OCAMPO, CASTRO IGALANG DESISYON NG KORTE – DOJ

HINIKAYAT ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sina Act Teachers party list Rep. France Castro at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo na respetuhin ang naging hatol sa kanila at 11 iba pa ng Tagum RTC. Kinikilala aniya ng DOJ ang bigat ng proseso sa paglilitis at ang kahalagahan ng pagrespeto sa judicial outcomes. “This ruling underscores the commitment of our judiciary to uphold the rule of law and protect the rights our most vulnerable citizens, especially children,” ayon sa DOJ. Sa isang banda, may pagkakataon pa naman…

Read More

BAGONG TRANSMISSION LINE SA BATAAN PINASINAYAAN NI PANG. MARCOS

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt transmission line sa Bataan. Sa kanyang speech, sinabi ng Pangulo na sa sandaling maging operational na ay mas mapapalakas ang power transmission services sa Region 3 maging sa Metro Manila. Kukonekta rin ang transmission line sa iba pang proyekto sa Bataan gaya ng Battery Energy Storage System sa Limay na pinasinayaan noong nakaraang taon at sa Bataan-Cavite Interlink Bridge. Ang MHSJ 500 Kilovolt (kV) ay ginastusan ng P20.94 billion at inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ayon…

Read More

JOINT ORDER PARA SA KALUSUGAN NG MGA PRESO, INILARGA NA

OPISYAL nang nilagdaan kahapon ng tatlong ahensya ng pamahalaan ang isang Joint Administrative Order (JAO) na layong bigyan ng proteksyon, seguridad at kaligtasan pagdating sa kalusugan ang persons deprived of liberty (PPLs) o mga taong pinagkaitan ng kalayaan. Sa ceremonial signing sa Centennial Hall ng Manila Hotel, siniguro ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ang makataong pagtrato at pag-iwas sa diskriminasyon sa misyon ng Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng maayos na…

Read More

NAT’L MAC AND CHEESE DAY IPINAGDIWANG SA CAVITE CITY

KASABAY ng pagdiriwang ng National Mac and Cheese Day, tinatayang 300 residente ng Cavite City ang sumabay sa okasyon at kumain ng Caviteño cheese macaroni na inihanda para sa kanilang barangay nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14. Ang libreng agahan sa Brgy. 58M Patola, Cavite City ay handog ni Brgy. Captain Rizaldy Consigo sa kanyang constituents na isinabay sa pagdiriwang ng National Mac and Cheese day. Bukod sa pambatong Caviteño cheese macaroni, isinabay rin sa agahan ang mainit na kape na may kasamang pandesal na may iba’t ibang palaman, sinangag,…

Read More

CARGO VESSEL SUMADSAD, 19 CREW MEMBERS NASAGIP

NAGLUNSAD ng rescue mission ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para masagip ang 19 tripulante ng isang passenger-cargo vessel na sumadsad sa malapit sa Rio Hondo. Ayon sa PCG, nakatangap sila ng distress call mula sa sumadsad na Ciara Joie 1 kaya agad na inatasan ang PCG-Special Operation Group Team 1 (SWM), kasama ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Rio Hondo, Coast Guard Provost Marshal Unit-SWM at Coast Guard Weapons Communications and Electronics Information System-SWM para magsagawa ng rescue operation. Agad namang natunton at nailigtas ang crew…

Read More

Marcos ginising sa ‘pantasya’ P32-B STADIUM PROJECT INSULTO SA MGA NAGUGUTOM

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T lugmok sa kahirapan ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, mas inuuna pa ng gobyerno ang pagtatayo ng stadium na nagkakahalaga ng P32 bilyon sa Clark, Pampanga. Tinawag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ‘misplacement of priorities’ ang proyektong ito na itatayo umano malapit sa Clark International Airport sa nasabing lalawigan dahil mas inuuna ito kesa sa pangangailangan ng mamamayan. “How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in…

Read More

ABALOS BINIRA SA PAGTANGGAP NG PABUYA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINUWESTYON ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang pagtanggap ng pabuya ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Ayon kay KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon, malinaw na paglabag sa batas ang pagtanggap ni Abalos ng pera mula sa pribadong sektor dahil gobyerno ang dapat naglalaan ng pabuya. “Unwittingly, he admitted a commission of a crime because indeed if you put up a reward, the reward should be coming from the coffers of the…

Read More

Maisug speakers iikot sa mga barangay TUNAY NA ESTADO NG PILIPINAS ILALANTAD

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA layuning maipaalam sa taumbayan ang tunay na estado ng Pilipinas, sinimulan ang pagdaraos ng barangay forum ng mga sectoral leader ng grupong Maisug. Nitong Biyernes ay nagdaos ng forum sa Brgy. Bambang, Bocaue, Bulacan na dinaluhan ng Maisug Speakers na sina former Executive Secretary Vic Rodriguez, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Atty. Harry Roque, at Atty. Glen Chong. Sa kanyang pananalita, binigyang boses ni Atty. Rodriguez ang alalahanin ng marami kaugnay ng lumalalang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China. Pinuna ni Rodriguez ang pagdagsa sa Pilipinas…

Read More

P200-B KADA TAON PARA MATIYAK FOOD SECURITY NG BANSA

GAGASTOS ng tinatayang P200 bilyon kada taon ang National Irrigation Administration para matiyak ang food security ng Pilipinas ayon sa National Irrigation Administration (NIA) sa ginanap na pulong balitaan. “My estimate for us to be food secure… we need P200 billion [budget] yearly for the next 10 years,” ayon kay NIA Administrator Eddie Guillen. Inihayag ni Eng.Guillen na kailangang mabigyan ang ahensya ng tinatayang P200 billion na pondo kada taon para sa susunod na 10 taon para matustusan ang kanilang irrigation projects na layuning mapatubigan ang mga irrigable land. Paliwanag…

Read More