinatayong ospital sa Lipa City noong Miyerkoles ng hapon. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metro San Jose Medical Center ang biktimang si Christian Guiral, 21-anyos. Ayon sa Lipa City Police, nahulog sa kinatutungtungan ang biktima at nalaglag sa hindi kataasang flooring. Ngunit sa kasamaang palad, bumagsak ang biktima sa nakausling bakal at natuhog ng 16mm na dowel bar ang puwet nito. Agad itong isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay makalipas ang…

Read More

7 MANGINGISDA NASAGIP SA LAOT NG PANGASINAN

PITONG mangingisda ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard matapos na magkaroon ng engine failure ang kanilang fishing boat sa dagat na sakop ng Silaqui Island sa Pangasinan, ayon sa ulat ng Northern Luzon Command. Ayon sa report na ipinarating kay NOLCOM commander, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, sinaklolohan ang pitong mangingisda, may 15 nautical miles northwest ng Bolinao, Pangasinan makaraang i-radyo sa kanila na nawawala ang fishing boat. Agad na minobilisa ng Naval Forces Northern Luzon ang kanilang mga tauhan mula Patrol Craft 388 (PC…

Read More

Inday Sara sa ama: Huwag akong gamitin ‘HIDDEN AGENDA’ SA DIGONG-GO KINASTIGO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI ikinatuwa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang aniya’y tambalan nina Senador Bong Go at amang si Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 presidential election. Para sa alkalde, tila may itinatagong agenda ang tambalan ng dalawa. Sa isang pahayag, hayagang sinabi ng unica hija ng pangulo na siya ay kinausap ng amang nakiusap umano sa kanya para i-endorso ang Go-Duterte tandem sa papalapit na halalan. “The President, very recently, personally confirmed to me that he will run for Vice President and Senator Go as President.…

Read More