NAIS ni Senador Raffy Tulfo na i-convene ang Joint Congressional Energy Commission (JCEC) upang rebyuhin ang mga posibleng amendment o pagkansela sa prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ito ay kasunod ng isinagawang hearing ng Senate committee on energy kaugnay sa sinasabing paulit-ulit na kapalpakan ng NGCP at hindi nito pagganap sa mga responsibilidad at obligasyon sa pagpapatakbo ng power grid ng bansa. Sa pagdinig ng Senado noong Enero 10, sinabi nina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Gov. Arthur Defensor at Guimaras Gov. Joaquin Nava na apektado…
Read MoreAuthor: admin 5
KONSTRUKSYON SA WPS ‘DI MAHAHARANG NG CHINA
HINDI magpapapigil ang Pilipinas sa pagtatayo ng mga pasilidad sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng China sa Philippine Coast Guard (PCG) at mga Pilipinong mangingisda. Ayon ito kay Makati Rep. Luis Campos Jr., matapos kumpirmahin na naglaan ang Kongreso ng P800 million para sa pagpapatayo ng bagong shelter port sa Lawak Island sa ilalim ng 2024 General Appropriations Law. “The sum for the Lawak shelter port is itemized in the 2024 Maritime Transportation Infrastructure Program,” ayon sa mambabatas at ang Department of…
Read MorePANLILINLANG SA CHA-CHA SIGNATURE CAMPAIGN Imbestigasyon ng Kamara ‘suntok sa buwan’
BAGAMAN walang kasiguraduhan na aaksyon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, naghain pa rin ang Makabayan bloc congressmen na isang resolusyon para imbestigahan ang Charter change (Cha-cha) signature campaign. Interesado ang 3-man Makabayan bloc sa Kamara na imbestigahan ang umano’y panloloko at signature-buying makuha lamang ang 3% ng registered voters sa bawat lugar o probinsya. “Ang dami na naming natatanggap na report tungkol sa panloloko sa pagpapapirma para sa pekeng people’s initiative daw para sa Charter change. Mula Tarlac, QC, Caloocan at Cavite ang ilan sa mga natanggap naming…
Read MoreHOLDAPER SA JEEP SUGATAN SA PARAK
SUGATAN ang isang isang lalaki na nagtangkang holdapin ang isang pampasaherong jeep makaraang barilin sa binti ng isa sa mga operatiba ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, na mabilis na nagresponde nang humingi ng saklolo ang driver sa Ramon Magsaysay Boulevard, Barangay 634, Sta. Mesa, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Ryan”, binaril sa binti ni Police Corporal Tristan Dennis Penetrante nang tangkain siyang undayan ng saksak. Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 nang sumakay ang suspek sa jeep…
Read More2 BARIL, BALISONG NASABAT SA 3 CUSTOMERS NG FASTFOOD
CAVITE – Arestado ang tatlong kalalakihan makaraang makumpiskahan ng dalawang baril at balisong habang kumakain sa isang fastfood restaurant sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ramil”, “Jefferson” at “Mark”, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Kawit Police Station na tatlong kalalakihan ang nakitang may dalang baril habang kumakain sa fastfood restaurant sa Brgy. Magdalo-Putol, Kawit, Cavite. Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang tatlo dakong alas-10:15 ng gabi at kinumpiska ang dalawang…
Read MoreKAYAKER NALUNOD, KASAMANG ASO NAWAWALA
BATANGAS – Nalunod ang isang dalaga habang nagkakayak kasama ng kanyang aso sa dagat sakop ng Brgy. San Teodoro, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Mabini Police, natagpuan ng mga crew ng barkong Island Star M Lines ang wala nang buhay na biktima dakong alas-8:00 ng umaga. Ini-ahon nila ito at dinala sa dalampasigan ng Brgy. Anilao Proper, Mabini. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Loren Catino Maravillo, 40, residente ng Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo, Rizal. Napag-alaman na ang biktima…
Read MoreKAGAWAD NA VIRAL SA DAMI NG ALAHAS TINADTAD NG SAKSAK
ORIENTAL MINDORO – Natagpuang walang buhay at tadtad ng tama ng mga saksak sa katawan ang isang barangay kagawad sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente Central, Calapan City nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Calapan City Police chief, Lt. Col. Danilo Driz, nadiskubre dakong alas-8:30 ng umaga ang bangkay ng biktimang si Dr. Augustine Bolor Jr., alyas “Doc Ting”. Ang biktima ay minsan nang nag-viral sa social media dahil sa napakaraming suot na mga alahas habang nasa isang okasyon. Bukod sa pagiging kagawad, isa ring itong dentista.…
Read MorePASTILLAS QUEEN RUMARAKET PA RIN SA BI
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TULOY ang raket ng tinaguriang ‘Pastillas Queen’ sa Bureau of Immigration (BI). Ito ang impormasyon sa SAKSI Ngayon ng isang mapagkakatiwalaang source. Matatandaang noong administrasyong Duterte ay kinasuhan ang ilang tauhan at opisyales ng BI matapos mabisto ang panunuhol umano ng isang babaeng Chinese national na tinaguriang ‘Pastillas Queen’ upang makapasok ang mga kababayan nito sa bansa. Kabilang sa mga inimbestigahan at kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Lea Wo na nagmamay-ari ng Empire travel agency sa Binondo, Manila. Nabunyag ang suhulan…
Read MoreLIBRENG VIP LOUNGE PARA SA OFWs SA MANILA AIRPORT BUKAS NA
BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., binuksan na para sa overseas Filipino workers (OFW) ang isang 24/7 VIP (very important person) Lounge sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). “Now, our OFWs have a place to call their own in our airports similar to premium lounges being enjoyed by privileged travelers,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. “Ito’y isa lamang sa mga OFWs VIP lounge na ating bubuksan sa mga international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa ating mga…
Read More