BIYUDA TUMALON MULA 7TH FLOOR NG CONDO

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang 62-anyos na biyuda makaraang umanong tumalon mula sa ika-17 palapag ng isang condominium sa Sta .Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si “Elsa”, residente sa isang condominium sa Barangay 350, Sta. Cruz, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:35 ng hapon nang iulat sa kanilang himpilan ang hinggil sa insidente. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng hapon, kumain ng tanghalian ang ginang…

Read More

TUCP backs Pag-IBIG’s plan to increase rates, improve members’ benefits

The Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) has expressed its support to Pag-IBIG Fund’s plan to increase the nearly four-decade old mandatory monthly savings rate for both members and their employers starting January 2024. In its letter to Pag-IBIG Fund, the TUCP reiterated its position in 2019 supporting the agency’s planned increase. The trade union is one of the country’s largest labor organizations and is composed of 27 labor federations representing workers in the private and public sectors, seafarers, Overseas Filipino Workers (OFWs), and workers from the informal sector.…

Read More

BAJAJ RE, KAPARTNER MO SA TAGUMPAY NGAYONG 2024

Bagong taon, bagong tsansa upang umasenso! Ang bagong ka-partner mo tungo sa pag-asenso sa buhay ngayong 2024 – Bajaj Three-wheelers. Narito ang ilan sa mga success stories ng mga Ka-Bajaj mula sa iba’t ibang dako ng Pinas: Ang Number 1 sa Pasay | Ang dating multicab capital ng NCR, Bajaj RE capital na ngayon dahil isang kooperatiba mula sa Pasay City ang eksklusibong sumubok sa Bajaj RE! Napabilib ang Leveriza-Pasay Transport Service Cooperative sa furniture-feel ng ergonomic seats na mas kumportable kahit abutan ng traffic. Kaya, higit 70 members na…

Read More

KUMAKATOK MULI ANG COVID-19 SA ATING KAPALIGIRAN

MY POINT OF BREW ni JERA SISON UNA sa lahat, nais kong bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Harinawa’y mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa Pilipinas ngayong 2024. Tamang tama ang paksa na pag-uusapan natin ngayon. Ako ay hindi nakapagsumite ng kolum ko noong nakaraang linggo at nitong Martes. Medyo masama ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko noong ika-23 ng Disyembre. Sabi ko nga sa sarili ko ay kung bakit sa mga panahon na iyon ay tila magkakasakit ako, dalawang araw bago mag-Pasko.…

Read More

LABANANG MAKATI VS TAGUIG LGUs, TAUMBAYAN ANG KAWAWA!

RAPIDO ni PATRICK TULFO KAMAKAILAN nga ay tuluyan nang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga health center at lying-ins sa 10 EMBO barangays. Ito ay kasunod ng paglipat ng hurisdiksyon ng 10 barangay (Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside at Southside) sa ilalim ng Taguig City. Ayon sa mga opisyal ng Makati LGU, matagal na raw alam ng Taguig LGU na ipasasara nila ang health centers at lying-ins dahil kinakailangan daw nitong magsumite ng mga bagong rehistro sa ilalim na ng…

Read More

CAMARINES NORTE, UNA KAY GOV. DONG PADILLA

TARGET ni KA REX CAYANONG MALAPIT nang masaksihan ng mga taga-Camarines Norte ang operasyon ng Integrated Manufacturing Facility ng Francisco Electric Modern Jeepney. Ang proyektong ito ay nagdadala ng masusing pag-aaral at malasakit sa kaunlaran ng lugar. Ang pagsilang ng planta ay nagbubukas ng pintuan para sa mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan doon. Hindi lamang ito magdudulot ng trabaho, kundi magbibigay rin ito ng pagkakataon na mapabilang ang CamNorte sa mga lalawigan na may maunlad na lokal na ekonomiya. Ang pagtataguyod sa proyektong ito ay nagbibigay ng…

Read More

MARCOS ADMIN ‘WAG PURO ‘DRAWING’ – KOKO

PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno na gawing realistic ang mga target nitong accomplishment para sa kapakanan ng taumbayan. Sinabi ni Pimentel na ngayong halos dalawang taon na ang Marcos administration, marami na ang naghahanap ng katugunan sa ipinangako nitong P20 kada kilo ng bigas at milyun-milyong housing projects para sa mahihirap. Iginiit ng senador na mas makabubuting realistic target ang gawin ng administrasyon sa mga susunod pang taon at huwag ang mga ipinangakong datos noong ito ay nangangampanya pa lamang. Payo pa ng mambabatas na maging…

Read More

Pilipinas lubog pa rin sa utang ‘MARCOS VLOGGERS’ SUPALPAL SA SOCMED

KONTI na lang, bayad na ang Pilipinas sa utang. Iyan ang ikinakalat ngayon sa social media partikular sa TikTok ng mga sinasabing ‘admin vlogger’ na may pahabol na “Proud of you Mr. President BBM!” Gayunman, nasupalpal ang mga ito nang maglabas ng paglilinaw ang dating Undersecretary ng Department of Finance (DOF) na si Cielo Magno na sinang-ayunan naman ng nakararaming netizens. Ayon kay Magno, misleading ang ikinakalat na balita na halos nabayaran na ng gobyerno ang utang ng bansa noong 2023. Paglilinaw ni Magno, ang tinutukoy na programmed debt ng…

Read More

TSUPER, OPERATORS MABUBUSALAN SA PUVMP

MAWAWALAN ng boses ang mga tsuper at operators sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil bubuwagin na ang kanilang asosasyon sa ilalim ng nasabing programa. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya hindi na maaaring makapagreklamo ang mga tsuper at operators ng mga pampasaherong jeep na karaniwang idinadaan sa transport strikes. “Ginawan nila ng paraan na magkaroon ng jeep para mapakain ang kanilang mga pamilya nang walang tulong mula sa gobyerno. Bago pa ang PUV modernization program, mayroon na silang mga sariling grupo at…

Read More