Nanawagan ng hinahon at pananagutan MGA SULSOL PINATINGKAD TENSYON NG PH, CHINA – MAISUG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN ang grupong Hakbang ng Maisug ng kahinahunan at pananagutan mula sa mga opisyal ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding usapin hinggil sa banta ng digmaan. Sa pahayag ng grupo sa pamamagitan ni Atty. Vic Rodriguez, sinabi nito na hindi ito ang tamang panahon para sa mga salita na maaaring magpalala ng sigalot, lalo na habang patuloy na nahaharap ang mga Pilipino sa lumalalang kalagayang pang-ekonomiya at sa mga epekto ng mga kalamidad. Binigyang-diin nila na mas kinakailangan ang pagtutok ng pamahalaan sa pagbangon ng bansa…

Read More

LAGANAP NA KAHIRAPAN, KORUPSYON ISINISI SA KONGRESO

ITINURING na may malaking pananagutan ang Kongreso kung bakit nananatiling lugmok sa kahirapan at katiwalian ang Pilipinas dahil sa kabiguang magpasa ng batas laban sa political dynasty, kahit malinaw itong itinatadhana sa 1987 Constitution. Mula pa sa 8th Congress hanggang sa kasalukuyang 19th Congress, paulit-ulit nang inihain ang mga panukalang batas kontra political dynasty ngunit walang naisabatas, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. “Napakatagal na dapat naipasa ng batas na ito. Sa hindi pagsasabatas nito, nasaan na tayo ngayon? Hindi ba’t talamak pa rin ang katiwalian…

Read More

TRICAP Inducts Bukidnon Officers, First Chapter Under New National Leadership

The Tribal Communities Association of the Philippines (TRICAP) formally inducted the officers of its Bukidnon Chapter at the BAFF-DARU, P-5, Casisang, Malaybalay City, Province of Bukidnon, marking the province as the first chapter established under the organization’s new national administration. The induction signals a renewed national direction for TRICAP, focused on strengthening indigenous leadership, accountable governance, and the protection of the rights of Indigenous Peoples. Leading the Bukidnon Chapter is Henry S. Binahon (Datu Mansalalang) as President, with Atty. Perlie Jane Q. Binahon as President’s Secretary. Other officers include Emmanuel…

Read More

TAMA SI CHIZ NA ‘DI PWEDE ‘FAST BREAK’ SA IMPEACHMENT

CLICKBAIT ni Jo Barlizo SA panahon ngayon, parang lahat gusto ‘yung madalian. Parang kape na pwede na ang instant. Andyan ang instant justice, instant accountability, instant trending. Pero may ilang bagay na hindi puwedeng i–rush kahit gaano pa kainit ang emosyon, tulad na lang ng impeachment. Sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema kamakailan lang, tinuldukan na nito ang usapin sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. So, tama pala ang paninindigan ni Sen. Chiz Escudero sa pagtutol sa minadaling impeachment laban sa Bise. Hindi ito usapin ng kakampi…

Read More

PH, CHINA NAGDAOS NG BILATERAL TALKS SA CEBU UKOL SA USAPIN NG SCS

NAGDAOS ng bilateral talks ang mga senior diplomat mula sa Pilipinas at Tsina ukol sa pinagtatalunang South China Sea sa sidelines ng ASEAN ministerial meeting sa Cebu. Pinangunahan ang pulong nina DFA Undersecretary for Policy Leo Herrera-Lim at Hou Yanqi, Director-General ng China’s Department of Boundary and Ocean Affairs, kung saan tinalakay ang maritime issues at ang implementasyon ng umiiral na non-binding ASEAN-China code. Ayon sa DFA, naging bukas at prangkahan ang palitan ng pananaw hinggil sa bilateral relations, regional concerns at international issues na may mutual interest. Nagbabala ang…

Read More

HIGIT P10-M CANNABIS SINUNOG NG PDEA

TINATAYANG mahigit P10.6 milyon halaga ng marijuana plants ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawang araw na operasyon sa Sitios Les-eng at Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet. Ayon kay PDEA PIO Director Laurefel P. Gabales, sinuyod ng mga operatiba ang 7,150 metro kuwadradong taniman at winasak ang humigit-kumulang 53,650 puno ng marijuana na nilinang sa 15 magkakahiwalay na lugar. Ang mga halaman ay agad sinunog sa mismong lugar at ibinaon ang mga abo. Wala mang naaresto, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari ng lupa at ang mga responsable…

Read More

OIL SPILL BANTA SA LUMUBOG NA MV TRISHA KERSTIN 3; OVERLOADING SINISILIP

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Coast Guard ang posibilidad ng oil spill sa bahagi ng dagat na pinaglubugan ng ill-fated MV Trisha Kerstin 3 habang nagpapatuloy ang masusing beripikasyon sa kabuuang bilang ng mga sakay ng lumubog na ferry. Ito ay kasunod ng paglalabas ng Sulu Disaster Risk Reduction and Management Office ng online list ng “suspected missing persons” na umaabot umano sa 49 katao na mas mataas sa unang bilang na inilabas ng PCG. Patuloy ang search, rescue, at retrieval operations sa mga nawawalang pasahero sa katubigan ng Baluk-Baluk Island, Basilan.…

Read More

3 NASAWI SA ROAD MISHAP SA CAMSUR

PATAY ang tatlo katao habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos suyurin ng isang SUV ang dalawang motorsiklo at isang trimobile sa Barangay San Juan Bautista, bayan ng Goa, Camarines Sur. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano ang SUV driver sa isang trimobile nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at masagi ang sasakyan. Dahil dito, kinain ng SUV ang kabilang linya at tuluyang sumalpok sa dalawang kasalubong na motorsiklo. Dead on the spot ang magkapatid—isang babae at isang lalaki—na sakay ng unang motorsiklo, gayundin ang…

Read More

APAT NA MAGKAKAANAK PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO, ISA KRITIKAL

NASAWI ang apat na magkakamag-anak habang isa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng Matalam Municipal Police Station, bandang alas-7:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag kaugnay ng insidente at agad na rumesponde sa lugar. Pagdating ng mga awtoridad, bumungad ang duguang mga biktima kung saan apat ang patay na at isa ang isinugod sa pagamutan. Kinilala ang mga nasawi na sina Rashid Sahay Mampo, Rica Jane Maidlos, Daryl…

Read More