HINIMOK ni Senador Chiz Escudero ang Commission on Elections na irealign ang multi bilyong pisong pondong laan nito para sa plebisito at referendum. Ito ay makaraang ihayag ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na nangako na sa kanya si Pangulong Bongbong Marcos na aapela sa Kamara at sa iba pang initiator na itigil na ang pagsusulong ng people’s initiative Bukod pa ito sa desisyon mismo ng poll body na itigil na ang lahat ng proseso kaugnay sa People’s Initiative. Sinabi ni Escudero na makabubuting ilaan at gamitin ang pondo…
Read MoreAuthor: admin 5
SCS, RICE DEAL SINELYUHAN NG PILIPINAS AT VIETNAM
KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na palakasin ang pagtutulungan sa hanay ng kanilang coast guards at pigilan ang hindi inaasahang mga pangyayari sa South China Sea (SCS). Kasalukuyang nasa Vietnam si Pangulong Marcos para sa kanyang two-day state visit. Ang Pilipinas at Vietnam ay nag-aagawan sa ilang bahagi ng SCS. Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang Malakanyang sa nasabing kasunduan sa Hanoi. Sa kabilang dako, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinintahan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding on Incident Prevention and Management in the…
Read MoreWALANG ATRASAN KONTRA CHA-CHA
WALANG plano ang mga anti-Charter change (Cha-cha) group na magpahinga sa kanilang krusada sa kabila ng pagpapatigil ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng signature sheets ng People’s Initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution. Sa halip, tuloy-tuloy ang grupong BAYAN sa pangunguna ni dating Congressman Neri Colmenares sa kanilang ‘bawi-pirma’ campaign upang idiskaril ang plano umano ng nasa likod ng PI na amyendahan ang Saligang Batas gamit ang mga pirmang kinalap sa pamamagitan ng panloloko at pagbili. “The recent move of Comelec to suspend processing the PI signature…
Read MoreMARCOS-DUTERTE WAR PARA SA KAPANGYARIHAN
PODER o kapangyarihan na ayaw bitiwan ang pangunahing dahilan kung bakit sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Marcos at Duterte na tuluyang nagtuldok sa kanilang UniTeam noong nakaraang eleksyon. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang hidwaan ng mga Marcos at Duterte dahil walang nagbabanggit sa kanila ng kapakanan ng mamamayan. “These politicians stay silent when the people are calling for aid, but when their power is at risk, they have the guts to use public funds for these kinds of expensive gimmicks,” ayon sa aktibistang mambabatas.…
Read MoreSunog patuloy na inaapula ng PAF firefighters ITOGON, BENGUET FOREST FIRE: 60% EXTINGUISHED
TATLONG araw nang nakikipagsagupa sa nagaganap na forest fire ang mga tauhan ng Philippine Air Force para makatulong sa Bureau of Fire Protection at local government units para maapula ang apoy na lumalamon sa 50 ektaryang kagubatan sa Itogon, Benguet. Ayon kay Col. Maria Consuelo Castillo, ang tagapagsalita ng Hukbong Panghimpapawid, gamit ang dalawang Super Huey helicopters, pinipilit ng mga tauhan ng 505th Search and Rescue Group ng PAF na mapigilan ang paggapang ng apoy sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dalupirip, sa bayan ng Itogon sa Benguet hanggang kahapon, na…
Read MoreTRABAHADOR SA NIYUGAN PATAY SA PAMAMARIL
QUEZON – Patay ang isang magsasaka na trabahador sa isang coconut farm matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Calimpak, sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan noong Lunes ng umaga. Idineklarang dead on the spot ng mga awtoridad ang biktimang kinilala sa pangalang “Rudy”, 49-anyos, dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Ayon sa report ng Guinayangan Police, nangangawit ng niyog ang biktima sa coconut plantation na pag-aari ng isang Maverick Sales, nang dumating sa bukid ang suspek at…
Read MoreRIDER, BINATILYO PATAY SA AKSIDENTE
QUEZON – Dalawa ang patay kabilang ang isang menor de edad, sa magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa mga bayan ng Tagkawayan at San Narciso sa lalawigan noong Lunes. Sa Tagkawayan, patay ang isang hindi pa kilalang rider matapos mabundol at makaladkad ng Raymond passenger bus sa Quirino Highway sa Barangay Rizal mag-aalas-6:00 ng gabi. Ayon sa report ng pulisya, nasa unahan ng bus ang motorsiklo nang mula sa shoulder ay bigla na lamang itong gumitna para lumiko pakaliwa sa highway. Hindi ito iwasan ng paparating na…
Read More2 NPA NALAGAS SA ENGKWENTRO SA AGUSAN DEL NORTE
AGUSAN DEL NORTE – Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay sa panibagong engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa sa Sitio Kipundaw, Brgy. Sangay, sa bayan ng Buenavista sa lalawigan. Kasunod ito ng nagpapatuloy na pursuit operations ng mga tauhan ng 4th Infantry (Diamond) Division laban sa communist terrorist group sa Agusan del Norte, na nagresulta sa pagka-neutralize sa siyam na miyembro ng NPA sa nakalipas na dalawang linggo. Sa panibagong engkwentro noong Lunes ng madaling araw, sa pagitan ng mga tropa…
Read MoreGINANG PATAY, ASAWA’T 3 ANAK SUGATAN SA BANGGAAN
CAVITE – Patay ang isang 31-anyos na ina habang sugatan ang ama at kanilang tatlong anak na pasahero ng isang tricycle nang banggain ang kanilang sasakyan ng isang pampasaherong bus at nagulungan naman ng isang logistic vehicle ang ginang nang tumilapon sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Joward Landoy y Magsino, 28, construction worker, driver ng tricycle, at mga pasahero nito na kinabibilangan ng kanyang live-in partner na si Brendalin Bagguilan y Caronna, 31, at tatlo nilang mga anak na may…
Read More