STEWARDSHIP NG MARIKINA WATERSHED, HIRIT SA DENR

BAKIT sa isang construction company ipagkakatiwala ang pangangalaga ng kabundukan, samantalang pwede naman sa mga katutubong umaasa sa kagubatan para sa kanilang kabuhayan? Sa isang panayam kay Enrico Vertudez na tumatayong chairman ng Kaksaan Ne Dumaguet De Antipolo, mas angkop na kilalanin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang karapatan ng pitong tribong Dumagat Remontado sa Upper Marikina River Protected Landscape (UMRPL) na bumabaybay sa mga bayan ng Baras, Tanay at Antipolo. “Kung meron may malasakit dito sa kabundukan, kaming mga katutubo iyon kasi dito na kami namulat…

Read More

ROMUALDEZ: MARCOS ADMIN TAGUMPAY SA WEF

DAGDAG na pamumuhunan at mapapasukang trabaho ang layunin ng pagpunta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng kanyang delegasyon sa 2024 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Matagumpay na ipinakita ni Speaker Romualdez sa foreign investors na dumalo sa WEF kung bakit sa Pilipinas sila dapat mamuhunan. Sinabi ni Speaker Romualdez sa foreign investors na ngayon ang tamang panahon upang maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas at ibinida rin nito ang bagong tayong Maharlika Investment Fund (MIF) na siyang…

Read More

IMBESTIGASYON NG ICC HINDI HAHARANGIN

HINDI haharangin ng Department of Justice (DoJ) ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte kung pagkuha ng ebidensya at testimonya ang kanilang pakay. Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, mahalaga na nasusunod ang legal na proseso at walang ilegal na ginagawa ang mga ICC prober. “We’re not here to stop them because if they’re not doing anything illegal, there’s nothing wrong with that,” ani Remulla sa panayam ng international news agency. “If they’re getting statements, they’re getting evidence.…

Read More

PAMBU-BULLY NG CHINA HINDI NAGUSTUHAN NI REP. BARBERS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON MERON ngang kasabihan na sa buhay ng tao, ang lahat ng bagay rito sa mundo ay may hangganan, at bawat hangganan ay may dahilan, nakatakda na kung kailan mangyayari, Diyos lamang ang nakakaalam. Marahil magtataka kayo sa bungad ng aking paksa. Hindi po relihiyon ang ating tatalakayin kundi ang sobrang pagmamalabis ng bansang China sa umano’y kapangyarihan niya sa ibang mga kapitbahay niyang bansa sa Asya. Hindi naman kaila sa lahat na ang China ay isa sa mga masasabi nating maimpluwensyang bansa sa…

Read More

‘DI NAKAGUGULAT

DPA ni BERNARD TAGUINOD PALAGAY ko, walang Pinoy na nagulat nang talunin ng Metro Manila ang 386 siyudad sa buong mundo sa pinakamalalang trapik dahil araw-araw nating nararanasan ang problemang ito na tila wala nang pag-asa. Pang 387 tayo eh. Maging ang transportation officials natin kasama na ang mga nakaraang appointees sa Department of Transportation (DOTr), ay hindi pumalag sa datos ng TomTom International BV. Nahihiya kaya sila? Sabagay karamihan naman sa mga opisyales natin ay kasing kapal na ng adobe ang mukha. Hindi na marunong mahiya pero ang masaklap,…

Read More

PEOPLE’S INITIATIVE TINUTULAN NINA EX-SPEAKER ALVAREZ, REP. DUTERTE

BALYADOR ni RONALD BULA MARIING tinutulan ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte First District Rep. Pantaleon Alvarez ang planong pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. May hinala si Alvarez na ang nasa likod ng People’s Initiative ay mga politiko na nais umanong manatili sa kapangyarihan at kanya ring pinuna ang napaulat na may kapalit na bayad ang pagpirma rito. Si Alvarez ay kilalang tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government. Ipinaliwanag ni Alvarez na kaya siya nagbago…

Read More

ZERO AMUSEMENT TAX HIRIT NG FILM INDUSTRY

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na tapyasan o gawing zero ang amusement tax para makatulong sa mga local filmmaker. “Baka pupuwedeng i-zero na natin. Tulong na natin for the next three years para makabangon naman sila,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos. Ang Amusement tax ay 30% ng gross receipts mula sa admission fee. Ang pahayag na ito ni Abalos ay matapos makipagpulong sa mga executives mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), Regal Films, GMA Films, Viva…

Read More

MAS MARAMING BENEPISYO SINIGURO SA PAG-IBIG MEMBERS

NAKATITIYAK ng mas maraming benepisyo ang mga Pag-IBIG Fund member kasunod ng itinakdang pagdaragdag ng kontribusyon. Ayon sa ahensya, “doubled savings at higher cash loan entitlements” ang matatamasa ng miyembro gayundin ang access sa abot-kayang home loans. Nakatakdang magtaas ang monthly contribution rate ng mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan. Sa ilalim ng bagong monthly contribution rate, ang monthly savings ng Pag-IBIG Fund members para sa share ng mga empleyado at sa mga employer ay tataasan ng P200 kada isa mula sa P100. Sinundan nito ang…

Read More

PEB. 9 IDINEKLARANG NON-WORKING DAY

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang special non-working day sa buong bansa ang Pebrero 9, 2024 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year. Tinintahan ni Pangulong Marcos ang Proclamation 453 nito lamang Enero 18, nagdedeklara ng nationwide holiday para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na ipagdiwang ang Chinese New Year at i-enjoy ang mas mahabang weekend. “The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable…

Read More