TATLONG grupo na ang nagbabanggaan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa Charter change (Cha-cha). Kahapon ay binakbakan ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos tawagin “politico initiative” ang People’s initiative. Itinuro rin umano ni Alvarez si House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng PI para amyendahan ang 1987 Constitution partikular na ang economic provisions. “Former Speaker Alvarez’s allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People’s Initiative’ without a…
Read MoreAuthor: admin 5
ROMUALDEZ NILAGLAG NG KAPWA KONGRESISTA
MISTULANG nilaglag ng kanyang kasamahan sa Kamara si Speaker Martin Romualdez kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa isinusulong na Charter change. Ito ay matapos kumpirmahin ni Senador Ronald Bato dela Rosa na itinuro ng isang kongresistang kanyang nakausap na utos ni Romualdez ang pangangalap ng mga lagda para sa People’s Initiative. Sinabi ni dela Rosa na humingi pa ng paumanhin sa kanya ang isang mambabatas na nakausap niya dahil sumusunod lamang umano sila sa atas. Tumanggi naman ang senador na tukuyin kung sino ang kongresista na kanyang nakausap. Kinumpirma…
Read MoreONE CHINA POLICY DAPAT NANG REBYUHIN
DPA ni BERNARD TAGUINOD NARARAPAT na sigurong silipin uli ang One China policy agreement sa pagitan ng Pilipinas at China dahil ngayon pa lamang ay mistulang binubusalan na tayo ng bansang ito, mukhang pabor lang sa kanila ang kasunduang ito. Itininta nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at dating Chinese Premier Zhoy Enlai ng People’s Republic of China, ang Joint Communiqué na ito noong June 9, 1975, na isang China lang ang dapat kilalanin ng Pilipinas. Ibig sabihin, hindi dapat kilalanin ng Pilipinas ang Taiwan bilang hiwalay na bansa sa…
Read MorePRAYER RALLY VS HOMONHON ISLAND MINING MATAGUMPAY
PUNA ni JOEL O. AMONGO LIBONG katao ang nakiisa sa JERICHO PRAYER ASSEMBLY na ginanap sa Immaculate Conception Church sa Guiuan, Eastern Samar noong Enero 20, 2024 upang ipakita ng mga ito ang kanilang mahigpit na pagtutol laban sa ginagawang pagsira ng mga mining company sa historical island ng Homonhon at Manicani sa naturang lugar. Bagama’t hindi pinayagan ni Guiuan Mayor Annaliza Gonzalez-Kwan ang prayer rally ng mga Estehanon, ay itinuloy pa rin ito ng libo kataong environmentalists, philanthropists at parishioners na nagmula sa iba’t ibang lokalidad. Narito ang mga…
Read MoreHONTIVEROS NAINSULTO NANG BANTAAN NG CHINA SI PBBM
BALYADOR ni RONALD BULA INAMIN ni Senator Risa Hontiveros na nainsulto siya nang balaan ng China si Pangulong “Bongbong” Marcos matapos batiin ang bagong halal na presidente ng Taiwan. Ito ay dahil hindi tulad sa Pilipinas, ay hindi nagbigay ng negatibong reaksyon ang China sa Singapore nang batiin din ang nanalong Taiwan president gayong kabilang ang Singapore sa kumikilala sa One China Policy. Ayon kay Hontiveros, kahit siya ay nabibilang sa oposisyon, bilang Pilipino at policymaker ay nainsulto pa siya sa pahayag ng China sa pangulo ng bansa Ganito rin…
Read MoreNUMBER 1 IMPORTER PA RIN NG BIGAS ANG PILIPINAS
EDITORIAL MANGUNGUNA pa rin ang Pilipinas bilang importer ng bigas sa buong mundo ngayong taon. Base ito sa ulat ng US Department of Agriculture (USDA). Sa report ng Economic Research Service ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metric tons ngayong 2024. Sumusunod ang China, Indonesia, European Union, Nigeria at Iraq. Batay sa datos mula sa Bureau of Plant Industry, sa nakalipas na taon, umangkat ang Pilipinas ng 3.6 million MT ng bigas, mababa ng 5.9 percent mula sa 3.8 million MT noong 2021. May plano ang Department…
Read MoreTINDERO PATAY SA SUMALPOK NA MOTORSIKLO
QUEZON – Patay ang isang tindero nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste sa Barangay Pury sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Ayon sa report ng San Antonio Police, galing sa pamamalengke ang 56 anyos na si “Anselmo” nang lumagpas ang kanyang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada. Tuluyang nawalan ng kontrol ang biktima sa manibela at dumiretso ang motorsiklo sa shoulder ng kalsada saka sumalpok sa poste ng kuryente. Sa lakas ng pagkakabangga, grabeng napinsala ang ulo at katawan ng biktima na agad…
Read MoreKARPINTERO PATAY SA SUV NG MALAYSIAN
BATANGAS – Patay ang isang karpintero nang ang minamaneho nitong tricycle ay araruhin at kaladkarin ng isang SUV na minamaneho ng isang Malaysian sa national road ng Barangay Balibago, sa bayan ng Calatagan, sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Artemio Ordoñez, 52-anyos, dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan. Ayon sa report, dakong alas-10:30 ng gabi, nang salpukin ang tricycle ng biktima sa likuran ng kasunod na Toyota Fortuner na minamaneho ni Abdul Rashid Bin Hasnan, 24, isang Malaysian national…
Read MoreLALAKI TINUSOK SA MASAMANG TINGIN
CAVITE – Pinagsasaksak ang isang lalaki dahil umano sa masamang tingin nito sa suspek sa harapan ng isang sari-sari store sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Dasmariñas ang biktimang alyas “Mario” subalit namatay dahil sa mga saksak sa katawan. Mabilis namang nakatakas ang suspek na si alyas “John” ngunit nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harap ng isang sari-sari store sa Brgy. Paliparan-3, Dasmariñas City, nang lapitan siya ng suspek at sinita dahil sa tila masama…
Read More