LOKOHAN NA SA CHA CHA

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG ang mga impormasyon mula sa ground ang pagbabasehan, hindi lang parang kundi niloloko na ang mga botanteng Pinoy lalo na ‘yung mga (sorry sa word) mangmang o uneducated nating mga kababayan. Isiniwalat ni Congressman Edcel Lagman na may bayad daw na P100 ang bawat botante na lalagda sa form na ilang linggo nang kumakalat sa mga liblib na lugar sa ating bansa at marami na raw ang pumirma. Pero may mga lugar daw na ang sinasabi sa mga tao ay survey lang at ‘yung iba…

Read More

SIM REGISTRATION WA EPEK SA MGA MANDOROBO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KAYO rin ba ay patuloy na nakatatanggap ng mga text na nag-aalok ng kung ano-ano mula sa numerong hindi ninyo kilala? Dumarami na naman ang reklamo dahil sa kabila ng implementasyon ng gobyerno at telcos sa SIM Card Registration ay nagpapatuloy ang ganitong modus. Marami pa ring subscriber ang patuloy na nakatatanggap ng scam at spam messages. Matatandaan na base sa datos ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang online scams ang nangunguna sa top 10 cybercrime cases ng Philippine National Police. Hindi na nakukuntento ang mga scammer…

Read More

KITAAN SA MODERN JEEPNEY NABUKING? KAMARA MAG-IIMBESTIGA

PUNA ni JOEL O. AMONGO MUKHANG magkakatotoo na nga ang ating hinala na kaya ipinupursige ng ilang mga opisyal ng gobyerno ang pagpapalit ng modernong dyip sa mga tradisyunal dyip ay dahil malaki ang kitaan dito. Ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nagpahayag na iimbestigahan nila ang umano’y katiwalian o sabwatan ng mga dati at kasalukuyang transport officials sa pag-import ng mga mamahaling sasakyan na ipapalit sa tradisyunal dyip na isinusulong ng gobyerno. Sa pahayag ni House Committee on Transportation Chairman at Antipolo Congressman Romeo Acop, hindi dapat ipagwalang-bahala ang…

Read More

NAGPONDO SA PRO-CHA-CHA TV ADS HUHUBARAN NG MASKARA

(BERNARD TAGUINOD) INTERESADO ang mga militanteng mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaman kung sino ang gumastos sa isang pro-Cha-cha (Charter change) ads na nagsimula nang umere sa mga telebisyon. Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, maghahain ang mga ito ng resolusyon para hubaran ang mga tao o grupong nasa likod ng ganitong TV ads na hindi aniya biro ang gastos lalo na sa pag-ere nito sa broadcast media. “Were the funds used for this ad from public coffers or money from…

Read More

PHL-INDONESIA LUMAGDA SA MOU SA ENERGY COOPERATION

KAPWA nilagdaan ng Pilipinas at Indonesia ang Memorandum of Understanding (MOU) ukol sa energy cooperation, naglalayong tiyakin ang energy security ng dalawang nasabing bansa. Nagpalitan sa pagpirma sa MOUs sina Foreign Affairs Minister Enrique Manalo at Indonesian Foreign Affairs Minister Retno Marsudi sa presensya nina Pangulong Ferdinand Marcos Marcos at President Joko Widodo sa President’s Hall sa Palasyo ng Malakanyang. Si Widodo ay nasa bansa para sa three-day official visit. Sa idinaos na joint press briefing kasama si Widodo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang MOU ay bunga ng matagumpay…

Read More

‘DIRTY POLITICS’ SA LIDERATO NI ROMUALDEZ Pinalagan ni Duterte

Tinawag naman ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte na “PI” ang People’s initiative na inilarga ng administration congressmen para amyendahan ang 1987 Constitution. Kasabay nito ang kanyang pagkondena sa aniya’y maruming pulitika ng kanyang mga kasamahan sa Kamara. “This so-called people’s initiatives for charter change is nothing but pure PI,” ani Duterte na kinumpirma rin ang pangangalap ng lagda sa Davao City sa pangunguna umano ni PBA Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles. Hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Nograles sa alegasyong…

Read More

PUJ DRIVERS HUHULIHIN SIMULA PEBRERO 1

(BERNARD TAGUINOD) HINDI na papayagang bumiyahe ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep simula Pebrero 1 ngayong taon kapag hindi pa rin nag-consolidate ang mga ito hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan. Ito ang kinumpirma mismo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz II sa pagdinig ng House committee on transportation ukol sa umano’y katiwalian sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). “Hindi na po sila makakabiyahe yung mga operators na hindi magconsolidate,” ani Guadiz na napilitang umamin matapos sitahin ni Antipolo Rep. Romeo Acop, chairman ng nasabing…

Read More

BICOL SOLONS WAKWAKAN NA SA CHA-CHA

SUMAMBULAT na ang hidwaan ng mga mambabatas na Bicolano dahil sa People’s Initiative na isinusulong ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para amyendahan ang 1987 Constitution at itali ang kamay ng mga senador. Kamakalawa ng gabi ay sinupalpal ni Albay Rep. Edcel Lagman si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House committee on appropriations, matapos itanggi ng una na ang P12 billion na isiningit ng Bicameral Conference committee sa budget ng Commission on Elections (Comelec) ay para sa Cha-cha. “Rep. Elizaldy Co, Chairman of the House committee…

Read More

9 TULAK LAGLAG SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang siyam na hinihinalang tulak matapos makumpiskahan ng mahigit P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang Imus City Police sa Brgy. Anabu 1-E, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Michael” at “Ricardo” at nasamsam ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000. Dakong alas-9:30 naman ng gabi noong Martes nang madakip sa buy-bust operation ng City Drug…

Read More