PATULOY NA PAGHAHANDA SA EPEKTO NG EL NIÑO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAITALA kamakailan ng Metro Manila ang pinakamababang temperatura na 20.1°C, at mas mababa pa ito sa ibang bahagi ng bansa kagaya ng Baguio na dinarayo talaga ng mga gustong makaranas ng malamig na klima. Dahil na rin sa malamig na panahon na bunsod ng amihan, hindi masyadong pansin ang nararanasang El Niño na nagsimula bandang Hulyo pa noong nakaraang taon. Ayon sa mga eksperto, maaaring tumagal pa ito hanggang buwan ng Mayo. Bagama’t nag e-enjoy pa sa ngayon, kailangan pa ring maging handa ang lahat…

Read More

MANHID TALAGA ANG MGA MARCOS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KINUYOG ng batikos ang pagsakay sa helicopter ni President Ferdinand Marcos Jr. nang manood siya ng “Music of the Spheres” concert ng Coldplay sa Bulacan nitong Biyernes, Enero 19. Patutsada ng ilang netizen, tinalbugan ng “chopper ride” ang concert. Mas pinag-uusapan ang pagsakay kaysa Music of the Spheres. Sa post naman ng isang transport group sa Facebook page nito, dumalo si Marcos sa concert ng Coldplay na 32 kilometro lamang ang distansya mula sa Malacañang sakay ng helicopter. Si Marcos na nagtutulak ng phase-out ng mga…

Read More

PAGLILINAW NI CONG. ERWIN TULFO UKOL SA PEOPLE’S INITIATIVE

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng maingay na usapin ukol sa people’s initiative para sa pagbabago ng ilang probisyon sa Saligang Batas, kailangan nating maging mapanuri at magsilbing bantayog ng katotohanan. Nilinaw naman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na wala itong kinalaman sa anomang direktiba mula sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon sa kanya, hindi ang pera ng taumbayan ang ginagamit para sa kampanya. Ngunit, bagama’t may paliwanag dito si Cong. Tulfo, hindi maikakaila ang pangambang ipinaabot ni Vice President Sara Duterte hinggil sa…

Read More

MAGSASAKA NALULUGI SA MALING KALKULASYON NG DA

EDITORIAL IKINATUWA ng grupo ng nagtatanim ng sibuyas ang ginawa ng Department of Agriculture na itigil ang importasyon ng sibuyas bago ang anihan sa Pebrero. Ngunit, may balitang sa kalsada na ibinebenta ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija ang puting sibuyas. Ang mas lalong nakapanlulumo ay bagsak-presyo na ito. Kailangang magpalugi ng mga magsasaka sa pagdispatsa ng kanilang naani. Sobra ang supply, na pinalala pa ng maraming inangkat na sibuyas. Natutuwa ang mga mamimili dahil mura ngunit umiiyak ang mga magsasaka dahil lugi sila. Huli na ang aksyon ng DA…

Read More

LALAKI PATAY SA TAGA NG KAALITAN

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang pagtatagain ng kanyang nakaalitan matapos nitong balikan upang komprontahin sa Trece Martires City noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Randy” subalit idineklarang dead on arrival. Hawak na ng Trece Martires City Police ang suspek na si alyas “Espinosa” matapos maaresto sa isinagawang follow-up operation. Una rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek dakong alas-11:45 ng gabi sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Umuwi umano ang biktima at nagsumbong sa kanyang nakatatandang kapatid…

Read More

CALL CENTER AGENT PATAY, BACKHOE OPERATOR SUGATAN SA AKSIDENTE

BATANGAS – Isa ang patay at isa ang kritikal ang kalagayan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Batangas Police, nangyari ang unang aksidente dakong alas-10:20 ng gabi sa Barangay Malinis, Lemery, kung saan bumangga ang motorsiklong mimaneho ng 56-anyos na call center agent na si Shawn Al Bello, sa kotseng Honda City na minamaneho ng isang alyas “Ryan”. Ayon sa report, paahon ang motorsiklo at nag-shortcut sa opposite lane, subalit nalito ang driver nang biglang sumulpot ang kasalubong na…

Read More

P.5-M PATONG SA ULO NG ‘KILLER’ NG OIC TSERMAN

LAGUNA – Nag-alok ng P500,000 halaga ng pabuya kapalit ng impormasyon para sa ikaaresto ng mga suspek na pumatay sa acting barangay chairman na si Mario Jun Cogay sa Barangay Canlubang sa Calamba City. Ang nasabing halaga ay mula kay Calamba Mayor Roseller Rizal. Nagsasagawa na ng parallel investigation ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Calabarzon hinggil sa insidente. Magugunitang binaril si Cogay sa harap ng kanyang bahay noong Biyernes ng umaga. Sinabi ni Maj. Nilo Morallos, deputy chief ng CIDG-Calabarzon, isang special investigating team ang binuo para…

Read More

MMDA EMPLOYEE PATAY SA RUSSIAN ROULETTE

TAGAYTAY CITY – Patay ang isang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang umano’y mabaril ang sarili habang lasing at naglalaro ng ‘Russian roulette’ sa lungsod noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Alexander”, ng Barangay Patuto Malaki, Tagaytay City. Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang madiskubre ang biktima na duguan at wala nang buhay ng kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay. Una rito, lasing umano ang biktima habang nilalaro ang gatilyo ng kanyang Taurus caliber 9mm na baril ngunit biglang pumutok…

Read More

KARAMPOT NA GROCERY DISCOUNT SA SENIORS INSULTO – TULFO

INSULTO para kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang katiting na diskwento sa grocery items at pagbitbit ng purchase booklet ng mga senior citizen. Sa isang local radio interview sinabi ng mambabatas, ” P65 lang ang maaaring makuhang discount ng mga senior kahit magkano pa ang total grocery bill nila”. “Para namang binigyan mo lang ng limos sina lolo or lola nyan…malaking insulto!,” ayon pa sa House Deputy Majority Floor leader. Hindi rin natutuwa ang mambabatas na kailangan pang palaging dalhin ng mga senior ang kanilang issued purchase o discount booklet…

Read More