Sa pagbagsak ng tulay sa Isabela DESIGNER, CONTRACTOR, DPWH OFFICIALS IKULONG

“MALINAW pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!” Ito ang reaksyon ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa isang panayam. Aniya, may nakikita siyang korupsyon sa nangyari sa tulay na bumagsak noong Pebrero 27. “Bakit ka gagawa ng tulay sa probinsya na para sa light vehicles lang? It does not make sense!,” aniya. Tanong pa ng mambabatas: “Kung mali ang design, bakit nakalusot sa mga engineers ng DPWH (Department of Public Works and…

Read More

PASIG MAYORALTY BET SARA DISCAYA TUMAAS ANG PUNTOS SA PULSO NG LIPUNAN SURVEY

TUMAAS ang puntos ng mayoralty candidate sa Pasig na si Sara Discaya sa katatapos na Pulso ng Lipunan Survey. Batay sa survey, 2 percent na lang ang kalamangan ni incumbent Mayor Vico Sotto kay Discaya. Ginawa ang independent survey, noong February 2025, kung saan lumahok ang 3,000 respondents mula sa mahigit kalahati ng mga barangay sa Pasig City. Batay sa survey, 46% ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Mayor Sotto sa darating na eleksyon habang 44% ang nagsabing si Discaya ang kanilang iboboto. Mayroon namang 3% ng respondents…

Read More

PASAY MULING SINUYOD NG JOYRIDE VS KOLORUM

MULING nagsagawa ng operasyon ang pamunuan ng Joyride sa kahabaan ng LRT sa Pasay City hanggang Mall of Asia laban sa mga hindi lehitimong rider nila na namamasada. Kasama ng Joyride ang mga tauhan ng Southern Police District na sumita sa mga hindi kolorum o hindi lehitimong gumagamit ng uniporme ng naturang motor taxi. Layon nila na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero. Sa nasabing operasyon ay may ilang hindi legit na riders ng Joyride ang nahuli at inaasahang magsisilbing halimbawa sa mga kolorum. (RS) 105

Read More

TAUHAN NG BI NA SANGKOT SA PAGTAKAS NG SOKOR FUGITIVE KINASUHAN

KINASUHANna sa Department of Justice ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa pagtakas ng isang high-profile South Korean fugitive. Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagsasampa ng kaso laban sa personnel ng immigration ay batay sa nakuhang ebidensya gaya ng CCTV footage at testimonya ng mga nakakita Sa footage, makikita na ineskortan ang dayuhan ng immigration personnel sa isang establisyimento para gumamit ng CR. Ilang sandali pa ay lumabas ang pugante na mag-isa saka tumawid sa kalsada at sumakay sa isang get-away vehicle. Tiniyak ni…

Read More

HIRING NG ADMIN SUPPORT STAFF SA DEPED UMARANGKADA

SA utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tuloy-tuloy na ang ginagawang renewal at hiring ng Department of Education (DepEd) ng mga school-based Administrative Support Staff sa ilalim ng Contract of Service (CoS) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na may kabuuang bilang na 7,062 empleyado. Layon nito na alisin na sa mga guro ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo upang matiyak na nakatuon na lamang ang kanilang pansin at ilalaan ang oras sa pangangailangan ng mga mag-aaral, samantalang ang mga non-teaching staff naman ay gagawa ng mga administratibong…

Read More

MEDIA KAISA NG COMELEC PARA SA MALINIS AT PATAS NA ELEKSYON

ITO ay matapos na magkasundo at lumagda sa ‘pledge of commitment’ ang media organizations sa bansa sa Commission on Elections. Target ng nasabing hakbang na siguraduhing magiging malinis, patas at may integridad ang gaganaping 2025 midterm election. Una rito, nagkaroon muna ng palitan ng mga tanong at suhestyon sa pagitan ng poll body at mga kasapi ng media. Lumahok sa naturang pagpirma ang mga kinatawan ng komisyon at mga kinatawan mula sa TV, radyo, print at maging ng online. Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, boluntaryo…

Read More

PRIVATE SECURITY PERSONNEL BINALAAN SA PAGPAPAGAMIT SA MGA KANDIDATO

NAGBABALA ang Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security personnel hinggil sa tamang pagsunod sa mga alituntunin ng kanila propesyon, lalo na ngayong election period. Batay sa inilabas na memorandum advisory ng PNP-SOSIA, ipinagbabawal ang pagdadala ng armas at paggamit sa mga pribadong security personnel bilang bodyguard ng mga kandidato maliban na lang kung may pahintulot mula sa Commission on Elections o Comelec. Inihayag ng PNP supervisory office na dapat tumalima ang mga private secutiry personnel sa umiiral na batas at huwag…

Read More

2 NASAWING PILOTO NG PAF GAGAWARAN NG PARANGAL

GAGAWARAN ng arrival honor at pagkilala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang dalawang piloto ng Philippine Air Force na nasawi sa isinagawang midnight air support mission para sa ground troops ng Philippine Army na nagsasagawa tactical operation laban sa nalalabing communist New People’s Army sa area ng Mindanao. Inaasahang pangungunahan mismo ni AFP Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagsalubong at paggawad ng parangal kina Major Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla na nasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin. Inaasahan ang pagdating ngayong Sabado ng dalawang piloto…

Read More

DATING SEKYU NG POGO HULI SA PAGBENTA NG TEXT BLASTER

KALABOSO ang dating security guard ng isang POGO hub makaraang madakip sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) habang nagbebenta ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher o Text Blaster sa Pasay City. Nag-ugat ang pagkaaresto sa suspek makaraang makita sa social media ng mga tauhan ng cyber patrol na ibinibenta ang nasabing device na nagkahalaga ng P600,000. Ayon kay PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ikinasa ang entrapment operation kung saan kinontak ng isang poseur buyer ang suspek para sa bibilhing nasabing text blaster. Napagkasundo…

Read More