PINA-RECALL ng Department of Migrant Workers ang Los Angeles Labor Attaché na si Macy Maglanque sa gitna ng mga paratang na siya ang presidente ng isang kumpanyang naka-link sa multi-bilyong flood control projects. Ayon sa DMW, ang pag-recall kay Maglanque ay upang harapin ang imbestigasyong isinasagawa ng gobyerno. Pinangalanan si Maglanque na presidente ng MBB Global Properties ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Panfilo Lacson. Sinabi ni Lacson, isa siya sa anak ni Candaba, Pampangan Mayor Rene Maglanque na dating presidente ng construction company na Globalcrete Builders na umano’y…
Read MoreAuthor: admin 3
ARI-ARIAN NG MGA SANGKOT SA FC ANOMALY IPABUBUSISI SA AMLC
MAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Commission (AMLC) para sa forfeiture ng assets at pag-freeze sa mga ari-arian ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Sa press conference nitong Biyernes ng umaga, tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na hahabulin nila ang mga contractor sa likod ng ghost projects partikular sa flood control. Aniya, kailangan maibalik ang pera na ninakaw sa kaban ng bayan. Dagdag pa ni Dizon, hindi lamang pagnanakaw ng pera ang dapat busisiin kundi ang idinulot na malaking pinsala…
Read MoreSENADO PINASASAGOT NG PASAY RTC SA WRIT OF AMPARO NI HERNANDEZ
PINASASAGOT ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang Senado kaugnay sa writ of Amparo na inihain ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez. Sa inilabas na kautusan ni Judge Geoffrey Llanera, presiding judge ng RTC Branch 112, binigyan ng 72 oras ang Senado upang magsumite ng detalyadong tugon na nagpapatunay na hindi nilabag o binantaan ang karapatan ni Hernandez. Inaatasan din ang Senado na ilahad ang mga ginawang hakbang upang matiyak ang kanyang constitutional rights at iba pang may kaugnayan…
Read MoreREKLAMO KAY REMULLA SA OMB BINASURA?
POSIBLENG si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang susunod na uupo sa trono ng Office of the Ombudsman. Kasunod ito ng kumpirmasyon na “clear” at malinis na ang pangalan ni Remulla sa kasong isinampa ni Senator Imee Marcos na may kinalaman sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ng International Criminal Court (ICC). Kinumpirma mismo ito ni Sec. Remulla na ibinasura na ng Office Ombudsman ang reklamo sa kanya ni Senator Marcos. Nag-ugat ang kaso matapos lumabas sa resulta ng pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na…
Read MoreSa pagtama ng ‘The Big One’ sa Pilipinas MAAYOS NA RELIEF OPERATION KAILANGAN – DSWD
INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng kahandaan at maayos na latag ng disaster response at relief operation sakaling tumama ang kinatatakutang magnitude 7.2 earthquake o “The Big One” sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Disaster Response Management Group (DRMG) Undersecretary Diana Rose S. Cajipe kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng preparedness and coordination sa ginanap na paglulunsad ng 3rd Quarter 2025 National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Huwebes sa Camp Aguinaldo kasama ang mga opisyal ng Department of National Defense-Office of Civil Defense at…
Read MoreAFP HANDANG UMAYUDA SA DPWH SA PAGSUSURI SA FC PROJECTS
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Armed Forces of the Philippines na ayudahan ang Department of Public Works and Highways sa paghahanap at pagsusuri sa mahigit isang libong flood control projects kung saan ilan rito ay sinasabing ghost projects. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margaret Padilla, sa pamamagitan ng kanilang Corps of Engineers at koordinasyon sa iba pang units ay nakahanda silang sumuporta sa DPWH kung sila ay naatasan. “Should our assistance be officially requested, the AFP can complement DPWH efforts by helping conduct site inspections, providing security, and ensuring transparency,”…
Read More7 PULIS NG MPD INIREKLAMO NG GRAB DRIVER SA NAPOLCOM
DUMULOG sa tanggapan ng National Police Commission o NAPOLCOM nitong Biyernes ng umaga ang isang Grab driver upang ireklamo ang pitong pulis ng Manila Police District (MPD). Ang mga pulis na inireklamo ay may mga ranggong Patrolman, Corporal, Master Sergeant at pinakamataas ang isang Police Major na hepe umano ng District Drug Enforcement Unit. Batay sa salaysay ng biktimang Grab driver, noong Setyembre 9, bandang alas-3:00 ng hapon, habang nakatambay at nagkukwentuhan sila ng isa sa kanyang mga kasamahan sa tapat ng isang tindahan sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila ay bigla…
Read MoreMedical dinaya ng agency? OFW MULA SA TARLAC NAIS NANG UMUWI
IPINARATING ni Congresswoman Cristy Angeles ng Tarlac City sa OFW JUAN ang sumbong ng isang overseas Filipino worker (OFW) na si Judea Casupanan, residente ng Brgy. Mapalacsiao, Tarlac City, na kasalukuyang nasa Saudi Arabia. Ayon sa kanyang live-in partner na si John Paul Alfonso, umalis ng Pilipinas si Casupanan noong Hulyo 29, 2025 upang magtrabaho bilang domestic helper. Gayunman, makalipas lamang ang ilang linggo ay ibinalik siya ng kanyang employer sa recruitment agency dahil sa pananakit ng kanyang operasyon matapos manganak sa pamamagitan ng caesarian section. Lumabas na mahigit limang…
Read MoreGOITIA: HINDI MAIPAGBIBILI DIWA NG PILIPINO
IGINIIT ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na hindi kailanman maaaring ipagpalit ang soberanya ng Pilipinas, kasabay ng pagsuporta sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa pagtatanggol ng bansa laban sa anumang banta sa karagatan at teritoryo. “Makatotohanan ang naging pahayag ng Pangulo. Ang soberanya ay hindi paksa ng debate. Hindi ito maaaring ipagpalit o ipagbili,” ayon kay Goitia. Binigyang-diin niya na ang laban para sa soberanya ay hindi teorya kundi may direktang epekto sa kinabukasan ng mga Pilipino, partikular sa kabuhayan ng mga mangingisda at kaligtasan…
Read More