11 VLOGGERS NAMUMURO SA CONTEMPT SA KAMARA

NAMUMURO sa contempt ang labing-isang social media personality at vlogger nang muli nilang ini-snub ang House Tri-Committee sa imbitasyon nitong dumalo sa pagsasagawa ng pagdinig noong nakaraang Biyernes kaugnay sa pagkalat ng mga fake news sa social media. Kabilang sa 11 malapit nang i-contempt ng House ay sina dating communications secretary Trixie Cruz-Angeles at mga vlogger o social media influencer na sina Aeron Peña, Allan Troy ‘Sass’ Rogando Sasot, Elizabeth Joie Cruz, Dr. Ethel Pineda Garcia, Jeffrey Almendras Celiz, Krizette Laureta Chu, Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa, Mark Anthony Lopez, Mary…

Read More

Nagbago ng tono ‘BATO’ HINDI NA SUSUKO SA ICC

KINUMPIRMA ni Senador Ronald Bato dela Rosa na kabilang sa kanyang opsyon sa sandaling lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanya ang pagtatago at pagkakanlong sa Senado. Sa phonepatch interview ng Senate Media, tila nagbago ng isip ang senador sa nauna niyang pahayag na handa siyang sumuko kapag mayroon na siyang warrant of arrest upang makasama si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kulungan at kanya itong maalagaan. Ipinaliwanag ni dela Rosa na mahirap ang sitwasyon sa The Hague kung saan maging ang anak ng dating pangulo na si…

Read More

British-Israeli lawyer kampante DUTERTE ‘NOT GUILTY’

THE HAGUE, Netherlands — Kumpiyansa si British-Israeli barrister at International Criminal Court (ICC) lawyer Nicholas Kaufman na mapawawalang-sala sa reklamong crimes against humanity sa Netherlands-based tribunal si dating presidente Rodrigo Roa Duterte. Nitong nakaraang linggo, hinayag ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio ang appointment ni Kaufman bilang lead counsel ng kanyang ama. Naging legal counsel ang abogado sa ilang mga celebrity at politiko at iba pang mga “high-profile na personalidad sa mundo. Nagsilbi din siyang trial lawyer ng international court para sa dating Yugoslavia at nagtrabaho ding defense counsel para…

Read More

BRGY. MANGGAHAN KABABAIHAN CLEAN-UP DRIVE NAGING MATAGUMPAY

NAGING matagumpay ang isinagawang “Kababaihan Clean-up Drive” ng Brgy. Manggahan, Pasig City sa kahabaan ng Sampaguita St., Napico nitong ika-15 ng Marso, 2025. Ang aktibidad na ito ay parte ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sector, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”. Sa pangunguna ni Kap. Quin Cruz, nilahukan ang clean-up ng kababaihan ng Sangguniang Pambarangay at mga residente nito. Dumalo rin ang mga babaeng nominee ng TRABAHO Partylist na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez upang magbigay inspirasyon sa mga “Anak…

Read More

Modern weaponry masusubok sa Balikatan 2025 PHILIPPINE NAVY SASABAK SA LIVE FIRE EXERCISE

INIHAYAG ng Philippine Navy na masasabak sila nang husto sa gaganaping U.S.-Philippine Joint Balikatan Exercises sa huling bahagi ng buwan ng Abril. Masusubok ng Philippine Navy (PN) ang kanilang mga bagong sandata partikular ang kanilang tatlong pangunahing missile system sa nalalapit na “Balikatan” war exercises kasama ang pwersa ng United States Armed Forces. Ayon kay PN Flag Officer-in-Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, ilulunsad nila ang C-Star surface-to-surface missile, Spike Non-Line of Sight (NLOS) missile, at Mistral surface-to-air missile mula sa mga yunit ng Navy. Nakatakdang magsagawa ng live-fire…

Read More

PULIS QC NA TIKTOKER LUMABAG SA POLISIYA NG PNP

MAKARAANG mag-post sa social media ng kontra sa gobyerno, isinailalim sa AWOL (Absent Without Official Leave) status ang pulis tiktoker mula Quezon City Police District (QCPD) at posible ring maharap sa mga kasong criminal. Tinukoy ng pamunuan ng QCPD na ang naturang pulis ay lumabag sa patakaran ng Philippine National Police (PNP) para sa non-partisan at political neutrality sa hanay ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pampulitikang sitwasyon, lalo na ngayong panahon ng pangangampanya para sa nalalapit ng eleksyon sa Mayo. Ayon kay QCPD acting chief Colonel Melecio Buslig…

Read More

EPEKTO NG KAWALAN NG KURYENTE SA TURISMO, TINALAKAY

TINALAKAY nina ILAW Pilipinas Youth Convenor Francine Pradez at National Convenor Beng Garcia ang mga natuklasan kamakailan ng kanilang organisasyon sa kanilang ikalawang Focus Group Discussion (FGD) tungkol sa epekto ng blackout sa sector ng turismo ng Pilipinas. Sa pulong-balitaan na ginanap sa Max Restaurant sa Malate, Manila, inilahad ng grupo ang resulta ng kanilang mga pag-aaral. Ang ikalawang Focus Group Discussion (FGD) ay tumatalakay sa isyu ng kuryente sa tourism sector ng Island Garden City of Samal (IGACOS), Cebu, Siargao, at Puerto Galera. Patuloy na isinusulong ng ILAW ang…

Read More

AGAP NAGPASALAMAT SA SUPORTA NI IVANA

NAGPASALAMAT ang sektor ng agrikultura partikular na ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Party-list sa masigasig na pagsuporta ng aktres/vlogger na si Ivana Alawi sa kanilang grupo. “Huwag ako ang inyong pasalamatan dahil dapat kami ang magpasalamat sa inyo dahil ipinaglalaban ninyo na bumaba ang presyo ng bilihin at upang mayroon pang-araw-araw na pagkain sa hapag-kainan ang bawat mamamayang Pilipino, ” tugon naman ni Alawi. Ipinahayag ni Ivana na noong nakaraang halalan, wala siyang sinuportahang politiko o Party-list dahil kanya muna itong pinag-aralang mabuti. “Napakaarte ko at…

Read More

IMEE MARCOS BAKA PULUTIN SA KANGKUNGAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang nakapansin sa panlalamig ng mga botante kay Senator Imee Marcos. Katunayan, parang spaghetti na pababa nang pababa ang kanyang pwesto sa mga survey. Tila ba dumadaan sa matinding pagsubok ngayong 2025 midterm elections ang ate ni Pangulong Bongbong Marcos. Kung magpapatuloy ang matabang na pagtanggap sa kanya ay malamang na ito pa ang maging dahilan ng kanyang pagkatalo. Hindi kasi malinaw ang paninindigan ng senadora sa pagitan ng kapatid na si PBBM at malapit na kaibigan na si Vice President Sara Duterte. Ang bagay…

Read More