TINATAYANG nagkakahalaga ng P1.68 million undeclared cellular phone mula China ang nasabat ng Bureau of Custom -Port of Cebu. Ayon sa report na ipinarating sa tanggapan ni Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, nasabat ng mga ahente ng BOC–Port of Cebu, mula sa kanilang Subport ng Mactan, ang 12 packages na naglalaman ng 247 units ng branded mobile phones na nagmula China nitong nakalipas na linggo na tinatayang nagkakahalaga ng P1,679,617. Unang idineklara na personal effects, ang nasabat na shipment subalit nang lumitaw ang mga kuwestyunableng x-ray images ay inutos na isailalim…
Read MoreAuthor: admin 3
5 TAON TOURISM ROADMAP NG ASEAN TUTULAK SA REGIONAL TRANSFORMATION
PORMAL nang nilagdaan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang limang taong successor tourism blueprint upang palakasin ang regional cooperation at transformation pagkatapos ng pandemya. Inilunsad noong Enero 29 sa Cebu, ang ASEAN Sectoral Plan (ATSP) 2026-2030 ay pumalit sa ATSP 2016-2025, kung saan ang Pilipinas ang Lead Country Coordinator sa pagbuo ng plano. Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang plano ay magiging framework para sa sustainable tourism development ng rehiyon mula 2026 hanggang 2030. Nilalaman nito ang limang pangunahing aspeto: resilient tourism, empowerment ng tourism workforce,…
Read MoreP3.9-M PANG MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET
TINATAYANG mahigit sa P3,980,000.00 halaga ng marijuana plants ang winasak at sinunog sa patuloy na eradication campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Benguet. Sa ipinadalang ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na marijuana plantation na nasa bulubunduking lugar, ang sinalakay ng PDEA-Cordillera (PDEA-CAR), katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI)-CAR, PROCAR Benguet Province Police Office- PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station sa Sitio, Batangan, Tacadang, nitong nakalipas na linggo. Saklaw ng apat na plantasyon ang lupain na umaabot…
Read MoreNAWAWALANG PULIS NATAGPUAN SA POSO NEGRO
SA poso negro na natagpuan ang isang nawawalang anti-narcotics cop at natuklasang may tama ng bala nang i-ahon mula sa septic tank sa residential compound sa isang subdivision sa Malolos City. Kinilala ang pulis na si Police Staff Sergeant Renato Casauay Jr., 46, residente ng Barangay Sta. Barbara sa Baliuag City, nakatalaga sa Police Regional Office 3 Drug Enforcement and Special Operations Unit Narekober ang bangkay ng biktima dakong alas-1:30 ng madaling araw noong Sabado mula sa isang septic tank sa bakuran ng isang bahay sa Green Street sa Felicissima…
Read MoreKANONG PUGANTE SA RAPE, TIMBOG NG BI SA QUEZON
INARESTO ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikanong pugante sa maraming kasong sekswal, kabilang ang rape at mga krimen laban sa menor de edad, sa isinagawang enforcement operation sa Lucena City, Quezon Province. Sinabi ni BI FSU Chief Rendel Ryan Sy, isinagawa ang pag-aresto noong Enero 28 sa Barangay Mayao, Lucena City, katuwang ang Lucena City Police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Quezon Police Provincial Office, at iba pang ahensiya ng gobyerno sa intelligence operations. Ang naaresto ay isang 56-anyos…
Read MoreISKO: NEGOSYO SA MAYNILA PATULOY NA LUMALAKAS!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAKAPAGTALA ang Lungsod ng Maynila ng 40 porsiyentong pagtaas sa pagproseso ng mga bagong business permit, kasabay ng mataas na bilang ng permit renewals – patunay ng matibay na sigla ng lokal na negosyo, ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo sa ulat niya kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nitong Lunes. Hanggang Enero 25, 2026, umabot sa 384 bagong business permits ang naproseso ng lungsod – malaking pag-angat mula sa 176 sa kaparehong panahon (Enero 1–25) noong nakaraang taon. Sa bilang…
Read MoreRUSSIAN VLOGGER GUMIMIK LANG PARA KUMITA?
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS ang deportasyon ng bansa sa Russian Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy ay nalalagay muli ngayon ang Bureau of Immigration sa alegasyon ng korupsyon makaraang isiwalat umano nito na siya ay malayang nakagagamit ng gadgets sa loob ng piitan kapalit aniya ang panunuhol sa ilang jail officers. Matatandaang kinasuhan ng paglabag sa immigration law bilang pagiging undesirable alien ang dayuhang vlogger dahil sa hindi magandang content nito sa bansa partikular ang pambabastos sa ating mga kababayan kung saan ay mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. mismo…
Read MoreURBAN FARMING: BINHI NG SEGURIDAD SA PAGKAIN AT KINABUKASAN NG MAYNILA
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong patuloy na hinaharap ng bansa ang hamon ng mataas na presyo ng pagkain at banta sa food supply, mahalagang hakbang ang isinusulong na urban farming sa lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Ang pagbisita sa 23 ektaryang lupain sa Boystown Manila ay hindi lamang inspeksyon ng lupa, kundi malinaw na pahayag ng intensyon na gawing bahagi ng solusyon ang lungsod mismo sa usapin ng seguridad sa pagkain. Siyempre, ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa Department of Agriculture…
Read MoreDIPLOMASYA SA CHINA SUPORTADO NG PALASYO
SANG-AYON si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggamit ng diplomatikong paraan sa pagharap sa umiigting na “war of words” sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Tsina kaugnay ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, batid ng Pangulo ang nagpapatuloy na palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Pilipinas at ng Chinese Embassy, na humantong sa panawagan ng ilang mambabatas na ideklara ang isang opisyal ng embahada bilang persona non grata. Sinabi ng Department of Foreign…
Read More