LASING NA LOLO NA-TRAP SA SUNOG, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lolo nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay dahil sa kalasingan sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Eduard” ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-12:38 ng madaling araw nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Ramirez compound, Brgy. Buhay na Tubig, at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Tinatayang 19 na pamilya ang nawalan ng tirahan na kinabibilangan ng 55 na indibidwal at isang casualty. Base sa report, lasing…

Read More

DRIVER SUGATAN SA KARAMBOLA NG 2 TRUCK AT BUS

QUEZON – Nasugatan ang isang driver ng truck matapos na ang minamaneho nito at ang isa pang bus ay maatrasan ng kanilang sinusundang isa namang cargo crane truck sa Quirino highway, Brgy. San Francisco, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Tagkawayan Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:15 ng umaga habang ang isang cargo crane truck na minamaneho ni Michael Balisi, 43, ay bumabaybay sa paakyat na kurbadang bahagi ng kalsada patungong Bicol. Kinapos umano ang makina ng truck at bigla na lang…

Read More

8 NAKAW NA MOTOR NAREKOBER SA KATAYAN SA LAGUNA

LAGUNA – Walong mga nakaw na motorsiklo ang nabawi matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang lugar sa Barangay Looc, Calamba City, na ginagawang bagsakan ng nasabing nakaw na mga sasakyan noong Huwebes ng hapon. Arestado rin sa operasyon ang dalawang suspek na kinilalang sina “Mark”, 21, at “Ay-R”, 25, kapwa residente ng Brgy. Looc, Calamba City. Ang operasyon ay bunga ng impormasyong ibinunyag din ng mga suspek, na ang nasabing lokasyon ay ginagawang dismantling area o chop-chop area ng mga nakaw na motorsiklo. Nagsimula ang intelligence-driven operation noong Martes, Agosto 12, ng mga tauhan Calamba City…

Read More

BEBOT DINAMPOT, 5 BATA NASAGIP SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

BULACAN – Arestado sa mga tauhan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD) ang isang babae sa kasong online sexual exploitation sa mga bata sa bayan ng Marilao sa lalawigan. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, kinilala ang suspek na si alyas “Tisay”, inaresto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9208 as amended by R.A. No. 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022), R.A. No. 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), at R.A. No. 7610…

Read More

SAKO-SAKONG SHABU LUMUTANG SA BATAAN

INIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Philippine National Police ang sako-sakong shabu na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Bataan. Inihayag ni Central Luzon Police Regional Director, BGen. Rogelio Penones Jr., ipinag-utos niya ang pagsisiyasat at pagmamanman matapos na may naglutangan na namanng mga shabu sa dagat. Nabatid na natagpuan ng isang residente ang anim na sako na naglalaman ng hinihinalang shabu sa karagatan, malapit sa isang lighthouse sa Barangay Sisiman, Mariveles. Sa pagresponde ng mga pulis, agad nagsagawa ng inventory ang mga ito sa nilalaman ng mga sako. Lumabas na aabot…

Read More

Mayor Lani Cayetano pinuri ang PNP LABAN NG TAGUIG SA DROGA PATULOY

NAGBABALA si Mayor Lani Cayetano sa lahat ng kriminal na walang puwang sa Taguig ang ilegal na droga at sugal, kasabay ng kanyang pagpuri sa Philippine National Police (PNP) matapos magsagawa ng dalawang buy-bust operation na umabot sa halos ₱3 milyon ang halaga ng nasamsam na hinihinalang shabu sa loob lamang ng isang linggo. Noong Agosto 12, 2025, inaresto ng Southern Police District–Drug Enforcement Unit (SPD–DDEU), kasama ang Taguig City Police Sub-Station 6, ang apat na high-value target sa isang operasyon sa Brgy. South Signal. Nakumpiska mula kina Ali Kamsa,…

Read More

Mataas na renta, penalty sa Pritil vendors, ipinatitigil ni Konsehal J. Domagoso

AGAD na umaksyon si Manila 1st District Councilor Joaquin Domagoso sa maraming reklamo ng mga vendor sa nasunog na Pritil Market sa Tundo, Manila. Kamakailan ay bumisita ang 21-anyos na konsehal sa palengke at nagulat na sa loob ng dalawang taon, mula nang ianunsiyo na ito ay patatayuan ng moderno at maayos na palengke, ito ay “Under Construction” pa rin. Ayon sa mga vendor, lumiit ang kita nila mula nang masunog ang Pritil Market dahil sa hindi maayos na pasilidad nito, at mga nakahambalang na gamit sa konstruksyon. Sa kabila…

Read More

DAYONG BINATILYO TUMIRA NG E-TRIKE

BINITBIT ng nagrespondeng mga tauhan ng Sector 3 ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District sa inilatag na “Oplan Pagtugis” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation, ang isang 17-anyos na binatilyo na suspek sa pagnanakaw ng e-trike sa Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng umaga. Ayon kay Police Staff Sergeant Rowie Lizano, ng Women and Children Protection Section, ang suspek na menor de edad ay pansamantalang inilagak sa Manila Social Welfare and Development (MSWD) para sa tamang disposisyon. Nabatid sa ulat nina Police Staff Sergeant Dharwin Dela Rama at…

Read More

BSP BINULABOG NG BOMB THREAT

BINULABOG ng bomb threat ang tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Huwebes. Ayon sa Manila Police District (MPD), nakatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa isang nagpakilalang Japanese lawyer na nagbanta ng pagsabog pasado alas-tres ng hapon sa ilang pampublikong transportasyon. Agad namang nagresponde ang mga pulis at sinuyod ang lugar kasama ang kanilang K9 unit. Matapos mag-inspeksyon, walang natagpuang bomba o anomang delikadong bagay. Gayunman, pinaigting ng MPD ang seguridad sa lungsod at inatasan ang lahat ng station commanders na makipag-ugnayan…

Read More