PING: HALOS LAHAT NG SENADOR SUMAWSAW SA P100-B INSERTIONS

IBINUNYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na umabot sa mahigit P100 bilyon ang insertions ng halos lahat ng senador sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA). Ayon kay Lacson, natuklasan ito sa mga dokumentong nakalap na naglalaman ng mga indibidwal na insertions na naka-tag na “For Later Release (FLR).” “Pagkalalaki. Never pa ako nakakita kasi noong araw, bago pa ma-declare unconstitutional ang PDAF, nasa hundreds of millions lang. E ngayon, kabuuan at least P100 billion,” pahayag ni Lacson. Giit niya, hihimayin niya ito sa budget hearings…

Read More

P8.8-M ILLEGAL DRUGS, NASABAT NG CUSTOMS

boc droga

TINATAYANG umabot sa P8.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs sa unclaimed parcels. Ayon kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, kaugnay sa direktibang ibinaba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang border protection at paigtingin ang anti-drug campaign ng pamahalaan, nasabat ng Aduana ang tatlong unclaimed parcels na naglalaman ng hinihinalang illegal drugs na nagkakahalaga ng P8,839,600.00 sa Ninoy Aquino Airports. Ayon sa ulat, nagsagawa ng interdiction operation ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency…

Read More

DEFENSOR: NAG-NOTARYO NG AFFIDAVIT NI GUTEZA POSIBLENG NA-PRESSURE

Rep Mike Defensor-2

NANINIWALA si dating congressman Mike Defensor na posibleng tinakot si Atty. Petchie Rose Espera kaya itinanggi nito na siya ang nag-notaryo sa affidavit ni dating Master Sgt. Orly Guteza, na direktang nagdadawit kina Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects. “Puwede siyang tinakot. Pwede siyang sinabihan na sabihin mo hindi totoo ‘yan,” ani Defensor sa isang radio interview matapos itanggi ni Espera na siya ang nag-notaryo sa affidavit. Ayon sa dating kongresista, ang pagtanggi ni Espera ay posibleng paraan lang para…

Read More

Atty. Rodriguez sa Senado RESPETO, KORTESIYA DAPAT SA PILIPINO HINDI KAY ZALDY CO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni Atty. Vic Rodriguez ang Senado matapos nitong tumangging ipatawag si Cong. Zaldy Co sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects, kahit pa marami na ang nagturo rito na sangkot. Sa kanyang Facebook post, pinuna ng dating Executive Secretary at kumandidatong senador noong May 2025 elections na mas nangingibabaw daw sa Senado ang pagbibigay ng kortesiya sa kapwa mambabatas kaysa pagrespeto sa mga Pilipinong biktima ng korapsyon. “Trilyong piso na ang ninanakaw ng mga politiko, pero binibigyan pa rin sila…

Read More

Madaling bawiin – Diokno YAMAN NG MGA TIWALI LANTAD SA SOCIAL MEDIA

MADALI umanong mabawi ang yaman ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control projects, kapag hindi nila mapatunayan na legal ang pinagmulan ng kanilang karangyaan. Ito ang pahayag ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno sa gitna ng mainit na imbestigasyon sa flood control scam na kinasasangkutan ng ilang DPWH officials. Paliwanag ni Diokno, may kapangyarihan ang Office of the Solicitor General na magsampa ng civil case for forfeiture sa ilalim ng Republic Act 1379 kung saan may…

Read More

HINDI BOKYA! MGA KONGRESISTA TULOY PROYEKTO SA 2026 NEP

MARAMI pa ring natitirang proyekto ng mga miyembro ng Kongreso sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) kahit burado na ang P255 bilyong flood control projects. Ito ang kinumpirma ni House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, na nagsabing inilipat lang sa iba’t ibang ahensya ang pondo pero nanatili ang alokasyon ng bawat kongresista. “Yes, tinanggal ang flood control projects worth P255B. Pero tiniyak ng House na yung alokasyon ng bawat kongresista ay mananatili pa rin,” ani Tinio. Giit pa niya, lumaki pa nga ang…

Read More

BUDGET ANOMALY HUWAG ISISI SA ADMIN – GOITIA

BINANATAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang mga paratang ng isang indibidwal, na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat sisihin sa kontrobersiya sa budget. Aniya, malinaw ang Konstitusyon: “Nasa Mababang Kapulungan nagsisimula at natatapos ang appropriation bills. Ang Kongreso ang gumagawa, nagdedebate, at nagpapasa ng budget — kasama ang insertions. Kung may anomalya, sila ang dapat managot. Ang pagsisi sa Pangulo ay insulto sa prinsipyo ng separation of powers.” Sa isyu naman ng veto, aniya: “Ang veto ay panangga laban sa mali, hindi espada para patayin…

Read More

FC FUNDS MAS MAINAM SA MAHIHIRAP MAPUNTA KAYSA SA MGA TIWALI – TULFO

TAMA lang ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang P36 bilyong pondo mula flood control project ng DPWH patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naghihirap na mamamayan. Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, mas makabubuti na sa mahihirap mapunta ang pera kaysa bulsa ng mga tiwaling opisyal, kontraktor at politiko. “Instead nga naman na mapunta lang sa bulsa ng mga DPWH officials, contractors at politiko, mas mainam na mapunta na…

Read More

Panawagan ni Sen. E. Tulfo: FOOD, HEALTH, JOBS DAPAT DING PANSININ NG SENADO

SA gitna ng mainit na isyu ng flood control corruption at budget hearing, nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na huwag kalimutan ang pangunahing problema ng taumbayan—mataas na presyo ng pagkain, mahal na pagpapagamot, at kawalan ng trabaho. Sa isang ambush interview, sinabi ni Tulfo: “Sana in between sa hearing ng flood control at usaping budget para sa 2026, mapagtuunan din natin ng pansin ang tatlong problema ng tao—pagkain, kalusugan, at trabaho.” Dagdag pa ng senador, tama lamang na busisiin ang korapsyon para hindi na…

Read More