TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagtatapos ng taong 2023, naglunsad ang Hyphothesis Philippines ng isang makabuluhang survey na naglalayong masuri ang job performance ng mga gobernador sa MIMAROPA (Mindoro [Occidental at Oriental], Marinduque, Romblon, at Palawan). Ang resulta ng “Pulso ng Bayan 2024” ay nagdudulot ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayan sa buong rehiyon. Ang nasabing survey ay isinagawa mula Disyembre 19, 2023, hanggang Enero 9, 2024, kung saan nakuha ang opinyon ng 10,000 respondents mula sa iba’t ibang panig ng MIMAROPA. Ipinakita ng resulta na mataas ang…
Read MoreAuthor: admin 5
TULONG SA MAGSASAKA SERYOSOHIN
EDITORIAL NILAGDAAN ng Vietnam at Pilipinas ang rice cooperation trade agreement nang bumisita si President Ferdinand Marcos Jr. sa Vietnam kamakailan. Sa ilalim ng Rice Trade Cooperation agreement, susuplayan ng Vietnam ang Pilipinas ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong metric tons ng bigas kada taon sa susunod na 5 taon. Ang MOU ay bilang tugon sa kakapusan ng bigas sa Pilipinas. Sa datos mula sa Department of Agriculture, may patlang na 300,000 metric tons sa pagitan ng produksyon at konsumo kung saan nasa kabuuang 13.2 milyong metric tons ang produksyon…
Read MoreApela kina Marcos at Duterte TAUMBAYAN ‘WAG IDAMAY SA AWAY
HINDI dapat idamay ng mga Duterte at Marcos ang sambayanang Pilipino sa kanilang away dahil sa kapangyarihan. Ito ang panawagan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa dalawang kampo at sa halip mag-away ay bigyang atensyon ang mga problemang kinakaharap ng mamamayan tulad ng pagtaas na presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas. “Dinadamay pa nila ang masang Pilipino sa away nila (Marcos) sa mga Duterte para sa kapangyarihan,” pahayag ni Manuel. Ayon sa mambabatas, hindi ang Mindanaoans ang makikinabang sa plano ni Duterte na simulan ang paghiwalay ng…
Read MoreHindi man pisikal na nagkabayaran – solon PONDO NG BAYAN NAGAMIT SA PI
NANINIWALA ang ilang senador na malinaw na ang pagkakaugnay ng mga mambabatas sa People’s Initiative sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng ilang kongresista na sila ang pasimuno ng pangangalap ng lagda. Ayon kay Senador Francis Chiz Escudero, bagama’t inamin na rin ni House Speaker Martin Romualdez na nagsilbi lamang siyang facilitator, kinumpirma na rin ni Noel Oñate, lead convenor ng PIRMA na lumapit siya sa mga kongresista upang hingin ang kanilang tulong sa pangangalap ng lagda. Ipinaliwanag pa ni Escudero na bagamat walang malinaw na perang inilabas, ang pahayag…
Read MoreESPIRITU NG ‘EDSA’ PINASIGLA NG CHA-CHA
MULING ipararamdam ng sambayanang Pilipino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang espiritu ng EDSA People Power Revolution matapos itong gisingin ng Charter change (Cha-cha). Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung sa mga nakaraang taon ay nilalangaw ang paggunita ng EDSA People Power ay asahan umano ang malakihang mobilisasyon laban sa Cha-cha sa darating na Pebrero 25. “In fact, magkakaroon ng No to Charter change Action, magkakaroon ng mobilization sa February 25 kaya inaanunsyo na po natin ito ng pagsama-sama ng iba’t ibang No to Cha-cha coalition, No…
Read MoreAway sa pangunguryente ng isda 11-ANYOS SUGATAN SA PAMAMARIL
LAGUNA – Malubhang nasugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos mabaril ng lalaking nakaaway ng kanyang tiyo habang patungo sa pangunguryente ng isda sa bayan ng Victoria sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Victoria Police, bandang alas-9:30 ng gabi, kasama ang biktima ng kanyang tiyong si Junmark Calapatia upang manguryente ng isda sa palayan sa Purok 1, Barangay Masapang, ngunit nadatnan ng mga ito sa lugar ang lalaki na akmang mangunguryente rin ng isda. Nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ng tiyo ng bata na…
Read MoreHOLDAPER NA SAKAY NG KOTSE TINUTUGIS
CAVITE – Nakipag-ugnayan na ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng driver ng isang Honda Civic, makaraang mangholdap at tumangay ng P98,000 cash at alahas sa isang lalaki, saka kinomando ang isang L300 van na ginamit na get-away vehicle sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Felino” ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na lulan ng isang itim na Honda Civic na may plakang UHG 756, at…
Read More2 MAG-ASAWA PINATAY
QUEZON – Patay ang mag-asawang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi kilalalang mga suspek sa kanilang bukid sa Brgy. Dancalan Central, sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Kapwa may mga tama ng bala sa ulo, dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang mag-asawa na agarang ikinamatay ng mga ito. Kinilala ng Guinayangan Police ang mga biktimang sina Randy Pedregal, 46, at Analisa, 50-anyos. Ayon sa report ng pulisya, nagkokopra ang mag-asawa sa kanilang niyugan sa may bulubunduking lugar ng Dancalan Central nang barilin ng hindi matukoy…
Read MoreLOYALTY CHECK SA DAVAO REGION ITINANGGI NG AFP
ITINANGGI ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng loyalty check ang pinuno ng sandatahang lakas sa Davao region, ang lugar na pinaniniwalaang balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na nagtungo lamang sa Davao si AFP chief of Staff General Romeo Brawner para personal na silipin ang kondisyon ng nagpapatuloy na HADR operations at peace and security campaigns sa rehiyon. Kahapon ay binisita ni Brawner ang mga tropa ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao. Ayon kay…
Read More