PUMALAG ang isang kinatawan ng party-list matapos mapabilang sa nakalagay sa immigration lookout bulletin order na inilabas ng Department of Justice. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakasama sa listahan ang pangalan ni Magsasaka Party-list Rep. Ferdinand Beltran batay sa hiling ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta. Muling iginiit ng kalihim na ang pinagbatayan lamang ng kanilang inilabas na ILBO ay mula sa request ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Senado. Sinabi pa ni Remulla na posibleng hindi pa nakalabas ng…
Read MoreAuthor: admin 3
2 BABAE, 1 PA TIMBOG SA BUY-BUST
INARESTO ng pulisya ang isang lalaki at dalawang babae na tinaguriang high-value individuals sa isang drug buy-bust operation sa Taguig nitong Setyembre 4. Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD), katuwang ang Taguig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala sa alyas Vince, 43; alyas Urmesh, 34; at alyas Jay, 33. Nasamsam sa operasyon ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon at isang cellphone. (CHAI JULIAN) 112
Read MorePONDO NG PARTIDO, NAPUNTA LANG SA OPISYAL?
NAKAGUGULAT ang balitang lumulutang ngayon tungkol sa isang kilalang opisyal ng isang makapangyarihang partido pulitikal. Imbes daw na mapunta sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang grupo ang koleksyon mula sa mga miyembro, diretso raw itong napupunta sa bulsa ng naturang opisyal. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ginagastos lamang umano ng nasabing opisyal ang pondo sa luho—mga mamahaling kotse na nakaparada sa Davao del Norte at koleksiyon ng mga baril na dapat na raw siyasatin ng NBI at PNP. Hirit pa ng ilan, baka kailangan pang mag-SAF para sa posibleng raid.…
Read MoreSUPORTA SA JEEPNEY DRIVERS AT MODERNIZATION PROGRAM, KULANG PA – REP. POE
QUEZON CITY — Nanawagan si Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, ng mas mataas na suporta mula sa gobyerno para sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Sa isang pagdinig sa Kongreso, iginiit ni Poe na ang presyo ng modernong jeep na umaabot sa ₱2 milyon kada yunit ay nagbabaon sa libu-libong tsuper sa pagkakautang. Aniya, hindi dapat maging kapalit ng modernisasyon ang pagdurusa ng mga driver, kundi dapat itong magbigay ginhawa at pag-angat sa…
Read MoreANG ISDA AY TALAGANG NAHUHULI SA BIBIG
RAPIDO ni PATRICK TULFO IBINUKING ni Cezarah (Sarah) Discaya ang sarili sa isinagawang pagdinig sa Senado sa kontrobersyal na flood control project. Sa pagtatanong kay Discaya, inamin niya na sa kanya ang 9 construction firms na sumali sa mga bidding ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Sa imbestigasyon, lumabas na kaanak din ni Discaya ang tumatayong mga CEO ng 5 sa mga kumpanya, taliwas sa mga nauna nitong sinabi na isa lang ang kumpanyang hawak niya, ang Alpha & Omega Construction. Malinaw na nagpayaman lang sa pwesto ang…
Read MoreSILANG MAGNANAKAW LANG ANG MASIGLA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATAMLAY ba ang pasok ng ber month? O malamig ang pagtanggap? ‘Yung lamig na kulang sa sigla, hindi ‘yung lamig na katambal ng pasakalye sa kapaskuhan. Naaagaw ata ng atensyon ng hindi magkamayaw na imbestigasyon at ingay ng kontrobersya ng maanomalyang flood control projects at iba pang alalahanin, ang atensyon ng publiko kaya tila walang chill ang pagpasok ng buwang ber. Pero, ang tiyak, magiging talamak na naman ang online scam sa ganitong panahon. Hala. Kaya, nagpaalala at pinagdodoble-ingat ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko…
Read MoreNAKIKIGALAK SA KATOTOHANAN
HOPE ni GUILLER VALENCIA HINDI nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan. (I Mga Taga Corinto 13:6 ERV). Ang pagmamahal ay mahalaga sa buhay ng Kristiyano. Kay Cristo, ang ating buhay ay may kahulugang mamuhay nang may pagmamahal. Nang tanungin si Hesus kung ano ang pinakadakilang utos, sinabi niya: “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, sa pamamagitan ng buong kaluluwa mo at sa pamamagitan ng buong pag-iisip mo. Ito ang una sa pinakadakilang utos. Sa pangalawa ay ganito: “Ibigin ninyo ang inyong Sikolohiyang gaya ng sa…
Read MoreKARAPATAN AT DUE PROCESS NG PAMILYA DISCAYA
TARGET ni KA REX CAYANONG DISMAYADO raw ang pamilya Discaya matapos bawiin ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ang lisensya ng siyam na construction firms na umano’y konektado sa kanila. Ang masakit, ginawa raw ito nang hindi dumaan sa tamang due process. Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III, malinaw na may hearing pa sa PCAB at may nakalaan pang 30 araw para magsumite ng mga dokumento. Humingi pa raw sila ng extension, pero bago pa man makapagsumite, bigla na lang kinansela ang kanilang mga lisensya. Aba,…
Read MoreSYNDICATED ESTAFA CASE NILULUTO VS QUIBOLOY?
MISTULANG inihahanda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isa pang non-bailable case laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kaugnay ng umano’y maling paggamit ng donasyon ng mga miyembro ng kanyang simbahan. Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, iminungkahi ni Manila Rep. Joel Chua ang posibilidad na kasuhan si Quiboloy ng syndicated estafa. Ayon kay Chua, ginagamit umano ang nakokolektang donasyon, kabilang ang mula sa mga miyembro sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, para pondohan ang…
Read More