ITO ay matapos na magkasundo at lumagda sa ‘pledge of commitment’ ang media organizations sa bansa sa Commission on Elections.
Target ng nasabing hakbang na siguraduhing magiging malinis, patas at may integridad ang gaganaping 2025 midterm election.
Una rito, nagkaroon muna ng palitan ng mga tanong at suhestyon sa pagitan ng poll body at mga kasapi ng media.
Lumahok sa naturang pagpirma ang mga kinatawan ng komisyon at mga kinatawan mula sa TV, radyo, print at maging ng online.
Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, boluntaryo lamang ito para hindi malabag ang probisyon at ilang guidelines ng komisyon hinggil sa freedom of expression, freedom of speech, at maging sa usapin ng right to information. (JESSE KABEL RUIZ)
