ISUSULONG ng ACT-CIS Party-list ang batas na magbibigay prayoridad sa pagkuha sa trabaho sa mga retiradong uniformed personnel sa mga kumpanya, pribado man o sa gobyerno. Ayon kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, “ang pagha-hire o pagkuha sa mga retired uniformed personnel sa trabaho ay tanda ng pasasalamat ng sambayanan sa kanilang pagseserbisyo sa bayan”. Ayon kay Cong. Tulfo, “hindi matatawaran ang pagsasakripisyo ng mga sundalo natin para masiguro na hindi makababa sa kanayunan ang mga terorista at mga bandido habang ang mga pulis naman ay ang matiyak ang kapayapaan at…
Read MoreAuthor: admin 5
CYBER LIBEL COMPLAINT NG NAGA MAYOR LABAN SA TAGASUPORTA NI EX-VP LENI, DINISMIS NG PROSECUTOR
DINISMIS ng Naga City Prosecutor’s Office ang reklamong cyber libel na inihain ni Mayor Nelson Legacion laban sa isang supporter umano ni dating Vice President Leni Robredo. Ayon kay Prosecutor Ruben Almerol Jr., walang sapat na merito ang reklamo dahil hindi niya nakitaan ng malisya ang naging komento ni Domina Bien Realda sa survey na isinagawa ng “Bagong Bicol” Facebook page ukol kay Legacion. May kinalaman ito sa pagpili sa pagitan nina Legacion at Robredo bilang alkalde ng lungsod para sa 2025 local election. Umalma si Legacion sa naging komento…
Read MoreSM Seaside, your front seat to the ultimate Sinulog experiences.
Step into the heart of Sinulog excitement at SM Seaside, your front seat to the ultimate #AweSMFestival experience. The mall is buzzing with Sinulog energy as it transforms into a vibrant festival destination with lively and colorful gigantic art installations for an all-around visually stunning experience and as the perfect backdrop for unforgettable Sinulog celebration with family and friends. Immersing itself in contemporary creativity, SM Seaside introduces the AweSM Cebu 2024 Artscape. This year’s expansive art installations around the mall offers a modern interpretation on the ‘sulog’, capturing the fluid…
Read MoreRIDER BUMANGGA SA PUNO, PATAY
CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang rider makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa gitna ng center island sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Niño Edmundo Panganiban Barnido, nasa hustong edad, residente ng Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong may plakang 323DAR at binabagtas ang Daang Hari sa Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite patungo sa direksyon ng Aguinaldo Highway. Subalit pagsapit…
Read More2 ARESTADO SA P1.6-M PEKENG SIGARILYO SA BATANGAS
BATANGAS – Nasamsam ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Batangas Provincial Field Unit, Rosario, Batangas Municipal Police Station at ng mga tauhan ng isang cigarette company, ang P1.6 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo sa entrapment operation sa bayan ng Rosario sa nasabing lalawigan noong Huwebes ng tanghali. Naaresto rin sa operasyon ang dalawang suspek na kinilala lamang sa mga pangalang alyas “Mark” at “Ronnie”, kapwa residente ng Brgy. Tulos, Rosario, Batangas. Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon dakong alas-12:00 ng tanghali sa…
Read MoreRIPRAP SA LAGUNA GUMUHO; 1 PATAY, 2 KRITIKAL
LAGUNA – Isang construction worker ang namatay habang dalawa pa ang sugatan nang gumuho ang ginagawang riprap sa bayan ng Liliw sa lalawigan, noong Huwebes ng hapon. Ayon sa report mula sa Area Police Command – Southern Luzon, dakong alas-4:30 ng hapon, nang gumuho ang inilagay na mga bato at lupa sa riprap ng dam na proyekto ng NIA sa ilog sa Purok 6, Brgy. Calumpang. Bunsod nito, natabunan ang tatlong biktima na ikinamatay ng isa sa mga ito na kinilalang si Vijay Estanda Salisod. Nasagip naman ng kanilang mga…
Read MoreP3-M UKAY-UKAY NASABAT NG PCG
TINATAYANG P3 milyong halaga ng ukay-ukay na damit ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Matnog Port sa Sorsogon noong Huwebes. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng paneling inspection ang PCG K9 Team nang mapansin nila ang mga bundle ng ukay-ukay sa loob ng isang sasakyan. Nang hanapan ng dokumento, nabigo ang tsuper ng sasakyan na magpakita kaugnay sa legalidad ng mga ukay-ukay kaya kinumpiska ng PCG ang naturang mga item. Ayon sa PCG, lumabag ang tsuper sa Republic Act No. 4635 na nagbabawal sa importasyon ng “used clothings at…
Read MorePARTISIPASYON SA MASSIVE FUEL TRANSFER NG US, ITINANGGI NG AFP
HINDI umano kailangang magpaliwanag sa taong bayan ang Armed Forces of the Philippine (AFP) hinggil sa kontrobersyal na massive transfer ng military fuel ng Estados Unidos mula sa Hawaii patungo ng Subic. Ito ang naging tugon ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, matapos humingi ng paliwanag sa Department of National Defense (DND) at pamunuan ng Sandatahang Lakas si Foreign Relations Committee Chair Sen. Imee Marcos kaugnay sa napaulat na paglipat ng umano’y 39 milyong galon ng fuel ng US Navy mula sa kanilang Redhill fuel storage facility patungo sa Subic.…
Read MoreDALAGA PATAY SA SUNOG SA TONDO
PATAY ang isang 22-anyos na dalaga makaraang masunog ang ilang kabahayan sa Mayhaligue Street, Estero De Magdalena, Barangay 262 Zone 23, Tondo, Manila, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ashley Lorente, jobless, residente ng nasabing lugar. Base sa ulat ni Senior Fire Officer 4 Erwin Arabis ng San Lazaro Fire Station ng BFP, nagsimula ang sunog bandang alas-3:58 ng hapon at idineklarang fire-out ng dakong alas-4:28 ng hapon. Umabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang Estephanie Ajedo. Patuloy…
Read More