PINANGANGAMBAHAN lalo pang tumaas ang kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa bansa matapos itong pumalo sa mahigit 7,000 biktima, ayon sa Department of Health (DOH).
Mula noong Enero 1 hanggang nitong Pebrero 22, 2025 nasa 7,598 ang total cases ng HFMD, ayon sa ahensya.
Mas mataas ito ng tatlong beses kumpara noong nakaraang taon na nasa 2,665 pero mas mababa pa rin kumpara noong 2023 na nakapagtala ng mahigit 2500 kaso sa loob lamang ng isang linggo, Pebrero ng naturang taon.
Patuloy umano ang pagkalat ng sakit na ang mga biktima ay mga edad 4 pababa.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, bagama’t mabilis ang pagkalat, bihira naman ang kaso ng namamatay sa sakit.
Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat mula sa pagtalsik ng laway na may virus o paghawak sa mata, ilong o bibig gamit ang kamay na kontaminado ng virus.
Sa Metro Manila, nakapagtala ngayon ng 4,225 kaso samantalang mahigit kalahati naman ang kaso mula sa Central Luzon at Cordillera Administrative Region (MIMAROPA). (JULIET PACOT)
