KABIGUANG MAIBIGAY BASIC NEEDS NG MGA TAGA-PASIG ISA RING KORUPSYON – DISCAYA

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang maraming residente ng Pasig City dahil sa anila ay kabiguan ng kasalukuyang administrasyon na tuparin ang mga ipinangakong basic needs sa mga residente. Ayon kay Mayoralty candidate Sara Discaya, maituturing ding korupsyon kung ang pamahalaan ay bigong maibigay ang essential services sa mga residente na tahasang pagbalewala sa kanilang pangangailangan. Kabilang dito, ayon kay Discaya ang kabiguang ipatupad ang mga proyekto na pakikinabangan ng mga komunidad kabilang ang pagpapatayo ng ospital, pagkakaroon ng housing program, libreng edukasyon, job creation, at imprastraktura. Sa loob ng 6 na…

Read More

PAGLALAGAY NG SRP SA PAGKAIN SINANG-AYUNAN NI CONG. TULFO

SINANG-AYUNAN ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na lagyan ng suggested retail price o SRP ang mga pagkain na laging tumataas ang presyo para maiwasan ang pagsasamantala ng ilang tusong mga negosyante. “Inaabuso kasi ng ilang mga negosyante tulad ng mga middleman o mga broker ang presyo ng ilang pagkain dahilan para sumirit ang presyo nito sa merkado o mga palengke,” ayon kay Cong. Tulfo. “Kasi kung susuriin ng mabuti, mura ang benta sa farmgate o yung mga producer ng mga bigas, gulay, itlog at karne ng mga manok at baboy…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN PATULOY SA PAGHATAK NG SUPORTA SA MAY POLLS

PATULOY na lumalakas ang suporta ng publiko sa FPJ Panday Bayanihan Party-list, na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Pinangunahan ni Brian Poe bilang unang nominado, ang party-list ay isa na sa tatlong pinaka pinipili ng mga botante, kung saan tumaas ang preference nito sa 4.76 porsyento mula sa dating 2.45 porsyento noong nakaraang buwan. Ang SWS survey, na iniutos ng Stratbase, ay isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at may 1,800 na respondents na may ±2.31 porsyentong margin of error. Ayon sa…

Read More

KORUPSYON BUBUSISIIN SA BUMAGSAK NA ISABELA BRIDGE

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara na corruption ang dahilan kung bakit bumagsak ang kabubukas na tulay sa Isabela na ginastusan ng gobyerno ng mahigit isang bilyong piso. Dahil dito, agad nagpatawag ng imbestigasyon si House deputy minority leader France Castro dahil hindi aniya dapat ipagwalang-bahala at panagutin ang mga mapatutunayang nagnakaw ng pondo ng tulay. “Nakakaalarma na ang isang P1.22 billion na bridge na kaka-retrofit lang noong February 1 ay gumuho kaagad. Hindi ito simpleng aksidente o kapabayaan lamang. Kailangang silipin ang posibilidad ng corruption at substandard materials,”…

Read More

DUTERTE SENATORIAL BETS NANUYO SA LAGUNA

NAG-IKOT sa lalawigan ng Laguna ang grupo ng mga pambatong senador ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang campaign rally ay idinaos sa La Vista Resort complex sa Pansol, Laguna. Ito ang nagsilbing main venue sa ikalawang simultaneous nationwide campaign na inorganisa ng Pastor Apollo C. Quiboloy For Senator Movement. Sabay-sabay na isinagawa ang rally sa labing apat na venue sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Naipakita pa rin sa nasabing pagtitipon ang mainit na pagtanggap ng publiko sa mga kandidato ni Duterte na kinabibilangan ni dating Executive…

Read More

KASO NG HFMD SUMISIPA

PINANGANGAMBAHAN lalo pang tumaas ang kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa bansa matapos itong pumalo sa mahigit 7,000 biktima, ayon sa Department of Health (DOH). Mula noong Enero 1 hanggang nitong Pebrero 22, 2025 nasa 7,598 ang total cases ng HFMD, ayon sa ahensya. Mas mataas ito ng tatlong beses kumpara noong nakaraang taon na nasa 2,665 pero mas mababa pa rin kumpara noong 2023 na nakapagtala ng mahigit 2500 kaso sa loob lamang ng isang linggo, Pebrero ng naturang taon. Patuloy umano ang pagkalat ng sakit…

Read More

PAGPAPATULOY NG ANTI-RED TAPE ACT SUPORTADO NG TRABAHO PARTY-LIST PARA PALAKASIN PAGLAGO NG NEGOSYO AT PAGLIKHA NG TRABAHO

IPINAHAYAG ng TRABAHO Party-list ang matibay na suporta sa patuloy na pagpapatupad at pagpapalawak ng Anti-Red Tape Act (ARTA) sa pamamagitan ng digitalization, na binigyang-diin ang potensyal nitong magsulong ng paglago ng negosyo at lumikha ng mas maraming trabaho sa bansa. Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Party-list, ang patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na bawasan ang burokrasiya sa mga proseso ay mahalaga para sa mas competitive at business-friendly na environment. Binanggit niya ang pangangailangan para sa mas pinadali na proseso sa pagkuha ng mga business permit…

Read More

DENGUE FAST LANE BINUKSAN

PATULOY na naaalarma ang Department of Health (DOH) sa paglala ng sitwasyon ng dengue cases sa buong bansa. Dahilan para simulan ng ahensya ang pagbubukas ng dengue fast lane sa lahat ng government hospitals para mabigyan ng serbisyong medical ang mga pasyenteng tinamaan ng nakamamatay na sakit mula sa kagat ng lamok. Sa mga unang may sintomas ng Dengue, hinihikayat ng DOH ang mga magulang o kaanak ng pasyente na agad itong dalhin sa pinakamalapit na government health facilities. Una na ring dinoble ng Philippine Health Insurance Corporation ang benepisyo…

Read More

PALASYO MAY DEMAND BAGO I-PULL OUT TYPHON MISSILES

Ni Tracy Cabrera MALAKANYAN, Maynila — Habang patuloy ang panghihimasok ng mga barko de giyera at coast guard ng Tsina sa karagatan ng Pilipinas kalapit ng Scarborough Shoal, naninindigan ang pamahalaan hindi ipu-pull out ang Typhon missile system na pinahiram ng Estados Unidos at naka-deploy ngayon sa bansa. Pinaninindigan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang desisyon na panatilihan sa bansa ang nasabing US missile system at mababago lang ito umano kung papayag ang Tsina sa demands na utigil ang kanilang panghihimasok sa mga teritoryo ng Pilipinas, partikular na…

Read More