FPJ PANDAY BAYANIHAN PATULOY SA PAGHATAK NG SUPORTA SA MAY POLLS

PATULOY na lumalakas ang suporta ng publiko sa FPJ Panday Bayanihan Party-list, na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Pinangunahan ni Brian Poe bilang unang nominado, ang party-list ay isa na sa tatlong pinaka pinipili ng mga botante, kung saan tumaas ang preference nito sa 4.76 porsyento mula sa dating 2.45 porsyento noong nakaraang buwan.

Ang SWS survey, na iniutos ng Stratbase, ay isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at may 1,800 na respondents na may ±2.31 porsyentong margin of error.

Ayon sa batas ng party-list, ang sinomang grupo na makakakuha ng hindi bababa sa 2 porsyento ng kabuuang boto ay magkakaroon ng kahit isang puwesto sa House of Representatives.

Hango sa diwa ng Da King ng Philippine movie na si Fernando Poe Jr., layunin ng FPJ Panday Bayanihan na tugunan ang mahahalagang suliraning panlipunan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat komunidad—isang adhikain na tumatak sa puso at isipan ng maraming Pilipino.

“Ang pinakabagong survey na ito ay patunay na naniniwala ang mga tao sa FPJ brand ng serbisyo publiko! Nakikita nila ang lahat ng aming nagawa nitong nakaraang dekada, at alam nilang patuloy kaming magsisikap para sa bayan,” ani Poe.

Kamakailan lamang ay isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan ang kanilang kick off rally sa San Carlos, Pangasinan, at isang engrandeng rally sa Batangas, na dinaluhan ng libu-libong residente.

Kasama ni Poe sa party-list bilang ikalawa at ikatlong nominado sina Mark Patron at Hiyas Dolor.

31

Related posts

Leave a Comment