(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINATUTSADAHAN kahapon ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagamit ang resources ng gobyerno laban sa mga kalaban nito. Sa pagdinig kahapon ng Senado kaugnay sa pagdakip kay Dating pangulong Rodrigo Duterte, dumalo si VP Sara sa pamamagitan ng video conference. Aniya, alam ng lahat at alam din ng gobyerno na mali ang ginawa nitong pagsuko sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) kung saan ito nahaharap sa reklamong crimes against humanity. “Alam naman natin lahat at alam nila…
Read MoreAuthor: admin 3
DIGONG KAYANG IDIIN NG MGA EBIDENSYA SA ICC
KAHIT bigyan ng Supreme Court ng mandato ang Philippine government hinggil sa premises ng habeas corpus, malakas pa rin umano ang mga ebidensya ng International Criminal Court (ICC) para madiin at makulong ng maximum of 30 years si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang binigyang-diin ni ICC accredited lawyer Joel Butuyan sa idinaos na Meet the Manila Press sa Orosa St., Malate, Manila kahapon ng umaga. Nilinaw ng abogado, hindi na responsibilidad ng Philippine government, maging ng Korte Suprema ang nomang legal remedies para mapagaan ang kasong Crimes Against…
Read MoreDIREKTIBA NI PBBM PARA SA TULOY-TULOY NA SERBISYO; PHILHEALTH, TINANGGAL NA ANG 45-DAY BENEFIT LIMIT
Muling pinatunayan ni PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isakatuparan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking “tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth” sa pagtanggal ng polisiya nitong 45-day benefit limit. “Ang 45-day limit sa paggamit ng benepisyo ay lumang estratehiya sa pagkontrol ng gastos. Ngunit sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon nang repormahin ito dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan mangangailangan ng serbisyong medikal ang mga kababayan natin. Marami sa mga serbisyo ang kinakailangan higit sa 45 araw. Kaya naman nagpapasalamat tayo…
Read MoreROQUE ‘EPAL’ LANG SA KASO NI DUTERTE SA ICC – DOJ
TINAWAG na “irrelevant” at walang kwenta si dating Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano sa pakikiepal nito sa isyu ng International Criminal Court (ICC). Ito ang tahasang inihayag ni Justice Secretary Jesus “Crispin” Remulla hinggil sa mga kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands. Sa “Kapihan sa Manila Bay” sa Cafe Adriatico, Malate, Manila, sinabi ni Remulla na sinisiksik lamang ni Roque ang kanyang sarili sa isyu upang magmukhang relevant. “Wala siyang kinalaman dito. Wala siyang bilang,” aniya. Hinikayat din ni Remulla…
Read MoreMAY LIBRENG ANTI-RABIES VAX SA ‘FUR BABIES’ SA MAYNILA
BILANG bahagi sa “Rabies Awareness Month,” inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ang mga residente ng Maynila na may alagang “fur babies”, na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na regular na ibinibigay ng city government sa maraming venues. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang lokal na pamahalaan ay may vaccination program para sa mga alagang aso at pusa na ginagawa sa City Hall, ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan. Ito ay bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay tuwing may “Kalinga sa Maynila” na umiikot sa…
Read MoreMAY HINDI NATAWA: STAND-UP COMEDIAN NILIKIDA
PATULOY na kinikilala ng mga kagawad ng Philippine National Police ang mga responsable sa pamamaslang sa isang stand-up comedian na binaril ng ilang ulit sa loob ng isang beerhouse noong Sabado sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga. Matapos ang siyam na oras na pakikipaglaban sa kamatayan, nalagutan ng hininga ang biktimang si Goldenier “Gold” Dagal, 38-anyos, sa Angeles University Foundation Medical Center kung saan siya isinugod matapos na barilin ng tatlong suspek sa katawan at mukha. Batay sa report ng Angeles City Police, nangyari ang krimen noong Sabado ng…
Read More4 CAMPUSES NG CAVITE STATE U, BINULABOG NG BOMB THREAT
CAVITE – Sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga estudyante, guro at empleyado makaraang nakatanggap ng tawag ang pamunuan ng Cavite State University (CVSU) na pasasabugin ang kanilang apat na campuses sa Silang, Indang, Cavite City at Bacoor City sa lalawigan. Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon noong Martes nang makatanggap ng tawag si Dr. Maria Lea Ulanday, OIC Campus administrator, mula kay Dr. Cristina Masibag Signi, Vic President ng CAVSU sa Silang, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite campus, na may nag-ulat na may nakatanim na bomba sa kanilang…
Read MoreELECTION VIOLENCE SA MAGUINDANAO TUTULDUKAN NG PNP
INIHAYAG ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, na tutuldukan ang nagaganap na election related violence sa Maguindanao. Tiniyak ng opisyal na hindi nito pahihintulutan na mamayagpag ang anomang uri ng pananakot at paggamit ng dahas sa lugar lalo na sa papalapit na eleksyon. Sa isinagawang Political Candidates Forum and Peace Covenant Signing sa 6th Infantry Battalion Headquarters sa Awang, Cotabato City, iginiit ni Marbil na ginagawa nila ang lahat para matiyak ang maayos na electoral process. Dagdag pa ng opisyal na poprotektahan ng PNP ang demokrasya at hahayaan na…
Read MoreMILITARY CHECKPOINT PINAPUTUKAN, 2 PATAY
MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang dalawang lalaki nang makipagbarilan sa mga sundalo sa kagustuhang makatakas sa mga nakabantay sa isang checkpoint sa Barangay Old Maganoy, sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Udgie Villan, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, naalerto ang mga nakabantay sa Maganoy Detachment nang mamataan ang kahina-hinalang puting minivan na may plate number MAN 1169, at naobserbahang nag-aalangan na tumawid sa checkpoint. Bago pa tumapat sa nasabing checkpoint ay pinaputukan umano ang mga sundalo ng mga…
Read More