RIGODON MULING NAKAUMANG SA PNP

pnp

INAASAHAN ang panibagong bugso ng balasahan sa hanay ng senior officers ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ay upang punan ang nabakanteng pwesto ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia na nagretiro na noong Biyernes. Sa kasalukuyan, wala pang inihahayag na kapalit sa nabakanteng pwesto ni Sermonia bilang Number 2 man ng PNP, ang pinakabatang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’89. Ilan sa mga opisyal na inaasahan o posibleng humalili ang Number 3 man ng PNP…

Read More

Senado laban-bawi RESO SA ECONOMIC CHA-CHA TULOY NA

MISTULANG naglaban-bawi ang mga senador sa pagsusulong ng Resolution of Both Houses 6 para sa pagbabago sa economic provision ng Konstitusyon. Matatandaang noong isang linggo, iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayorya na ng mga senador ang malamig sa pagtalakay ng RBH 6 dahil sa patuloy na pangangalap ng pirma para sa Charter change. Subalit, nitong Lunes, sinabi ni Senador JV Ejercito na itutuloy nila ang pagtalakay sa resolusyon upang ipakita sa mga kongresista na tumutupad sila sa napagkasunduan. Sinabi ni Ejercito na matapos ang pulong nila kay…

Read More

SIGNATURE BUYING PROBE NG SENADO IBOBOYKOT NG KAMARA

WALANG plano ang mga opisyales at miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa signature-buying umano sa isinusulong na People’s Initiative (PI). Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos silang imbitahan ni Sen. Imee Marcos, chairperson ng Senate committee on electoral reform sa pagsisimula ng imbestigasyon ngayong araw, Martes. “While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow…

Read More

MARCOS NO COMMENT SA PATUTSADANG ‘BANGAG’ NI DUTERTE

HINDI direktang tinugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay addict at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa ambush interview kay Pang. Marcos bago ito lumipad patungong Vietnam, tinawanan lamang ng Presidente ang alegasyon. “I won’t even dignify,” aniya. Kasabay nito, hiniling ni Marcos Jr. sa mga doktor ni Duterte na alagaan itong mabuti dahil sa masamang epekto ng Fentanyl dito. “I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly…

Read More

‘ABAYAO’

DPA ni BERNARD TAGUINOD NOONG bata pa kami ay may abayao kami na pinaglalagakan ng aming ani o pinag-anihan. Ang tawag ngayon sa abayao ay bodega. Ang pagkakaiba lang ay elevated ang abayao at ang ilalim naman niya ay silungan ng mga manok at baboy at iba pang alagang hayop kaya medyo malayo-layo sa pinakabahay namin. Lahat ng mga tao ay may abayao na pinaglalagakan ng ani o pinag-anihan at tuwing nauubos ang bigas ay kukuha lang doon para ipagiling kaya wala akong maalala na may nagkukulang ng bigas noong…

Read More

BUCOR CONSULTANT PASIMUNO SA PAGPUPUSLIT NG KONTRABANDO SA NBP?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI na dapat pang patagalin sa kanyang pwesto itong isang consultant ng Bureau of Corrections (BuCor) na itinuturong nagpapalusot ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP). Nauna nang inireklamo ng mga preso ang consultant na ito raw ang dahilan kaya hindi nakararating sa kanila ang mga padalang ‘cashless transaction’ ng kanilang mga kamag-anak. Ibang klase nga, nagpapayaman ang damuhong ito pero ang kanyang pineperwisyo ay ang kawawang mga nakakulong. Kahit na nakakulong ang mga kababayan natin diyan sa NBP ay may mga pangangailangan din…

Read More

MARAMING ‘DEMONYO’ SA MALACAÑANG NA NAKAPALIBOT KAY PBBM

BALYADOR ni RONALD BULA NANINIWALA si Senator Imee Marcos na tali ang mga kamay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng People’s Initiative. Sa isang panayam, sinabi ni Senator Marcos na parang nabihag umano si Pangulong Bongbong ng kung ano-anong mga “demonyo.” Bago iyan, sinabi ni Senator Imee na maraming “demonyo” sa Malacañang ang nakapalibot sa kanyang kapatid. Umaasa aniya ang senadora na hindi ito pakikinggan ng Pangulo. Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na “divisive” o nagdudulot ng…

Read More

BAWAL TAMAD SA BAGONG PILIPINAS

EDITORIAL BAWAL ang tamad at makupad sa pamahalaan. Bawal ang mapang-api at naghahari-harian. Bawal ang waldas. Ang hindi bawal: honesty. Ito ang buod ng mensahe ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand. Kailangan daw na unahin ang kapakanan ng taumbayan. Maganda ang mensahe kung mabibigyan ng tunay na anyo, sa gawa at hindi sa mga salitang galing lang sa bibig. Ang pagiging tapat at hindi pangungulimbat ay matagal nang panawagan ng mga may malasakit sa sambayanan, ngunit hindi maapula dahil sa sistema at walang…

Read More

2 NURSE SUGATAN SA PAMAMARIL

CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Cavite Police sa isang riding in tandem na bumaril sa dalawang nurse sa bayan ng Rosario sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Kapwa nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Hospital ang mga biktimang sina alyas “Joseph”, 22, at “Norbet”, 33, kapwa nurse, at mga residente ng Rosario, Cavite. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril. Ayon sa ulat, galing sa trabaho ang dalawa at papasok sa…

Read More