SA isang press briefing sa Bonifacio Global City, inihayag ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD Foundation Inc., ang pinakabagong resulta ng “Boses ng Bayan” nationwide survey para sa ikatlong kwarter ng 2025 na isinagawa noong Setyembre 5–10. Batay sa ulat, patuloy na nakapagtatamo ng matatag at malawak na tiwala ng publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nakapagtala siya ng 72% trust rating, tumaas ng dalawang puntos, at 70% approval rating, na nagbigay ng Index of Governance (IOG) score na 71%. Ipinaliwanag ni Dr. Martinez…
Read MoreAuthor: admin 3
MERALCO, PATULOY ANG PAMUMUHUNAN PARA MAS MAPABUTI ANG SERBISYO
MAS MALAKING KAPASIDAD. Nakatuon ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagpapabuti ng mga imprastraktura nito upang patuloy na makapaghatid ng matatag at maasahang serbisyo ng kuryente para sa mga customer nito. Makikita sa larawan ang Tayabas Power Transformer, na in-upgrade sa 300 megavolt-amperes (MVA) mula 100 megavolt-amperes (MVA) ang kapasidad upang matugununan ang lumalaking pangangailangan ng kuryente sa mga probinsya ng Quezon at Laguna. Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng bansa ang paglaki ng pangangailangan nito sa kuryente, kaya naman ang mga proyekto ng Manila Electric Company tulad ng mga…
Read MoreLAWRENCE LUBIANO NAGPAPALUSOT SA KAMARA
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI pa tapos ang mga problemang kinahaharap ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil matapos na mapatalsik ito sa pwesto bilang Senate president ay nasasangkot naman ito sa isyu na may kinalaman sa isang contractor na iniimbestigahan na ngayon ng Kamara at Senado, sa posibleng pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects. Ang Centerways Construction and Development Incorporated ay isa sa mga kumpanyang pinangalanan ni PBBM sa kanyang pinakahuling SONA, na nakakuha ng bilyong pisong halaga ng flood control projects. Dati nang ikinakabit kay Sen. Escudero ang…
Read MoreHUWAG MATAKOT
HOPE ni GUILLER VALENCIA MAYROONG 365 na beses sa Bibliya na kung saan tayo ay sinabihan na, “Huwag kayong matakot.” Sinabi ni Jesus, “Huwag matakot at sumampalataya lamang.” Huwag matakot mabigo, ito ang nais kong bigyan natin ng pansin. Kadalasan tayo ay bantulot humakbang o gumawa ng anomang bagay para sa ating gawain; maging sa negosyo, propesyon o maging sa panliligaw. Dahil nga tayo’y takot mabigo. Kadalasan daw tayo ay natatakot sa anomang mangyayari na bagaman ito’y malayong mangyari o ‘di magaganap. “Ang takot ay nasa isip lamang,” sabi nga…
Read MoreGOV. HELEN TAN: SERBISYO NA MAY PUSO AT DIREKSYON
TARGET ni KA REX CAYANONG PATULOY na ipinakikita ni Quezon Governor Helen Tan ang kanyang kakaibang istilo ng pamumuno—direkta, matapat, at laging nakatuon sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Kamakailan, muling pinatunayan ni Gov. Tan na hindi lamang siya nananatili sa opisina kundi personal na binibisita ang mga pasilidad tulad ng Claro M. Recto District Hospital sa Infanta. Dito, ipinaalala niya sa mga empleyado ang kahalagahan ng tamang pakikitungo sa mga pasyente. Ayon kay Gov. Tan, hindi sapat na may gamot at serbisyo kung hindi maayos ang pagtrato sa mga…
Read MoreSENATE PANEL MAY ‘RESIBO’ SA PAGDALAW NG KONTRATISTA SA SENADO
KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na mayroon silang kopya ng cctv footage na ‘dumalaw’ sa Senado ang isang staff ng WJ Construction Company noong August 19, 2025. Ito ay may kinalaman sa alegasyon ni Engineer Brice Hernandez na nagdala ng ‘obligasyon’ ang WJ sa isang staff ng senador. Tinukoy ni Lacson na isang Mina mula sa WJ na batay sa testimonya ni Hernandez ay siyang nakikipag-ugnayan kay Beng Ramos, na umano’y staff ni Senador Jinggoy Estrada, para sa pagbibigay ng kickbacks. Sinabi ni Lacson na tukoy na…
Read MoreBarzaga may ebidensya? ROMUALDEZ IMBESTIGAHAN SA FLOOD CONTROL SCAM
BINANATAN ni Dasmariñas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga si House Speaker Martin Romualdez matapos igiit na ito ang dapat unang imbestigahan sa lumulobong isyu ng anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa ambush interview, walang paligoy-ligoy na sinabi ni Barzaga—na anak ni dating NUP president Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.—na hindi kapani-paniwala kung walang kinalaman ang lider ng Kamara sa bilyong pisong flood control projects. “If anyone be investigated, the first person to be investigated is Speaker Martin Romualdez,” madiin na pahayag ni…
Read MoreWRIT OF KALIKASAN VS FLOOD PROJECTS INIHAIN NG LCSP, ENVIRONMENTALISTS SA SC
NAGSAMPA ng 28-pahinang petisyon sa Korte Suprema ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at environmentalists, na pinangunahan ni Atty. Antonio Enrile Inton Jr., para pigilan ang paglalaan ng trilyong pondo sa flood control projects. Giit nila, dapat ayusin muna ng DPWH at kontraktor ang mga palpak na proyekto sa pamamagitan ng “back job” at panagutin ang mga sangkot sa korapsyon. Kasama sa respondents ang Office of the President, Kongreso, DBM, DILG, DPWH, DENR, MMDA, LGUs, at mga contractor. Hinihiling ng petitioners ang massive clean-up, master plan para sa…
Read MoreKABATAAN KONTRA KORUPSYON NAGMARTSA SA BULACAN
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga estudyante at kabataan mula sa iba’t ibang sektor upang kondenahin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Isinagawa ang pagtitipon sa harap ng Bulacan First Engineering Office sa Barangay Tikay, Malolos City nitong Huwebes ng umaga. Pinangunahan ng mga youth advocate mula sa Bulacan State University at Katipunan Student Movement (KASAMA) ang rally na may layuning iparating sa pamahalaang nasyonal ang panawagan na dapat may managot at makulong sa nasabing kontrobersya. Mahigit 30 estudyante ang lumahok sa dalawang oras na kilos-protesta na…
Read More