NAE-ENTERTAIN ANG MGA TAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAE-ENTERTAIN ang mga tao sa bangayan ng mga politiko dahil sa Charter change (Cha-cha) at inaabangan na lang nila kung magkakaroon ng pisikal na komprontasyon kapag na-convene na ang dalawang kapulungan sa Constituent Assembly. Noong 2016, naging worldwide news ang suntukan ng mga mambabatas sa Turkey sa loob ng kanilang session hall dahil sa hindi pagkakasundo ng opposition at administration lawmakers. Noong 2017, halos ‘di rin maawat ang magkatunggaling mga politiko sa parliament ng South Africa, at mas malupit sa Kosovo noong 2015 dahil ang oposisyon…

Read More

SANA ALL

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAPAPA-SANA ALL tayo na lahat ng government hospital ay maging katulad ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMH) sa pagseserbisyo sa kanilang mga pasyente. Sa 30-taon na aking pagiging media practitioner, sa ospital na ito ko lang nakita kung gaano kaayos ang mga empleyado at medical practitioners sa pagserbisyo sa kanilang mga pasyente. Sa dinami-rami ng mga pasyanteng pumapasok araw-araw sa DJNRMH mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan nito, maayos pa rin ang lahat ng kanilang sistema.…

Read More

ANG PAMILYA

 AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ANG isang pamilya ay binubuo ng ina, ama at kanilang mga anak. Ang pagbuo ng pamilya ay kahalintulad ng pagbuo ng isang kaharian na ang ama ang tumatayong hari, si ina naman ang siyang reyna. Nagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ganoon din ng kaharian kung nagtutulungan ang mag-asawa o ang hari at ang reyna na may kasaman Panalanging sa Ama. Si Tatay ang tumatayong haligi at si Nanay naman ang ilaw ng tahanan. Kadalasan si Nanay ang disciplinarian, si Tatay naman ang naghahanap…

Read More

PESO SA ARAW NG MGA PUSO

EDITORIAL HANGAD ng bawat isa ang masaya at makulay na Araw ng mga Puso. Walang gustong maiwang nag-iisa, ngunit sinasabing mapagbiro ang pag-ibig kaya may maligaya at may nalulungkot. Sa paghahanap ng kaligayahan ay bumabaling ang iba sa paraan kahit ito ay kailangan ng pagbabakasakali. Tumatapang para makatikim ng parte ng saya na hatid ng pulang araw. Subalit, ang iba ay nahuhulog sa “love scam” na sa halip na tigib ng saya ang maranasan ay dagdag na kirot sa dibdib ang napala. Kaya mag-ingat sa mga manloloko na balatkayo ang…

Read More

Hangga’t dinededma P203-B estate tax – Netizens TAX CAMPAIGN WALANG SILBI SA BBM ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HANGGANG sa kasalukuyan ay deadma pa rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa isyu ng hindi nabayarang estate tax ng kanilang pamilya, na dating nagkakahalaga ng P23 bilyon ngunit sa kasalukuyan ay pumalo na si P203 bilyon. Ito ay sa kabila ng inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na National Tax Campaign na naglalayong himukin ang taxpayers na bayaran ang kanilang buwis. Dahil dito, patuloy ang pagbatikos ng netizens sa pamilya Marcos dahil pinahihina anila ang kampanya ng BIR. Magugunitang ayon sa entry judgment mula…

Read More

Mahuhukay na buhay malabo na 54 PATAY SA DAVAO DE ORO LANDSLIDE

LUMILIIT na ang tsansa na may mahuhukay pang buhay mula sa gumuhong lupa na tumabon sa 50 kabahayan, tatlong passenger bus at isang jeep bunsod ng naganap na landslide sa Brgy. Masara, Davao de Oro. Kasalukuyang nang bineberipika ng Office of Civil defense ang operating arm ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang 54 na napaulat na nasawi dahil sa landslide dulot ng shearline at low pressure area. Sa datos ng Maco LGU kahapon, ibinaba na sa 63 mula sa 77 ang bilang ng mga nawawala, bagama’t…

Read More

PAGTALAKAY SA LEGISLATED WAGE HIKE BILL, BABALANSEHIN

NANGAKO si Senador Christopher Bong Go na babalansehin ng Senado ang ang pagbalangkas sa panukalang P100 wage hike increase sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Kasabay nito, nananawagan si go sa malalaking kumpanya na maging bukas ang isipan at bahagian ang kanilang mga empleyado sa kanilang naging kita sa mga nakalipas na taon. Si Go ang isa sa mga may akda ng P100 wage hike increase o Senate Bill Number 2534. Ipinaalala ng Senado na nung mga nakaraang taon ay naibaba na nila ang binabayarang corporate income tax ng mga…

Read More

LANDSLIDES SA DAVAO BUBUSISIIN SA SENADO

IGINIIT ni Senador Loren Legarda ang pangangailangang maimbestigahan ng Senado ang landslides sa bayan ng Maco sa Davao de Oro na ikinasawi ng mahigit limampung indibidwal. Sinabi ni Legarda na dapat mabusisi kung ano ang mga naging problema, pagkukulang at kapabayaan sa nangyaring trahedya. Ito ay upang maiwasang maulit ang pangyayari na labis na nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng marami nating kababayan. Posibleng si Legarda mismo ang maghain ng resolusyon para sa pagdinig sa insidente sa gitna ng kanyang paniniwala na may kapabayaan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.…

Read More

ACT-CIS SINAGOT BANAT NI SEN. VILLANUEVA SA MGA PARTY-LIST

SINAGOT na ng nangungunang party-list sa Kongreso ang pagmamaliit ni Senador Joel Villanueva kamakailan sa mga party-list. Sa panayam kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng isang radio station kamakailan, sinabi nito na nagulat siya sa tirada ng senador sa mga party-list. Ayon kay Cong. Tulfo, “nagulat lang ako at binanatan nya ang mga party-list dahil yung tatay niya na si Bro. Eddie Villanueva ay kasama namin sa party-list coalition”. “Parang minaliit nya ang lahat ng party-list kasama na yung party-list nila na Cibac at si Bro. Eddie na tatay nya…

Read More