3 TULAK TIKLO SA P136K SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit P130,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Cris Edaño, alyas “Eric Edaño/Bunso”; Jomar Casiño, at Alexander Pamaran, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:20 noong Martes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Perpetual Village…

Read More

Pantakip sa COA report – solon VP RUN NI DU30 GIMIK LANG

GIMIK lang kung ilarawan ng isang mambabatas ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagtanggap umano nito sa pakiusap para sa kanyang pagtakbo bilang bise-presidente. Ani Bayan Muna partylist Rep. Ferdinand Gaite, layon lamang umano ng nasabing anunsyo na tabunan ang kontrobersya kaugnay ng inilabas na pagsusuri ng Commission on Audit (COA) laban sa Department of Health (DOH) at iba pang tanggapan ng pamahalaan. Partikular na tinukoy ng kongresista ang aniya’y kwestiyonableng paggamit ng pondo at kapalpakan ng DOH sa pagtugon sa pandemya. Paliwanag pa ni Gaite, nakadududa ang…

Read More

PAGLIMITA NG MALLS, RESTOS PARA SA MGA BAKUNADO KINONTRA SA SENADO

HINDI rin pinaboran sa Senado ang panukalang limitahan sa mga bakunado ang pagpapapasok sa ilang commercial establishments. Para kay Senador Win Gatchalian, mas maiging ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa nagkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19. “Sa ngayon mahirap gawin ‘yan dahil hindi sapat ang supply ng vaccines natin. Marami na ang gustong magpabakuna pero ang problema naman ay kulang ang supply,” paliwanag ni Gatchalian. “Until such time na marami na ang bakuna at mayroon pa ring mga taong ayaw magpabakuna, siguro maaari na nating pag-isipan…

Read More

P170-M BAWAS SA RITM LAB SERVICES PINALAGAN

PINALAGAN ni Senador Nancy Binay ang plano ng Department of Budget and Management (DBM) na itaas sa P28 bilyon ang pondo sa anti-insurgency task force pero babawasan ng P170 milyon ang gastusin ng laboratory services ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Sa pahayag, sinabi ni Binay na pangunahin ang laboratory services ng RITM sa pagsusuri ng infectious disease research at pasilidad kabilang ang iba’t ibang variant ng nakahahawang corona virus. Ayon kay Binay, sa gitna ng lumalalang pagkalat ng COVID variant, binawasan ng DBM ang pondo ng RITM ng…

Read More

Sa pagharap sa Senado sa overpriced face shields LAGLAGAN NINA LAO AT GO NAGPATULOY

KAPWA dumalo sa pagdinig ng Senado kahapon sina dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao at Senador Christopher “Bong” Go kung saan inulit ng huli na hindi niya naging aide ang una. “He was never part of my office, Special Assistance to the President. In the organizational structure, [Presidential Management Staff] is directly reporting to the President. As SAP, I merely exercised oversight over the Office of the Appointment Secretary and the PMS among others. I was not involved in the day to day operations and management of Lao’s office,” banggit…

Read More

Pampakalma sa nag-aalburotong health workers SRA, BENEFITS IBIBIGAY NA

TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa health workers sa darating na Agosto 31. Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management para bayaran ang lahat ng naantalang benepisyo ng health workers. Kaugnay nito, kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go na na-release na ang P311 million para sa Special Risk Allowance ng healthcare workers. Sinabi ni Go…

Read More

Hamon kay Duque SINDIKATO SA DOH GIBAIN

HINAMON ni Senador Panfilo Lacson si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na putulin na ang pamamayagpag ng mala-sindikatong gawain sa kagawaran gaya ng nakaugalian nang labis-labis na pag-iimbak ng gamot na kadalasang nasisira lamang. Ang hamon ni Lacson kay Duque ay kasunod ng pagsiwalat ng mambabatas sa tinatayang P2.736 bilyong halaga ng gamot na nasira o kaya nalalapit na sa pagkasira sa poder ng DOH, kung saan nasa P2.2 bilyon ang naitala sa 2019 lamang. “We wasted P2.736 billion in taxpayers’ money. What’s the reason for this?…

Read More

Hiling ng pamilya, mga kaibigan ni Salamida HUSTISYA ‘WAG ISAMA SA LIBING

ISANG linggo makaraan ang pagpaslang sa peryodistang si Gwen Salamida, nanindigan naman ang pamilya at mga kaibigan sa pamamahayag laban sa anila’y tangka ng ilan na ibaon sa limot ang kaso kasabay ng pagkakahimlay sa labi nito sa Manila North Cemetery kahapon. Naging madamdamin ang tagpo sa himlayan bunsod ng pagkawala ng isang peryodista at nagsilbing advertising manager ng pahayagang SAKSI Ngayon. Mula sa kanyang tahanan sa Kaingin Road sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City ay dinala ng mga nagdadalamhating pamilya, kaibigan at kasamahan sa industriya ang labi ni Salamida…

Read More

WANTED SA PANGASINAN ARESTADO SA PANDACAN

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District Station 10 makaraang ituro ng impormante, ang isang dating barangay kagawad na tinangka umanong patayin ang kanyang kaanak sa Pangasinan, nang matunton ng mga awtoridad sa pinagtataguan nito sa Pandacan, Manila noong Lunes ng hapon. Inirekomenda ng korte ang P36,000 halaga ng piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na Alain Layno y Dela Cruz, alyas “Allen Layno,” 51, may asawa, dating barangay kagawad at naninirahan sa Labores Ext. sakop ng Brgy. 857 sa Pandacan. Si Layno ay nasa top 11 most wanted persons…

Read More