NORTH COTABATO – Patay ang babaeng may-ari ng isang restaurant at ang anak nitong lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng establisyemento sa Poblacion, sa bayan ng Pikit sa lalawigan noong Martes ng tanghali. Kinilala ang mag-inang sina Betty Cadulong-Lu at Jonard Lu, 47, mga residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pikit. Ayon sa report ng Pikit Police, nasa loob ng restaurant ang mag-ina at nag-aasikaso sa kanilang mga pagkain nang pumasok ang suspek at pinagbabaril ang dalawa. Mabilis na tumakas ang suspek makaraang maisagawa ng…
Read MoreAuthor: admin 5
VAN NAHULOG SA BANGIN, 4 PATAY
ZAMBOANGA DEL NORTE – Patay ang apat na sakay ng isang Toyota Innova van matapos mahulog sa malalim na bangin sa Sitio Mauswagon, Barangay Gunyan sa bayan ng Siayan sa lalawigan. Ayon sa Siayan Municipal Police, tatlong sakay ang dead on the spot habang ang isa ay pumanaw sa ospital, pawang mga residente ng Barangay Upper Landing, bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur ngunit naninirahan na sa Cebu. Nakuhanan ng video ang pagkahulog ng sasakyan na galing umano sa outing. Nakailang ikot ang sasakyan habang gumugulong pababa sa bangin. Agad…
Read MorePORT OF BATANGAS NAGSAGAWA NG “BAYANIHAN PROGRAM” PARA SA CANCER VICTIMS
BILANG pasasalamat sa buong taon na nakalipas (2023), nagsagawa ng isang gift-giving activity ang Port of Batangas sa pamamagitan ng “Bayanihan program” sa pakikipagtulungan ng Cancer Warrior Foundation, Inc. kamakailan. Ang inisyatiba ay sa pamumuno ni District Collector Atty. Ma. Rhea M. Gregorio upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga kabataan na may cancer. Layunin ng grupo ni Collector Gregorio na makita ang mga ngiti sa labi ng mga may sakit na cancer sa panahon ng Kapaskuhan. Kaugnay nito, sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Batangas…
Read MoreACCOMPLISHMENTS IBINIDA NG BOC-IG SA CONFERENCE
IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG) ang kanilang accomplishments sa isinagawang 4th Quarter Command Conference. Kabilang din sa mga tinalakay ang ‘share best practices, and set targets, plans, and programs for 2024.’ Bilang kinatawan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, inihatid ni Deputy Commissioner of IG Juvymax R. Uy, ang mensahe para sa mga kalalakihan at kababaihan ng Intelligence Group. Partikular dito ang kahalagahan ng kontribusyon ng IG sa pangkalahatang mga nagawa ng bureau at pagkilala sa mga pagsisikap ng grupo sa epektibong paglaban sa smuggling at iba pang klase…
Read MoreSINO SI DAVID TAN NA MATUNOG SA RICE SMUGGLING?
IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO SINO nga ba itong si David Tan na pumutok ang pangalan sa usapin ng smuggling ng bigas sa bansa? Ilang taon na ang nakararaan, nagtakda ang Bureau of Customs (BOC) ng auction sa mahigit 4,600 metric tons ng smuggled rice. Ang bulto-bultong bigas na ito ay nasabat ng BOC sa shipments ng trading firms na nali-link kay David Tan. Dalawang magkahiwalay na auctions na itinakda ng Port of Cebu at Manila International Container Port (MICP), na inaasahang kikita ng tumataginting na P149 milyon ang…
Read MorePEOPLE’S INITIATIVE PARA SA DAGDAG TRABAHO AT OPORTUNIDAD – ROBIN
HINOG na sa panahon upang amyendahan ang Saligang Batas para sa economic reforms gamit ang People’s Initiative o direktang partisipasyon ng taumbayan na isulong ang mga reporma na lilikha ng maraming trabaho at oportunidad sa mga Pilipino. Sinabi ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na kailangan lamang na maging maingat sa proseso upang makuha ang boses ng sambayanan at hindi magamit sa anomang pansariling interes. “Peoples initiative: Vox populi, vox Dei. Ang boses ng taongbayan ay boses ng Dios… Pag-usapan ng matino ang peoples initiative,” ani Padilla, na tagapangulo ng…
Read MoreLOYALTY CHECK SA HANAY NG PNP, ‘DI KAILANGAN
NILINAW kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., na walang pangangailangan na magsagawa pa ng loyalty check sa kanilang hanay. Kasunod ito ng paghahain niya ng pormal na reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa retired army general at vlogger na si Johnny Macanas dahil sa pagdawit sa kanya gayundin kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., sa usapin ng umano’y destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Tiniyak ni Gen. Acorda sa publiko na nananatiling buo at matatag ang suporta ng…
Read MoreSOKOR NATIONAL ARESTADO SA TELECOM FRAUD
ARESTADO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa international airport sa Pampanga ang isang wanted na South Korean national sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU), ang pasahero na si Lee Seunggon, 36, nasabat sa Clark International Airport (CIA) bago pa man ito makasakay sa Philippine Airlines na biyaheng Incheon. Ayon sa BCIU, pinigil ang nasabing Koreano nang napansin ng mga immigration officer ang pangalan nito sa…
Read MorePHIL. ARMY NAGTALAGA NG BAGONG PINUNO SA BAC
MATAPOS na mapili at hirangin, pinanumpa ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang mga bagong talagang chairpersons ng Philippine Army Bids and Awards Committees (PABAC) 2 and 3 sa Punong Himpilan ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Taguig City. Kasabay nito ang pagbibigay ng pagkilala sa dalawang immediate past heads ng Army BAC. Pinagkalooban ni Gen. Galido ng command plaques sina retired Brig. Gen. Alvin V. Flores, ang immediate past chairman ng PABAC 2, at Brig. Gen. Benjamin L. Hao, chairman naman ng PABAC 3. Habang…
Read More