FUND CONTROL

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NITONG nakaraang linggo, naging saksi ako sa tindi ng galit ng napakaraming residente sa condo na aking tinitirahan. Bigla kasing nawalan ng kuryente sa buong complex at maraming trabaho ang naantala at mga taong napeste. Minsan talaga may mga aberya pero ang ikinagalit kasi ng mga residente — ang kawalan ng maayos na impormasyon tungkol sa dahilan nito, at ang paninisi ng administrasyong namamahala sa condo. Mahigit isang araw nawalan ng kuryente kaya talagang sumasabog ang group chats dahil sa sobrang galit na mga tao.…

Read More

PINOY INI-SCAM ANG MGA OFW GAMIT ANG PANGALAN NG MWO

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP Al Khobar, Saudi Arabia – Dumulog sa ating pahayagan ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na biktima umano ng isang kapwa Pinoy na nagngangalang Ali, na ginagamit ang pangalan ng Migrant Workers Office (MWO) at ng Philippine Embassy upang makapanloko. Ayon kay Ronel, isa sa mga biktima, nakilala niya si Ali bilang isang negosyante na nagpapakilalang konektado sa mga opisyal ng MWO at embahada. Sa simula ay naging maayos ang kanilang pakikitungo hanggang sa hiningi ni Ali ang kanyang Iqama upang gamitin sa…

Read More

SERBISYONG MAY MALASAKIT, SERBISYONG MAYOR SUSAN YAP

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG patunay ng malasakit at responsableng pamamahala ang isinagawang Financial Assistance Payout ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac nitong Setyembre 25 sa Bulwagan ng City Hall. Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Treasury Office, katuwang si Mayor Susan Yap, naiparating ang tulong-pinansyal sa mga Tarlakenyong higit na nangangailangan. Hindi maikakaila na sa panahon ngayon, malaking pasanin ang gastusin sa kalusugan at biglaang pangyayari tulad ng sunog at pagkamatay ng mahal sa buhay. Kaya naman ang programang nakalaan para sa pambayad…

Read More

NANGANGAMOY NA BANGKAY, NATAGPUAN SA TABI NG SEMENTERYO SA CAVITE

NANGANGAMOY at halos naaagnas na ang katawan ng isang lalaki na natagpuan sa gilid ng sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, Silang, Cavite, kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 44 hanggang 55 ang biktima na nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon. Base sa ulat, naglalakad si alyas MJ, caretaker, sa tabi ng sementeryo nang makalanghap siya ng masangsang na amoy. Nang siyasatin, tumambad sa kanya ang naaagnas na bangkay bandang alas-8:15 ng umaga. Patuloy na nagsasagawa ng awtopsiya ang mga awtoridad upang malaman ang…

Read More

PINSALA SA LTO OPERATIONS NG BAGYONG OPONG PINASUSURI

MARIING ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, sa lahat ng Regional Directors na magsumite ng damage assessment report para matukoy ang lawak ng pinsala ng bagyong Opong sa operasyon ng ahensya, lalo na sa mga hard-hit areas. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan ang mga RD na suriin hindi lang ang opisina kundi pati na rin ang kalagayan ng mga tauhan at kanilang pamilya upang agad na makapagsagawa ng tulong. “Matindi ang…

Read More

P3.6-M SHABU AT ECSTASY HULI SA BIG TIME PUSHER

DAVAO CITY – Isang bigtime drug pusher at high value target drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa Purok 10-B, Lower Madapo, Barangay 8-A, Davao City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, noong Biyernes ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team/Davao City Office of the Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, katuwang ang Police Precinct 2, laban sa isang alyas “Bryan”, 21-anyos. Tinatayang nasa…

Read More

7,000 PULIS DINEPLOY SA SEARCH AND RESCUE

HABANG tinatahak ng Severe Tropical Storm “Opong” (international name: Bualoi) ang direksyon palabas ng Philippine area of responsibility patungong Vietnam, ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mahigit sa 7,000 pulis para magsagawa ng rescue and relief operations sa buong bansa habang maraming Pilipino ang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng bagyo. Ayon kay PNP Acting chief, Lt. General Melencio Nartatez, may 7,349 police officers ang nagsasagawa ng search, rescue, at retrieval (SRR) missions, habang may 11,118 pa ang naka-antabay sakaling kailanganin pa ang dagdag na puwersa bunsod…

Read More

‘HILAW’ NA AKAP DAPAT LANG HINDI PONDOHAN

Senador Sherwin Gatchalian

TAMA lamang para kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na hindi na pondohan ang mga hilaw na programa gaya ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Nangako si Gatchalian na haharangin ang anomang pagtatangka na pondohan ang programang AKAP. “Ang gusto natin ay mga programang pinag-aralan nang mabuti, may feasibility study, para alam natin ang tiyak na magiging epekto,” pahayag ni Gatchalian. Ibinahagi rin niya ang datos na nagpapakita na mas marami ang benepisyaryo ng AKAP sa mga lugar na mababa ang poverty incidence, habang mas…

Read More

LIFESTYLE CHECK ILALARGA SA LAHAT NG GOV’T OFFICIALS

IPALALABAS na sa susunod na linggo ang memorandum kaugnay ng lifestyle check sa ilang opisyal ng gobyerno. “Most probably po magkakaroon po tayo ng memorandum, hintayin lamang po natin by next week,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal ng gobyerno. Nang tanungin kung sinu-sinong opisyal ang saklaw, sagot ni Castro: “Hintayin po muna natin sa ahensiya na kaniyang pag-uutusan.” Matatandaang ipinag-utos ni…

Read More