BISTADOR ni RUDY SIM MARAMING netizens ang dismayado sa isinagawang Senate inquiry kaugnay sa kontrobersyal na paglabas ng dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa isang impormasyon di-umano ng isang confidential informant noong 2012. Matatandaang isang presidential aspirant na hindi pinangalanan noong nagdaang presidential elections ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang gumagamit umano ng ilegal na droga at ngayong taon lamang ay binasag na ni Duterte ang nasabing palaisipan sa isang peace rally, at sinabing nakita niyang nasa listahan ng PDEA si Marcos…
Read MoreAuthor: admin 5
SALUDO SA PNP-CIDG FLAGSHIP PROJECT OPLAN OLEA
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG pagkakaaresto sa apat na indibidwal para sa paglabag sa Artikulo 201 ng Binagong Kodigo Penal, partikular sa Obscene Publication, ay nagpapakita ng mahalagang hakbang sa patuloy na pagsusumikap para sa katarungan at kagandahang-asal sa ating lipunan. Ang matagumpay na operasyon, isinagawa sa ilalim ng CIDG Flagship Project OPLAN OLEA, ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga ahensya ng batas sa paglaban sa mga ilegal na gawain na sumisira sa moralidad at integridad ng publiko. Ang pag-aresto, na naganap bandang alas-4:00 ng hapon noong Abril 26,…
Read MoreWAGE RATES REVIEW NI MARCOS PALABAS LANG -SOLONS
NAGBUBULAG-BULAGAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kalagayan ng mga manggagawa sa bansa. Tugon ito ng Makabayan bloc sa Kamara sa kautusan ni Marcos sa irebyu ang wage rates sa buong bansa sa gitna ng panawagan ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod noong Labor Day. “Seryoso ba talaga si Marcos Jr., dun sa pagtaas ng suweldo ng ating manggagawa? Kasi bakit nasa review phase pa rin siya? Hindi ba niya nakikita ang inflation?,” ani ACT party-list Rep. France Castro sa press conference kahapon. Sinabi ng mambabatas na…
Read MoreHOUSE ETHICS COMMITTEE KUMILOS NA VS ALVAREZ
UMAKSYON na ang House committee on ethics laban kay dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez. Kahapon ay nagkaroon ng unang pagpupulong ang nasabing komite na pinamumunuan ni Coop-Natco party-list Rep. Felimon Esperas na dinggin sa reklamong natanggap ng mga ito laban kay Alvarez. Hindi idinetalye ang nilalaman ng reklamo subalit kinumpirma ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, miyembro ng komite, na nagpatawag ng pulong ang kanilang chairman para talakayin ang reklamo laban sa dating House Speaker. Ayon kay Manuel, susuriin muna kung may basehan ang…
Read MorePRICE FREEZE HIRIT HABANG MAY EL NIÑO
NANANAWAGAN si Senador Francis Tolentino sa gobyerno na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño sa bansa. Kabilang sa pinasasaklaw ng senador sa price freeze ang bigas upang makaagapay ang publiko sa inaasahang pagtataas ng presyo ng produkto bunsod ng kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng tag-init. Sa rekomendasyon ni Tolentino, iiral ang price freeze habang nararanasan ng bansa ang El Niño season. Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang mambabatas sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang umiiral…
Read MoreNagdadawit kay BBM sa ilegal na droga PDEA ‘LEAKED’ DOCUMENTS TOTOO – SEN. BATO
(DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Ronald Bato dela Rosa na hindi fabricated o gawa-gawa lang ang sinasabing dokumento na nagsasaad ng pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging ng aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga. May kinalaman ito sa sinasabing nag-leak na Operate and Pre-Operation Report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Sa pagdinig sa Senado, itinanggi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang sinasabing dokumento. Kinontra naman ito ni dating PDEA investigating agent Jonathan Morales na naggiit na authentic ang nag-leak…
Read More40 KASAPI NG CPP-NPA NA-NEYUTRALISA NG MILITAR
UMABOT sa 40 kasapi ng Communist New People’s Army ang na-neyutralisa ng Armed Forces of the Philippine sa Visayas Region nito lamang nakalipas na buwan ng Abril bunsod nang walang humpay na focused military operations ng Visayas Command (VISCOM). Ayon kay VISCOM commander, Lt. Gen. Fernando M. Reyeg, simula noong unang araw ng Abril hanggang katapusan ng buwan ay umaabot sa 40 NPA terrorists ang kanilang na-neyutralisa, 22 rito ang nadakip, 16 naman ang nagpasyang sumuko habang may dalawang NPA ang napatay sa gitna ng sagupaan. Sa nasabing bilang, 28…
Read MoreDOLE, PESO JOB FAIR NAGBUKAS NG 10K TRABAHO SA BULACAN
KASABAY ng pagdiriwang ng Labor Day, umabot sa 10,648 trabaho ang binuksan para sa job seekers sa ginanap na simultaneous job fair sa SM malls sa Bulacan noong Miyerkoles, Mayo 1, 2024. Dinagsa ng job seekers ang SM City Marilao na naghandog ng 3,614 job openings mula sa iba’t ibang kumpanya sa probinsya. Nasa 7,034 jobs ang binuksan naman sa SM City San Jose Del Monte sa Barang Tungkong-Mangga. Ang nasabing job fair ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment Region III (DOLE-R3), kasama ang Provincial Public…
Read MoreNIGERIAN NASAKOTE SA HIT AND RUN
HINDI nakaporma ang isang Nigerian national na suspek sa insidente ng hit and run, nang makorner matapos na tinangkang tumakas ngunit nadakip ng nagrespondeng mobile patrol sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa RA 4136 (driving without license), ang suspek na si alyas “Chibuike”, isang Nigerian national. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mobile patrol ng General Trias City Police hinggil sa isang pulang Hyundai Accent na may plakang UIR 562, na minamaneho…
Read More