BISTADO ang isang grupo umano ng scammer sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP). Ang mga scammer ay gumagamit umano ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno. Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang alyas Baby S. na dating staff member ng hindi pinangalanang…
Read MoreAuthor: admin 3
RIDO SA TIPO-TIPO KINONDENA NG OPAPRU
KINONDENA ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng dalawang angkan sa Basilan nito lamang Martes, Oktubre 28. Ayon kay Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon lalo pa’t batay rin sa mga naunang ulat, rido ang pinag-ugatan ng mismong alitan. Tiniyak ni Galvez sa mga residente ng Tipo-tipo na mananatili ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ng Philippine National Police (PNP), sa lugar upang matiyak at mapanatili ang kapayapaan at…
Read More50,000 PULIS IDE-DEPLOY PARA SA UNDAS EXODUS
MAHIGIT 50 libong pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) para mangalaga ng peace and order sa gitna ng inaasahang All Souls Day at All Saints Day exodus sa mga lalawigan at maging sa Metro Manila. Ayon kay PNP acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., pinalalakas nila ang police deployment para matugunan ang inaasahang paglala ng daloy ng trapiko sa maraming pangunahing lansangan, mapanatili ang peace and order, at ayudahan ang publiko bago pa magsimula ang paglalakbay ng mga magsisipag-uwian at mga dadalaw sa mga sementeryo. “We…
Read MoreDATING PULIS NA WANTED SA DROGA, ARESTADO
CAVITE – Nalambat ng pulisya ang isang dismissed police officer na nasa listahan ng most wanted person, regional level, sa isinagawang operasyon sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang dismissed police officer na si alyas “Vin”, inaresto bandang alas-11:51 ng gabi sa Brgy. Nicolas 2, Dasmariñas City. Bitbit ang warrant of arrest na inisyu at pinirmahan ni Presiding Judge Josielyn Lara De Luna, ng RTC, Branch 129, Dasmariñas City, Cavite, nagsagawa ng operasyonn ang RIT Cavite, RID 4A, RID, PSOG, CID-IG, RIU4A, IMEG-LFU Team 4A at Warrant Section…
Read More17 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS SA MALAYSIA, BALIK PINAS
NA-DEPORT pabalik ng Pilipinas ang 17 Pilipino na biktima ng human trafficking sa Malaysia at dumating sa Zamboanga City sakay ng MV Antonia, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Kasama sa grupo ang isang pamilya na may apat na miyembro—ama, ina, at dalawang anak na lalaki—na nirekrut noong 2023 at umalis sa bansa gamit ang ilegal na ruta ng migrasyon, kilala bilang “backdoor” mula Jolo, Sulu, sakay ng speedboat. Ang ama ay pinangakuan ng trabaho sa isang kumpanya ng palm oil sa Malaysia, na may sahod na 2,000 Malaysian Ringgit…
Read MoreGUSTONG ‘KUMANTA’ SA FLOOD MESS DUMARAMI – DOJ
IBINUNYAG ng Department of Justice (DOJ) na dumarami na ang gustong “kumanta” sa kontrobersyal na flood control scam — at karamihan umano sa kanila ay mula mismo sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Prosecutor General Atty. Anthony Richard Fadullon, may mga nadagdag na aplikante na nais tumestigo laban sa mga sangkot sa umano’y malawakang korupsyon sa flood control projects. “Merong mga nadadagdag. Kinu-consider namin ‘yan at tinitingnan kung saan sila maaari mag–state witness,” pahayag ni Fadullon sa isang press conference kahapon. Dagdag pa niya, karamihan sa…
Read More2.1-M PASAHERO INAASAHAN SA PITX
INAASAHANG mahigit 2.1 milyong pasahero ang bibiyahe pauwi ng kani-kanilang probinsya para sa Undas 2025, ayon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkoles, sinabi ni PITX Chairman Jason Salvador na mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, libu-libong biyahero ang dadaan sa terminal. Pinakamataas umano ang inaasahang dagsa sa Oktubre 30, partikular mula alas-5 ng hapon, kaya hinikayat ang publiko na mag-book online at agahan ang biyahe upang maiwasan ang siksikan at pagkaantala. Tiniyak ni Salvador na sapat ang supply ng mga bus at pinaalalahanan…
Read MorePCG KINONDENA VIDEO POST NI BARZAGA
NAGBABALA ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa isang video post ni Cavite Congressman Kiko Barzaga na umano’y sumisira sa integridad at propesyonalismo ng kanilang institusyon. Ayon kay PCG West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela, naglalaman ang naturang video ng mapanlinlang at nakapipinsalang pahayag na layong pababain ang kredibilidad ng Coast Guard. Pinalagan ni Tarriela ang mga sinabi ni Barzaga na “walang silbi” umano ang operasyon ng PCG sa West Philippine Sea at posibleng magdulot pa ng “World War III.” “Bahagi ng aming mandato ang protektahan ang soberanya ng…
Read MoreHigit 50,000 pulis ikinalat sa buong bansa HEIGHTENED ALERT NG PNP MANANATILI HANGGANG NOB. 3
MANANATILI ang heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) hanggang Nobyembre 3, 2025. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at mapayapa ang publiko sa paggunita ng Undas 2025, itinaas ng PNP sa heightened alert status ang kanilang hanay simula nitong Miyerkoles. Ayon kay PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng hakbang na palakasin ang presensya ng kapulisan, mapanatili ang kaligtasan ng publiko, at matiyak ang mabilis na pagtugon sa anomang emergency habang dagsa ang mga tao sa mga sementeryo, terminal,…
Read More