KABIGUANG MAIBIGAY BASIC NEEDS NG MGA TAGA-PASIG ISA RING KORUPSYON – DISCAYA

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang maraming residente ng Pasig City dahil sa anila ay kabiguan ng kasalukuyang administrasyon na tuparin ang mga ipinangakong basic needs sa mga residente.

Ayon kay Mayoralty candidate Sara Discaya, maituturing ding korupsyon kung ang pamahalaan ay bigong maibigay ang essential services sa mga residente na tahasang pagbalewala sa kanilang pangangailangan. Kabilang dito, ayon kay Discaya ang kabiguang ipatupad ang mga proyekto na pakikinabangan ng mga komunidad kabilang ang pagpapatayo ng ospital, pagkakaroon ng housing program, libreng edukasyon, job creation, at imprastraktura.

Sa loob ng 6 na taon, sinabi ni Discaya na sumentro lang sa paglaban sa korupsyon ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod.

Aniya ang P17.2 Billion na taunang budget ng Pasig City ay magagamit na sa napakaraming programa kabilang ang pagpapaayos ng mga paaralan, konstruksyon ng ospital para sa mahihirap na residente, pagbibigay ng libreng gamot at iba pang community-focused projects.

Sa halip aniya, ang pondo ay hindi ginamit pangtulong sa mga residente para maipagmalaki ang umano ay tagumpay ng LGU sa paglaban sa korupsyon.

Sakaling mahalal, siniguro ni Discaya ang pondo ng City Hall ay pakikinabangan ng mga residente. Tiniyak din nitong hindi mapababayaan ang mahihirap na mamamayan na mistulang kinalimutan ng kasalukuyang liderato.

“It is time to move beyond superficial trends. The influence of celebrities and TikTok effects is undeniable. However, arrogance has no place in true leadership. A leader’s authenticity is demonstrated through their commitment to service,” ayon pa kay Discaya.

27

Related posts

Leave a Comment