INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibalik ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” simula Hulyo 23, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kapareho rin ang IATF rules na susundin nang isailalim ang NCR sa GCQ “with heightened restrictions” kamakailan. Nasa ilalim din ng GCQ “with heightened restrictions” ang mga probinsiya ng Ilocos Norte at Ilocos Sur, na dati ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ)…
Read MoreAuthor: admin 2
SOTTO SA DOH: PAGKALAT NG DELTA VARIANT, AGAPAN
KINALAMPAG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang Department of Health (DOH) upang maglatag ng mga hakbangin upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19. Sinabi ni Sotto na dapat handa ang mga policy-maker at health experts sa posibilidad ng pagtaas ng kaso. “Handa na ba ang ating gobyerno kung sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases na dulot ng Delta variant? May mga nakahanda na bang response measures? Handa ba ang ating mga healthcare facilities at workers sa pangyayaring ito? Mahalagang maramdaman ng ating mga kababayan na…
Read MorePETISYON KONTRA MEGA VAX SITE SA NAYONG PILIPINO IBINASURA
NABIGO si dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno sa petisyon nito na kumukwestyon sa pagtatayo ng COVID-19 mega vaccination center sa loob ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon “due to insufficient form and substance’. Sa ‘writ of kalikasan petition’ ni Nepomuceno, sinabi niya na apektado ang nasa 500 puno sa Nayong Pilipino property sa pagtatayo ng vaccination site kaya dapat pigilan ang pagputol sa mga ito. Hindi rin umano sumailalim sa Environmental Impact Analysis ang proyekto na mandatory at walang Environmental Compliance Certificate…
Read MoreHEALTHCARE MANUFACTURER ISALBA SA ‘TAX VARIANT’ – MARCOS
ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na protektahan ang mga lokal na manufacturer ng personal protective equipment (PPE) at iba pang mga medical supply sa “tax variant” ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipinalabas noong Hunyo. Tinukoy ni Marcos ang BIR regulation 9-2021 na bumawi sa 12% value added tax (VAT) exemption sa pagbebenta ng mga raw materials, packaging supplies at iba pang serbisyo sa mga export-oriented manufacturers kabilang ang critical healthcare suppliers. “Ang pagbabagong ito sa tax regulation ay nagbabantang ibalik sa kritikal na sitwasyon ang mga exporters na…
Read MorePONDO PARA SA HEALTH WORKERS SA QUEZON IPINASISIYASAT
NAIS isang civil society group na idulog sa Malacañang ang usapin hinggil sa pondong inilaan sa mga health worker sa lalawigan ng Quezon kasunod ng mga reklamo hinggil sa pagkabalam ng sweldo ng mga ito. Ayon kay Quezon Rise Movement (QRM) co-convenor Lani Santos, halos sumala na sa pagkain ang mga health worker bunga ng hindi umano pagbibigay suporta sa kanila ng pamahalaang panlalawigan. Kaya naman plano nilang paimbestigahan ang problema ng mga health worker upang matukoy kung totoong nawawala ang pondong laan sa sahod ng mga ito at pambili…
Read MoreDTI HUMIRIT NG BUS PARA SA MGA FULLY VACCINATED
IMINUNGKAHI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagtatalaga ng mga bus para sa mga fully vaccinated Filipino. Aniya, makapagbibigay ito ng “greater confidence” sa mga mananakay lalo na sa mga “physically reporting” sa trabaho. “We have to realize that a fully vaccinated public vehicle steers a higher level of confidence, and it must be given to the public,” ayon kay Concepcion. Sinabi ng Health authorities na maaari pa rin kasing mahawa ng coronavirus ang mga inoculated individuals. Ayon sa mga ito, walang bakuna ang makapagbibigay ng 100% protection,…
Read MoreREVISED RULES SA ‘GREEN LANES’ APRUB SA IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang revised rules para sa “Green Lanes”. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine. Kinakailangan aniya na lahat ng pasahero na galing sa green list countries ay may patunay na ang pinanggalingan nila ay “Green List country/jurisdiction/territory” kung saan ay nanatili ang mga ito eksklusibo sa Green List countries/jurisdictions/territories sa nakalipas na 14 na araw bago…
Read MoreApela ng IATF sa mga establisimyento OUTDOOR SPACES DAGDAGAN
PARA magkaroon ng patuloy na ligtas na economic activities, umapela ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga establisimyento na ikonsidera na magkaroon ng mas maraming outdoor spaces para sa dining at recreation activities. Ang apela ng IATF sa mga establisimyento ay maglagay ng libreng espasyo para sa outdoor activities at lumikha ng urban green areas. “To enable the safe continuity of economic activities, the IATF asked establishments to consider developing and converting more outdoor spaces into temporary outdoor weekend markets and dining spaces,”…
Read MoreMALAYSIA, THAILAND ISINAMA SA TRAVEL BAN
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw. Ang mga ito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas. “Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama po sa travel ban. Ulitin ko po, kasama na po sa mga bansang may travel ban .. ang bansang Malaysia…
Read More