NAGLALAMYERDANG ROLLS ROYCE HINDI SA DISCAYA COUPLE

AGAD pinabulaanan ng Bureau of Customs (BOC) na pag-aari ng mag-asawang contractor na sangkot sa DPWH projects scandal, ang nakitang Rolls Royce na naglalamyerda sa Metro Manila na mabilis na kumalat sa social media. Kasabay nito, nilinaw ng pamunuan ng BOC na nananatili sa kanilang kustodiya ang mga mamahaling sasakyan ng Discaya couple taliwas sa lumabas sa isang social media post na nagsasabing nakita umano sa Metro Manila na minamaneho ang isa sa luxury cars ng mga Discaya. Nilinaw ng BOC sa inilabas nilang pahayag, ang Rolls-Royce na ipinakita sa isang…

Read More

BI KASADO NA SA PAGDAGSA NG PASAHERO SA NAIA

KASADO na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang airport personnel sa international airports partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas o long weekend. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, full force ang deployment ng augmentation team para matiyak na sapat ang kanilang mga tauhan sa lahat ng counters at mabilis ang serbisyo sa mga pasahero. Asahan naman aniya na aabot sa higit 50,000 ang daily departures na mas mataas kumpara sa nakaraang taon. Paliwanag ng BI, tumaas…

Read More

The champion team, spearheaded by Ricky Reyes president of APHCA collectively brought home an impressive haul of titles, including the prestigious OVERALL CHAMPION award. The phillipines once agin showcased its world class talent in the beauty industry, with a strong contingent of filipino stylist and make-up artist dominating the competition the 29th Asia Pacific Hair Olympics (APHCA) at the GALA DE CHINE /CROWN PLZA TAIPEI TAIWANZedrick Eleponga- champion bridal makeup category. Overall champion Trisha Marquez – champion creative colorful brading category. And 1st runner up dream Make up competition Kurt…

Read More

PASYENTE SA OSPITAL SINILBIHAN NG 7 ARREST WARRANTS

SUMUGOD sa isang kilalang ospital ang mga operatiba ng Maragondon Municipal Police Station (MMPS) upang isilbi ang pitong warrant of arrest sa isang lalaking top 2 most wanted person, regional level, sa Diliman, Quezon City noong Martes ng umaga. Bitbit ang pitong warrant of arrests na inisyu nina Presiding Judge Ralph S. Arellano, ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 132, Naic, Cavite; Presiding Judge Ruben E. Sevillano Jr., ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite; at Presiding Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5,…

Read More

Para masilip bank accounts ng mga ‘kurakot’ POWER NG OMBUDSMAN PLANONG DAGDAGAN

INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa Office of the Ombudsman upang buksan at busisiin ang bank accounts at financial records ng mga opisyal ng gobyerno na iniimbestigahan dahil sa katiwalian. Nakasaad ito sa House Bill (HB) 5701 na inakda ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima, na layong alisin ang mga legal na hadlang na pumipigil sa Ombudsman na direktang makakuha ng impormasyon sa mga bangko, na sa kasalukuyan ay hawak lamang ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).…

Read More

TAX AMNESTY, 20% DISCOUNT SA AMILYAR SAMANTALAHIN – ISKO

HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga negosyante at may-ari ng lupa na samantalahin ang General Tax Amnesty ng lungsod at ang 20% diskwento sa maagang pagbabayad ng amilyar bago mag-Disyembre 10. Ayon kay Moreno, layunin ng amnesty program na tulungan ang mga taxpayer na malinis ang kanilang rekord habang nakatutulong sa fiscal recovery ng lungsod. Batay sa datos, umabot na sa P266 milyon ang nakolektang buwis mula nang ipatupad ang programa, kung saan nakatipid ang mga nag-avail ng halos P113 milyon sa multa at interes. Ipinaalala ng…

Read More

Marcos admin puro porma ANYARE SA LIFESTYLE CHECK, SALN? – SOLONS

PURO porma lamang ang Malacanang sa pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at ang ipinangakong lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno. Hinanap ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang SALN dahil hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging ang kanyang Gabinete. “Maraming postura ang Malacanang pero pag usapin na ng aktuwal na paglabas ng SALN ay may dagdag na requirements na naman,” giit ni Tinio, sabay paalala na noong una’y ipinagyabang pa ng administrasyon na walang problema…

Read More

Rekomendasyon ng ICI kulang-kulang MALAPIT SA PALASYO ‘SAFE’ SA KASO?

KULANG ang listahan na inirekomenda ng Independent Commission of Infrastructure (ICI) para kasuhan sa pagkakasangkot sa malawakang anomalya sa flood control projects dahil wala ang mga kilalang malapit sa Malacañang. Reklamo ito ng Makabayan bloc sa Kamara dahil tanging sina Sens. Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, Zaldy Co, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, Commission on Audit (COA) Mario Gonzales Lipana at dating Caloocan City Rep. Mitch Cajayon-Uy inirekomenda ng ICI na kasuhan sa Office of the Ombudsman. Sinabi ni Kabataan party-list Rep. Renee Co…

Read More

MENTAL HEALTH CRISIS NAIS PAIMBESTIGAHAN NI VILLAR

NAGPASA si Senadora Camille Villar ng isang resolusyon na nananawagan sa Senado na imbestigahan ang lumalalang kalagayan ng mental health sa bansa, kasabay ng panawagan na palakasin ang pagpapatupad ng umiiral na mga batas at gawing mas abot-kamay ang serbisyong pangkalusugang pangkaisipan para sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng Proposed Senate Resolution No. 99, hiniling ni Villar na magkaroon ng inquiry in aid of legislation upang pagtibayin ang ugnayan ng mga kaukulang ahensya, tukuyin ang mga kakulangan sa kasalukuyang mga programa sa mental health, palawakin ang abot-kayang serbisyong nakabatay sa…

Read More