PALASYO MAY DEMAND BAGO I-PULL OUT TYPHON MISSILES

Ni Tracy Cabrera

MALAKANYAN, Maynila — Habang patuloy ang panghihimasok ng mga barko de giyera at coast guard ng Tsina sa karagatan ng Pilipinas kalapit ng Scarborough Shoal, naninindigan ang pamahalaan hindi ipu-pull out ang Typhon missile system na pinahiram ng Estados Unidos at naka-deploy ngayon sa bansa.

Pinaninindigan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang desisyon na panatilihan sa bansa ang nasabing US missile system at mababago lang ito umano kung papayag ang Tsina sa demands na utigil ang kanilang panghihimasok sa mga teritoryo ng Pilipinas, partikular na exclusive economic zones (EEZ) ng bansa.

Inilatag ni Presidential Communications Office (PCO) chief at Palace press officer Claire Castro ang punto ng Pangulo makaraang sabihin ng Beijing na ang Pilipinas ay “acting in bad faith” sa pagpayag sa deployment ng mga intermediate range missile ng US sa bansa.

“The President has not reneged on his pronouncement – he has demands. If China has demands, we have a counter demand regarding that. Our stance remains, the President’s stance stays,” Hinayag ni sa media briefing.

Nitong Enero lang (ng Kasalukuyang TAON), hinamon ng punong ehekutibo ang Tsina na itigil ang sinabi nitong mga ‘coercive action’ sa South China Sea kapalit ng pagsauli ng typhoon missile system sa Estados Unidos.

Na-deploy ang mga Typhon missile launcher sa bansa simula pa nang isagawa ang Balikatan exercises noong Abril ng nakaraang taon at inilatag ito sa hindi pinapaalam na lugar sa hilagang Luzon.

Prinotesta ng Beijing ang missile displacement para sabihin na pinapaigting nito ang tension sa rehiyon dahil kaya ng mga missile na abutin ang ilang target sa Chinese mainland mula sa dulo ng Luzon.

Iginiit din ng Tsina na “ang kailangan ng rehiyon ay kapayapaan at kaunlaran, hindi mga intermediate range missile at sigalot.”

As of press time, gayun man, walang natatanggap ang Pangulo o sinuman sa Palasyo na tugon mula sa Beijing ukol sa kahilingan nitong tumigil ang mga barko ng Tsina sa panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

33

Related posts

Leave a Comment