ISA NA NAMANG QUARRY OPERATOR NILIKIDA

NUEVA ECIJA – Isang 45-anyos na quarry operator ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Lusok sa bayan ng Bongabon sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, Kinilala ang biktimang si Ronaldo Emiterio, ng Barangay Platero, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija. Nabatid sa paunang imbestigasyon, sakay ng minamanehong pick-up truck si Emiterio nang pagbabarilin ng gunman gamit ang isang 5.56mm rifle. Idineklarang dead on the spot ang biktima habang agad na nakatakas sa crime scene ang hindi pa nakikilalang suspek. Nagsasagawa ng follow-up investigation…

Read More

P.5-M NATANGAY NG HOLDAPER SA E-TAP COLLECTOR

CAVITE – Tinatayang P.5 milyong halaga ng cash ang natangay sa isang E-Tap collector makarang holdapin at tangayin ang kanyang motorsiklo sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Miyerkoles ng madaling araw. Ang suspek na si alyas “Erwin” na kinilala ng biktima sa rouge gallery of criminals, at nabatid na may mga kaso ng panghoholdap sa buong CALABARZON, ay kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Noe”, collector ng E-Tap, nakaupo siya sa kanyang motorsiklo habang nakaparada sa Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite bandang alas-6:30…

Read More

NAKITAGAY SA KAPITBAHAY, NATAGPUANG BANGKAY

QUEZON – Natagpuang walang buhay sa ilang at bulubunduking bahagi ng barangay ang isang 29-anyos na lalaki na nakipag-inuman sa kanyang kapitbahay sa Brgy. San Andres Bundok sa bayan ng Atimonan sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Atimonan Police, nagsimulang mag-inuman ang biktimang kinilala sa pangalang “Mark”, at ang kanyang kapitbahay na suspek na si “Jay” noong Martes ng gabi, Setyembre 9. Pagkaraan ng ilang oras, napansin ng live-in partner ng biktima na hindi pa ito umuuwi kaya humingi ng tulong sa barangay. Ayon sa live-in partner, bago nawala ang biktima, nakarinig siya ng…

Read More

IMEE PINANGUNAHAN PAGGUNITA SA 108TH KAARAWAN NI MARCOS SR.

PINANGUNAHAN ni Senadora Imee R. Marcos ang taunang seremonya sa Libingan ng mga Bayani upang gunitain ang ika-108 kaarawan ng kanyang ama, dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Dumalo sa aktibidad ang mga heneral, dating kalihim ng gabinete, at ilang opisyal ng gobyerno na nagsilbi noong kanyang termino. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Marcos ang papel ng kanyang ama sa pagtataguyod ng mga proyektong pang-imprastraktura at programang nakatulong umano sa kaunlaran ng bansa. “Hindi lamang alaala ng aking ama ang ating ginugunita ngayon, kundi pati na rin ang kanyang ambisyon para…

Read More

Para iwas-bullying, harassment NO UNIFORM ORDER INILABAS NI DIZON PARA SA DPWH WORKERS

IPINAG-UTOS ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pansamantalang hindi pagsusuot ng uniporme ng mga kawani ng ahensya bilang hakbang sa kanilang seguridad. Ayon kay Dizon, layunin nitong protektahan ang mga empleyado laban sa pambu-bully at harassment bunsod ng imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects. Batay sa ulat ng unyon ng mga empleyado, may mga tauhan ng DPWH na nakakaranas ng pangungutya at pambabastos, lalo na ang mga nakikitang nakasuot ng uniporme habang sakay ng jeep, bus, at LRT. Nanawagan si Dizon sa publiko na huwag idamay ang mga…

Read More

ASSETS NG ‘BGC BOYS’ KAILANGAN I-FREEZE

KUMPIYANSA si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na hahantong sa pagpapatigil at pag-freeze ng assets ng tinaguriang “BGC Boys” na nasasangkot sa katiwalian kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Lacson, umaasa siyang ito ang susunod na hakbang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng lilikhang independent commission na magsisiyasat sa anomalya. Tiniyak ni Lacson na ihahanda ng kanyang opisina ang lahat ng ebidensyang kailangan ni DPWH Secretary Vince Dizon upang agad na makakilos laban sa mga opisyal ng DPWH na dawit sa maanomalyang proyekto. Gayunman,…

Read More

Misis nakakuha ng P320-M Project COA COMMISSIONER NANGANGANIB MA-IMPEACH

NAGBABALA si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na sasampahan ng impeachment case si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana kung hindi ito kusang magbibitiw sa puwesto. Sa budget hearing ng COA, inatasan ni De Lima si COA Chairperson Gamaliel Cordoba na kausapin si Lipana at kumbinsihin itong mag-resign dahil umano sa conflict of interest. “Please talk to him, otherwise some of us may initiate impeachment proceedings because one of the grounds is betrayal of public trust and also graft and corruption,” ani De Lima. Nadiskubre sa…

Read More

Ex-DPWH Engineer Hernandez solo sa selda RED ALERT SA PASAY JAIL

INILAGAY sa red alert status ang Pasay City Jail matapos ilipat doon si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez mula sa PNP Custodial Facility. Ayon kay Pasay City Jail Warden Supt. Alberto Tapiru Jr., ipinatupad ang “no leave, no day off policy” para sa lahat ng tauhan upang matiyak ang seguridad sa piitan. Si Hernandez ay pansamantalang ikinulong sa quarantine cell nang pitong araw bago siya ililipat sa regular na selda. Tiniyak naman ni Jail Supt. Jayrex Joseph Bustinera, tagapagsalita ng Bureau…

Read More

BINATA TIMBOG SA BARIL AT GRANADA

ARESTADO ang isang 39-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at granada na nakatago sa kanyang belt bag, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 649, Port Area, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Aliman”, tubong Cotabato City, at residente ng Tambacan, Baseco, Brgy. 649, Port Area. Ayon sa ulat nina Patrolman Lemuel Bill Montino at Patrolman Ron-Ron Pestaño kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander,…

Read More