HINDI dapat lagyan ng malisya ang apat na araw na Libreng Sakay sa MRT 3, LRT 1 at LRT2 na handog ng gobyerno sa mga manggagawang Pilipino. Ang Libreng Sakay na handog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko ay mula nitong Miyekoles, Abril 30 hanggang May 3. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kaya aniya aabot ng apat na araw ang Libreng Sakay sa MRT 3, LRT 1 at LRT 2 ay dahil karamihan ay walang pasok. “So,…
Read MoreAuthor: admin 3
JOBLESS PINATAY SA SAKSAK SA MAYNILA
AGAD nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na jobless matapos pagsasaksakin sa panulukan ng J Marzan at J Fajardo Street, Sampaloc, Manila, Martes ng umaga. Ang biktima ay si Romulo Ferraro, alyas “Oneng”, ng Barangay 447 Zone 44 Sampaloc. Nakatakas naman ang suspek na si Ramil Tuazon, 37, alyas Boy Negro, Muslim at Ismael, ng Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon Province. Sa ulat ni Det. Derick Magpale kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 10:30 ng umaga nang atakihin ng suspek ang biktima. Sa…
Read MoreSITG BINUO SA PAMAMASLANG KAY JOHNNY DAYANG
INUMPISAHAN na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang pag-backtrack sa mga CCTV na posibleng dinaanan ng salarin sa pamamaril sa dating mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang. Sa ulat sa Kampo Crame, dakong alas-8:00 ng gabi, nakahiga sa kanyang rocking chair habang nanonood ng TV nang pasukin at pagbabarilin si Dayang sa kanyang bahay sa Villa Salvacion, Andagao, Aklan. Nagawa pang maisugod sa Aklan Provincial Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang biktima bunga ng tama ng bala sa kanyang leeg at likod. Samantala, sa press briefing sa Camp…
Read MoreDOJ, FBI, E-WALLET SANIB-PWERSA KONTRA CYBERCRIME
SANIB-PWERSA ang Department of Justice-Office of Cybercrime, Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Maynila at GCash upang palakasin ang laban kontra sa cybercrime, partikular sa sektor ng digital finance. Ito ay matapos magsagawa ng pulong para sa pagpapahusay ng koordinasyon sa mga imbestigasyon, pagpapalitan ng impormasyon at mga hakbang upang maiwasan ang mga online financial crimes. Binigyang-diin ng mga ahensya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang maprotektahan ang digital na ekonomiya. Pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangakong magtulungan sa pagtugon sa mga bagong banta at…
Read MoreDAGDAG SAHOD KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA
TINIYAK ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri na ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng panukala para sa dagdag sahod sa mga minimun wage earners at iba pang hakbanging magtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa. Iginiit ni Zubiri na hindi dapat ipagkait sa mga manggagawa ang ginhawa at dignidad na matagal na nilang ipinaglalaban. Sinabi ni Zubiri na patuloy niyang hihimukin ang mga kapwa mambabatas para suportahan ang daily minimum wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor Anuman anya ang halaga na maaprubahan ay kanyang susuportahan. Sa gitna ng patuloy…
Read MoreSOLON KAY ROQUE: PANGALAN LINISIN SA HALIP MAGTAGO
HINAMON ng isang miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara si dating Presidential spokesperson Harry Roque na imbes na magtago sa The Netherlands ay umuwi ito sa Pilipinas at harapin ang kanyang kaso. Ginawa ni House deputy minority leader France Castro ang hamon matapos pormal na magsampa ng kaso ang Department of Justice (DOJ) ng kasong qualified human trafficking sa Angeles City Regional Trial Court laban sa 40 katao na kinabibilangan nina Cassandra Ong at Roque. “Kung talagang wala siyang kasalanan, dapat harapin ni Atty. Roque ang kaso at linisin ang…
Read MoreCOMELEC IIMBITAHIN SA SENADO KAUGNAY SA NAHULING ‘CHINESE SPY’
IIMBITAHIN ni Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones chairperson at Senator Francis “Tol” Tolentino ang kinatawan mula sa Commission on Elections (Comelec) na dumalo sa susunod na pagdinig sa Senado upang magkomento sa nahuling Chinese spy malapit sa Comelec building sa Intramuros, Maynila nitong Martes. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Tolentino na kumpiyansa ito sa abilidad ng mga (Comelec) Commissioner at Chairman sa kabila ng mga nahuhuling Chinese spy, drones, IMSI catcher. Ayon sa senador, ang nakikitang agenda sa mga Chinese spy na konektado sa…
Read MoreMISSING URBAN POOR ORGANIZER, CAMPAIGNER HAWAK PALA NG MGA PULIS
BATANGAS – Natagpuan sa kustodiya ng Santo Tomas City Police Station sa lalawigan ang nawawalang urban poor organizer ng Bayan Muna na si Pauline Joy Banjawan matapos mawala ng halos dalawang araw. Iniulat itong nawawala noong Abril 26 habang nangangampanya sa Santo Tomas City. Ayon sa ulat, ilegal umano siyang kinuha ng mga tauhan ng 59th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines. Si Banjawan ay sinampahan ng mga alegasyon ng paglabag sa batas hinggil sa mga ipinagbabawal na armas, na mariing itinanggi ng Bayan Muna Southern Tagalog. Iniulat…
Read MoreKANDIDATONG VICE MAYOR SA QUEZON TINAMBANGAN
LUCENA CITY – Sugatan ang dating mayor ng bayan ng Plaridel sa lalawigan ng Quezon, na ngayon ay kandidato bilang vice mayor, makaraang tambangan at pagbabarilin sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod nitong madaling araw ng Miyerkoles. Ayon sa mga awtoridad, dakong ala-1:00 ng madaling araw, galing sa sabungan ang biktimang si dating Mayor Wilfredo Magbuhos Jr., lulan ng kanyang sasakyan nang saglit itong tumigil sa lugar para ibaba ang kanyang kasama. Ngunit habang papalayo na ang kasama nito, bigla na lamang umanong lumapit ang nag-iisang suspek at tinutukan ito…
Read More