CHINA NAGPAPADALA NA NG MGA BARKO SA SILANGANG BAHAGI NG PILIPINAS PARA MANAKOP – TULFO

TARGET naman ng China ang Silangang bahagi ng Pilipinas na nasasakupan ng Pacific Ocean matapos nitong sakupin ang ilang bahagi ng West Philippine Sea. Pahayag ito ni ACT-CIS Rep. at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos mamataan ang ilang barko ng China sa naturang lugar kamakailan. Ayon kay Cong. Tulfo, ” noong March lang dalawang barko nila (China) na mga research vessel daw ang naispatan sa Benham Rise”. “Tapos nito lamang nakaraang linggo, isang research vessel na naman nila ang naispatan sa Catanduanes tapos tumakbo pa patungong Samar nang…

Read More

PAGPAPAGAAN SA BUHAY NG PINOY PATULOY NA NILULUTAS NG GOBYERNO

HINDI tumitigil ang administrasyong Marcos sa paghahanap ng paraan para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pamimigay ng mga ayuda, scholarship at pangkabuhayan sa mahihirap ay ilan lamang sa ginagawa na ng pamahalaan. Ang pamamahagi ng mga bigas at cash sa iba’t ibang lalawigan, sa pamamagitan ng ‘Cash and Rice Distribution’ (CARD) ng Kongreso ay isang programa para sa mahihirap. Aniya, “pero siyempre hindi lang ang mahihirap ang kailangang tulungan ng gobyerno tulad ng mga may trabaho nga pero minimum or below minimum…

Read More

Enchanted Kingdom unveils the most MAGICAL Mother’s Day Celebration for all Queens

Enchanted Kingdom (EK), the first and only world-class theme park in the Philippines, will bring the most magical Mother’s Day Celebration on May 12, Sunday. Enjoy enchanting activities, exclusive offers, and freebies perfect for all the queen mothers and the whole family. Witness “An Enchanting Mother’s Day Concert” featuring the mother-daughter tandem Pinky and Karel Marquez at 6 p.m. at the Spaceport Grounds to cap off this special day with music and entertainment. They will be accompanied by the Women of Song and Music Making Company as they serenade the…

Read More

CHINESE IKINULONG SA UTANG SA SUGAL, NA-RESCUE

RIZAL – Isang lalaking Chinese national na ikinulong ng halos isang buwan ng hindi kilalang mga suspek dahil sa utang sa sugal, ang nasagip makaraang abandonahin sa Brgy. Macabud, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan, noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Rodriguez Police, nakita ng mga residente ang nanghihinang biktima na inabandona habang nakahandusay sa gilid ng Macabud Road, Sitio Calumpit, sa naturang barangay. Agad itong isinugod ng mga awtoridad sa Casimiro Ynares Hospital para malapatan ng lunas. Kinilala ang biktimang si An Hai Yang, 45-anyos, nakatira sa…

Read More

QUARRY OPERATIONS SA QUEZON HINILING IPATIGIL

NANAWAGAN ang iba’t ibang grupo na itigil ang mga aktibidad ng quarrying sa bayan Sariaya sa lalawigan ng Quezon, partikular sa paanan ng Mt. Banahaw, na ayon sa mga ito ay isinasagawa nang walang pakundangan sa epekto nito sa kalikasan. Nagsimula ang protesta sa harap ng St. Francis of Assisi Parish Church, kung saan ang mga nagpoprotesta ay humiling ng permanenteng pagtigil o kanselasyon ng operasyon ng mga quarrying na sumisira umano sa maganda at ecology rich na mga kagubatan ng nasabing bayan, at nagdudulot din ng panganib at kahirapan…

Read More

LALAKI, BINISTAY NG BALA SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si alyas “Manuel”, nakasuot ng itim na pantalon, asul na sapatos, brown t-shirt, at residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bacoor Component City Police hinggil sa insidente ng pamamaril sa Molino 3, Bacoor City, Cavite dakong alas-5:40 ng hapon. Agad nagresponde ang mga pulis ngunit naabutang wala nang buhay ang biktima na may tatlong…

Read More

Sa Bulacan, Pampanga at Olongapo City P1.3-B HAHABULIN NG SSS SA DELINQUENT EMPLOYERS

TINATAYANG mahigit P1.3-billion ang hahabulin ng Social Security System (SSS) Luzon Central 2 Division mula sa mga delinquent employer sa mga lugar ng Bulacan, Pampanga, at Olongapo City, na nararapat makuhang benepisyo ng nasa 156,750 empleyado kaugnay ng pinaigting na Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ng ahensiya ngayong taon. Sinabi ni SSS Vice President for Luzon Central 2 Division Gloria Corazon Andrada, ang pinaigting na operasyon ng RACE ngayong taon ay isasagawa isang beses sa isang buwan upang matiyak na natutugunan ng mga employer ang kanilang mga obligasyon sa…

Read More

P146.2-M ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA ZAMBOANGA

TINATAYANG P146.2 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan sa isang operasyon sa Zamboanga City noong Huwebes ng gabi. Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 o PDEA-9, CIDG, at ng Zamboanga City Police Office. Ayon sa PDEA, umabot sa 21 kilos ang timbang ng nakumpiskang illegal drugs mula sa apat na mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Mampang. Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinakamalaking bulto ng drugs na nasamsam sa isang…

Read More

LIVE FIRE EXERCISES TAMPOK SA BALIKATAN

ISA sa naging tampok sa ginaganap na Balikatan 39-2024 iteration ang matagumpay na live fire exercises ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps (USMC) sa Campong Ulay, isang coastal town sa Rizal, Palawan. Ipinakita ng joint marines forces ang kakayahan ng High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) at iba pang key assets sa isinagawang simulated coastal defense scenario. Sinimulan ang pagsasanay sa pagpapaputok ng HIMARS tungo sa direksyon ng ilang mock targets sa West Philippine Sea (WPS). “The precision and long-range hitting capabilities…

Read More