KUMIKILOS ang mga kaalyado ni outgoing Manila Mayor Honey Lacuna para sa umano’y “midnight deal” para aprubahan ang long-term lease contract sa isang establisimyento bago bumalik si Mayor-elect Isko Moreno Domagoso. Mahigit isang buwan bago pormal na maupo si Domagoso, lumalakas ang mga agam-agam tungkol sa umano’y “midnight deal” na isinusulong ng natitirang mga kaalyado niya sa Sangguniang Panlungsod ng Maynila. Ayon sa isang insider mula sa Konseho, nakatanggap ng text blast ang mga kasaping kaalyado ng mayorya na hinihimok silang dumalo sa isang face-to-face session ngayong Huwebes, Mayo 29.…
Read MoreAuthor: admin 3
PANUNUMPA NG ‘TEAM UNA’ PINANGUNAHAN NI NANCY
PINANGUNAHAN ni outgoing Senator at Makati City Mayor-elect Nancy Binay nitong Miyerkoles ang oath-taking ceremony ng mga bagong halal na konsehal ng partidong UNA ang Makati. Nasa larawan sina councilors-elect Mayeth Casal-Uy, Ferdie Eusebio, Dino Imperial, Arlene Ortega, Badet Sese, Levy Ramboyong, at King Yabut. Papalitan ng senador bilang pinuno ng lungsod ang kapatid na si Mayor Abby Binay na natalo bilang senador sa katatapos na midterm polls. (Danny Bacolod) 173
Read MoreGOD SAVE THE PHILIPPINES
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI DALAWANG linggo pagkatapos ng eleksyon, marami na agad ang nakatanaw sa susunod na halalan sa 2028 partikular sa kung sino-sino ang posibleng mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa kapalit ni PBBM. Malala na talaga ang pagkabaliw ng mga Pilipino sa eleksyon. Hindi pa nga nahihimasmasan ang mga talunan (mga dinaya raw sila) at mga nadenggoy, ang gusto agad ay botohan na naman. Kasama na rito ang mga lider, coordinators at mga tsuwariwap ng mga politiko. Kulang pa yata ang kanilang kinita o nadekwat…
Read MoreTAG CARGO BOXES SA DAVAO PORT, IBIBIGAY NA SA DMW SA HUWEBES
RAPIDO ni PATRICK TULFO PORMAL nang ibibigay bukas (May 29,2025, Huwebes) ng Bureau of Customs sa Department of Migrant Workers (DMW) ang abandonadong balikbayan boxes na nasa port nito sa Davao City. Ayon sa BOC, ang DMW na ang opisyal na magsasagawa ng pagde-deliver ng mga kahon sa mga pamilya ng OFWs na may-ari ng abandonadong mga balikbayan box. Sa pagkakaalam ng Rapido, may usapan na ang DMW at DDCAP (Door to Door Consolidators Association of the Philippines) na siyang magde-deliver ng mga kahon. Dahil sa gaganaping turnover, umaasa ang…
Read MoreCongratulations po, Yorme Isko, Koyang Erwin, Ka Dante, Cong. Brian sa inyong tagumpay
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MALAKING swerte ang dala sa akin, personally, nitong nakaraang midterm elections, kasi po, nanalo ang mga kandidatong sinuportahan natin. Mantakin naman na mahigit 300,700 ang boto na inilamang ni Yorme Isko Moreno laban kay Manila Mayor Honey Lacuna — na salamat naman, agad na tinanggap ang kanyang pagkatalo. Katulad ng unang mga ipinangako ni Yorme Isko sa kanyang mga interbyu sa media, unang gagawin nila ni Vice Mayor Chi Atienza, lilinisin ang kadugyutan at aayusin ang pinansiya ng siyudad, at bayaran ang mga obligasyon…
Read MoreTARGET ni KA REX CAYANONG MAKATARUNGAN AT ABOT-KAYANG KURYENTE: LABAN NI CONG. PRESLEY, LABAN NG BAYAN SA bawat buwanang bayarin ng kuryente, hindi lang konsumo ang binabayaran ng pamilyang Pilipino—pati buwis. At kung ang layunin ay tunay na ginhawa para sa mamamayan, kailangang alisin ang pabigat na 12% Value-Added Tax (VAT) sa kuryente. Ito ang ipinaglalaban nina Cong. Presley De Jesus ng PHILRECA Party-list at Cong. Sergio Dagooc ng APEC Party-List mula pa noong ika-18 Kongreso. Hindi ito panibagong sigaw, kundi matagal nang panawagan. Noong Hulyo 31, 2019, inihain ni…
Read MoreKAMARA NAGTALAGA NG ‘PALABANG’ SPOKESMAN
KUMUHA na ng tagapagsalita ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ng anak ni outgoing Manila Rep. Bienvenido Abante na si Atty. Princess Abante. Aksyon ito ng Kamara matapos umanong mabugbog sa fake news, Kahapon ay pormal nang nagsimula sa kanyang trabaho ang batang Abante, na umingay ang pangalan noong panahon ng kampanya matapos resbakan sina Vice President Sara Duterte at Manila Mayor-elect Isko Moreno sa paninira at pambabastos sa kanyang ama sa isang campaign rally sa ikatlong distrito ng Manila. “The House cannot afford to be silent while lies…
Read MoreNCAP HINAHARANG SA KAMARA
INIHAIN kahapon ang isang resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng panawagan na suspendihin ito hangga’t hindi nareresolba ang iba’t ibang isyu ukol dito. Noong Lunes ay muling ipinatupad ng MMDA ang NCAP matapos tanggalin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu nito noong 2022 dahil sa dami ng reklamo. “The NCAP, designed to enforce traffic regulations through automated camera systems, has been plagued by issues, including unclear guidelines on vehicle ownership…
Read More5.1 QUAKE SA QUEZON RAMDAM SA METRO MANILA
LUMABAS sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado ng Senado sa Pasay City matapos maramdaman ang 5.1 lindol na yumanig sa lalawigan ng Quezon kahapon. (DANNY BACOLOD) NABULABOG ang maraming government at private building sa Metro Manila nang maramdaman din ang epekto ng Magnitude 5.1 earthquake na yumanig sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali. Ayon sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali at naramdaman sa…
Read More