PAGSASAMA-SAMA NG MGA DISMAYADO SA BBM ADMIN TULOY

(SAKSI NEWS TEAM) NAKANSELA man ang itinakdang peace rally sa Bustos, Bulacan, patuloy pa rin ang pagsasama-sama ng mga grupong dismayado sa kasalukuyang administrasyon. Nabatid ng SAKSI Ngayon na muling magdaraos ng Hakbang ng Maisug prayer for peace rally sa Martes (May 7) ng hapon sa Dumaguete City, Negros Oriental. Inaasahang dadaluhan pa rin ito ng mga prominenteng indibidwal at grupo na nagpapakita ng pagiging diskontento at dismayado sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Matatandaang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng nagdaang administrasyong Duterte, na…

Read More

FOOD STAMP GAGAMITIN KONTRA GUTOM

GAGAMITIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom 2027 food stamp program para targetin na tugunan ang food insecurity at pagkagutom na kinahaharap ngayon ng mga Pilipino. “‘Yung food insecurity na 2% ‘yung target ng food stamp program na ma-address,” ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa isang panayam. Ang pahayag na ito ni Dumlao ay bilang tugon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Marso 21 hanggang 25 kung saan nagpapakita na ang pamilyang Pilipino ay nakaranas ng…

Read More

ABANDONADONG ESKWELAHAN SA IMUS CITY, NINAKAWAN

CAVITE – Nilimas ng isang lalaki ang ilang computer set ng isang abandonadong eskuwelahan sa Imus City noong Sabado ng gabi. Subalit nabigo naman ang suspek na si alyas “Juanito” na maiuwi ang nasabing mga computer set dahil may mga mata na nakamanman sa kanya sa kanyang pagtakas. Ayon sa ulat, bandang alas-12: 30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng suspek ang School of Montessori Professional College sa Brgy. Bayan Luma VII, Imus City, sa pamamagitan ng puwersahang pagsira ng padlock nito sa labas. Nang makapasok, pinutol nito ang mga…

Read More

2 NPA LEADERS NAPATAY NG MILITAR SA ILOILO

PATAY sa sagupaan ang dalawang sinasabing mga lider ng Communist Terrorist group-New People’s Army kasunod ng combat operation na inilunsad ng military sa lalawigan ng Iloilo. Sa isinumiteng ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt. General Roy Galido mula sa Army 61st Infantry Battalion, kinilala ang mga napaslang na sina Nahum Camariosa at alyas “Junjun” at “Cedrick”. Si Camariosa, alyas “Rodel” at “Bebong”, ay isang mataas na pinuno ng NPA Southern Front Committee sa Panay Island. Una rito, napatay ng mga sundalo ng 61st IB ang isa…

Read More

2 MAGSASAKA PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Kapwa patay ang dalawang magsasaka sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa mga bayan ng Sariaya at Tiaong sa lalawigang ito. Unang napatay ang biktimang si alyas “Reynaldo”, 50-anyos, residente ng Lutucan Malabag, sa Sariaya, matapos na barilin ng hindi kilalang suspek habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay dakong alas-7:40 noong Biyernes ng gabi. Hindi na ito nadala sa ospital at nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa krimen ng suspek na…

Read More

TULAK NABITAG SA P108K SHABU

NABITAG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District ang isang 36-anyos na residente ng Vista Verde Subdivision, Bacoor, Cavite sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 283, Zone 26, Binondo, Manila noong Sabado ng madaling araw Kinilala ang suspek na si “Bossing “, jobless, residente ng naturang lugar. Base sa ulat na isinumite ni Police Major Bernardino Venturina kay ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD- Meisic Police Station 11, bandang alas-4:45 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang Station Tactical Operation…

Read More

SENIOR CITIZEN TIMBOG SA ESTAFA

NATUNTON ang isang 61-anyos na ginang na may kasong estafa at nadakip ng mga awtoridad sa Newport World Resorts sa lungsod ng Pasay. Napag-alaman, nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at anti-criminality campaign ng mga operatiba ng District Intelligence Division, (DID) Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, ang suspek na si alyas “Marie Michelle”, may asawa, negosyante, ng Makati City. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Major Fredwin Sernio, deputy chief, kay Police Major Emmark Dave Apostol, hepe ng DID-2 SMaRT, bandang alas-4:10 ng hapon nang maaresto…

Read More

Sa umano’y ‘new model’ ng pagkilos sa Ayungin CHINA NAHIHIBANG – AFP

GALIT na pinabulaanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr., ang umano’y pakikiisa ng kagawaran sa China hinggil sa pagbuo ng kasunduan para sa “new model” o bagong porma ng pagkilos sa Ayungin Shoal. Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila hinggil sa umano’y pakikibahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) sa nasabing kasunduan na aprubado rin umano ng gobyerno ng Pilipinas. “This charade must stop!” “Im issuing this statement to generate awareness of this clear attempt by China…

Read More

REGIONAL WAGE BOARDS ‘DI IPABUBUWAG NG SENADO

NILINAW ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na wala silang planong ipanawagan ang pag-abolish sa mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa kabila ng pagsusulong nila ng legislated minimum wage hike bill. Sinabi ni Zubiri na sa kanilang panukala, ang dagdag na P100 sa minimum wage ang magsisilbi lamang base o paunang batayan para sa mga susunod pang aksyon sa pagdaragdag ng sahod sa mga manggagawa. Nangangahulugan anya ito na matapos ipatupad ang P100 legislated minimum wage hike ay nasa kamay na ng RTWPB ang mga pagtalakay pa…

Read More