DABAWENYO NAGMARTSA KONTRA SUHULAN SA CHA-CHA

NAGMARTSA ang ilang mga residente ng Davao City dahil sa pagkadismaya at pagtutol sa pagpapapirma ng mga pulitiko kaugnay sa binabalak na Charter change ng mga mambabatas. Dala ng ilang Dabawenyo sa isinagawang parada mula sa Calinan, Davao City patungong city proper, ang mga tarpaulin at karatula na may nakaimprentang “Dabawenyos are not for sale.” Pagdating sa Rizal Park, idinaos ang isang programa na pinangunahan ng mga barangay official at ng mga residente bilang pagtutol sa signature campaign para sa People’s Initiative kaugnay sa Charter change. Ayon sa mga dumalo…

Read More

COMMUTER BINARIL SA ULO

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki nang barilin ng ‘di kilalang suspek habang nag-aabang ng sasakyan sa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si alyas “Jaypee”, habang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek. Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, habang nakatayo ang biktima at nag-aabang ng sasakyan sa gilid ng kalsada sa Aguinaldo Highway sakop ng Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City, nang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo si Jaypee.…

Read More

P6.8-M DROGA PARA SA CEBU SINULOG FESTIVAL, NASABAT

NAKUMPISKA ng Regional Drug Enforcement Unit – Central Visayas ang tinatayang mahigit sa P6.8 milyong halaga ng ilegal na droga noong Lunes ng gabi, isang araw lamang makalipas ang pagdiriwang ng Sinulog Festival. Sa isinagawang buy-bust operation, inaresto ang isang alyas “Harold” sa likod ng isang hotel sa Barangay Mabolo, Cebu City. Nakumpiska mula sa suspek ang ilegal na droga na may timbang na mahigit isang kilo, na nakalagay sa isang maliit na backpack. Duda ng mga awtoridad, ang illegal drugs ay suplay na dinala sa Cebu dahil sa mga…

Read More

‘GOVERNMENT TROLLS’ PINAIIMBESTIGAHAN SA UN RAPPORTEUR

IKINAGALAK ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdating ni United Nations Special Rapporteur (UN SR) on freedom of opinion and expression, Irene Khan sa Pilipinas para sa isang official visit. Ayon kay House deputy minority leader France Castro, napapanahon ang pagbisita ni Khan lalo na’t binubusalan ang mga Pilipino na nagpapahayag ng kanilang saloobin sa gobyerno at inaakusahang mga komunista. “We are glad that UN SR Khan is here to look into the real situation of freedom of expression in the Philippines, especially considering the challenges faced…

Read More

TASK FORCE EL NIÑO BINUHAY NG DEFENSE DEPARTMENT

BINUHAY ng Department of National Defense ang Task Force El Niño bilang paghahanda sa magiging epekto ng inaasahang paglubha ng tagtuyot sa bansa. Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro ang namuno sa re-activation and reconstitution ng Task Force El Niño sa ilalim ng Executive Order No. 53, sa ginanap na pagtitipon sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon. Ang pulong ay pinangunahan ni Secretary Teodoro bilang siyang chairperson ng Task Force El Nino (TFEN). Ang E.O. 53 ay naging epektibo noong Enero 19, 2024, kung saan umaktong co-chairperson ng TFEN si…

Read More

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT, PAHIRAP SA VENDORS?

DISMAYADO ang mga manininda sa nadoble umanong paniningil ng butaw ng engkargado ng Blumentritt Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District. Ayon sa vendor na ayaw magbanggit ng pangalan, halos wala na silang kinikita sa kanilang paninda dahil napupunta umano sa Blumentritt PCP. “Sana ibalik na lang ‘yun dating hepe, bakit nilipat pa eh maganda naman ang ginagawa nito, saka maliit lang ang butaw ng mga vendor, ngayon halos doble,” pahayag ng isang manininda. Dahil dito, nagtatanong sila kung alam ng station commander…

Read More

Kontrata sa e-lotto hokus-pokus? MARCOS NGANGA KAY ROBLES

HARAP-HARAPANG binalewala ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang solohin nito ang desisyon na ituloy ang online lotto o e-lotto. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, matinding pagbalewala ang ginawa ni Robles kay Marcos nang ituloy nito ang kontrata sa Pacific Online Systems Corporation (POSC) na walang basbas ang Pangulo at hindi rin pabor ang Office of Government Corporate Counsel (OGCC). Sa ilalim ng PCSO at POSC contract, napagkasunduan na magkaroon ng isang taong test-run sa e-lotto…

Read More

Umugong na destab plot hindi humuhupa REORGANISASYON NG NICA INIUTOS NI MARCOS JR.

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagsasaayos sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa layuning palakasin ang pangangalap ng impormasyon ng ahensiya para matiyak ang national security sa gitna ng pabago-bagong mga banta. Nakasaad sa Executive Order No. 54 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may pangangailangan na i-reorganisa ang NICA para maka-adopt sa umuusbong at pabago-bagong banta pagdating sa national security. Ang NICA, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay nilikha sa pamamagitan ng EO No. 246 (s. 1987). Sa bagong EO, ipinag-utos nito ang…

Read More

ILANG UMANO’Y BIKTIMA NI QUIBOLOY HUMARAP SA SENADO

HUMARAP sa pagdinig ng Senate committee on women, children and family relations ang ilan pang sinasabing nabiktima ng pang-aabuso umano ni Pastor Quiboloy. Sa pagdinig ng komite sa pangunguna ni Senador Risa Hontiveros, emosyonal at detalyadong isinalaysay ni alyas Amanda ang naging karanasan noong siya ay maging miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Ayon kay alyas Amanda, nagsimula siyang maging miyembro ng KoJC noong siya ay 10 taong gulang pa lamang kung saan siya naatasang mamalimos at magbenta ng kung anu-ano. Makalipas ng ilang taon ay nahikayat si Amanda na…

Read More