SA gitna ng nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas, nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang makapagtayo ng mga kinakailangang imprastraktura para matiyak ang maayos na suplay ng kuryente sa bansa. Kasabay nito, nanawagan ng imbestigasyon si Speaker Romualdez sa naganap na power outage sa Western Visayas na nagsimula noong Enero 2 at nagtagal ng ilang araw upang mahanapan na ito ng solusyon. “This event has highlighted critical issues in our power infrastructure, impacting numerous businesses, industries, and the…
Read MoreAuthor: admin 5
Bayad sa gamutan sobrang mahal HOSPITAL PARA SA MGA ASO SA QC INALMAHAN
UMALMA ang isang dog owner sa umano’y sobrang mahal maningil ng isang dog hospital sa Quezon City para sa gamutan ng kanilang alagang aso. Sa sumbong na ipinarating sa diaryong ito ay nagngingitngit na ipinakita ng isang abogado ang “hospital bill” para sa confinement ng maysakit na aso ng kanyang kliyente. “Apat na araw lang pero umabot ng mahigit P35,000 ang pinababayaran sa amin para sa sinasabi ng taga-ospital na mga gamot, pagkain at iba pang gamit sa gamutan ng aming aso,” pahayag ng abogado na nagsabing inihahanda na nila…
Read MoreIde-deploy sa West Philippine Sea SASAKYAN BUMALIKTAD, 8 PCG CREW MEMBERS SUGATAN
SUGATAN ang walong Philippine Coast Guard (PCG) crew members na nakatakdang i-deploy sa West Philippine Sea (WPS) matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan sa Barangay Labog, Sofronio Española sa Southern Palawan. Sinabi ni Capt. Dennis Labay, PCG District Palawan commander, ang nasabing crew members ay bahagi ng three-vehicle convoy na patungong Buliluyan Port sa Batazara para sa deployment sa Kalayaan Island Group. Ayon kay Labay, agad na tumugon ang mga serbisyong pang-emergency, tiniyak na ang mga nasugatan ay madala sa Sagrado Hospital sa Brooke’s Point. Sinabi ni Labay, susuriin nilang muli…
Read MoreRETIRADONG SUNDALO PINATAY, INILIBING SA KANYANG BAKURAN
RIZAL – Bunsod ng masangsang na amoy na inireklamo ng mga kapitbahay, nadiskubre ng mga awtoridad ang bangkay ng isang retiradong sundalo na pinatay at inilibing sa mababaw na hukay sa kanyang mismong bakuran sa Talim Island, Purok 1, Brgy. Habagatan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigan. Noong Huwebes ng hapon nang matuklasan ng barangay officials ang nangyaring krimen at agad ini-report sa pulisya. Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nahukay ang labi ng biktimang si Rodolfo Lirio sa kanyang bakuran. Lumabas sa imbestigasyon na noong Disyembre 26 nang makaaway…
Read MoreMAG-AMA PATAY SA PANANAGA NG EX-MANUGANG
QUEZON – Patay ang isang 67-anyos na lalaki at ang kanyang anak na binata matapos pagtatagain ng dating manugang sa Sitio Bulagsong, Brgy. Sta. Rosa, sa bayan ng Mulanay sa lalawigan noong Huwebes. Dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Dominador Constantino na nakabulagta sa kusina ng kanilang bahay. Nakita naman ang bangkay ng anak nito na si Rodelio Constantino, 27, sa katabing bahay na halos 200 metro lamang ang layo sa bahay ng ama. Kapwa sa leeg ang tama ng mag-ama na agad nalagutan ng…
Read More2 LADY BOARDERS PATAY SA KASERO
DAVAO CITY – Patay ang dalawang lady boarders matapos saksakin ng biyudong kasero sa kanilang boarding house sa Barangay 2-A sa lungsod noong Huwebes ng umaga. Duguan at wala nang buhay na nakahandusay sa kanilang kuwarto nang madatnan ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Cora Andagit, 20, at Jazel Joy Indoy, 15, parehong taga Brgy. Salumay sa Marilog District. Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police, ang isa sa mga biktima ay walang saplot na pang itaas. Kapwa may mga tama ng saksak sa dibdib…
Read MoreLALAKI KALABOSO SA BOMB JOKE SA SIMBAHAN
NAHAHARAP sa multang P40,000 at limang taong pagkabilanggo ang isang 47-anyos na lalaki makaraang magbiro na may bomba sa loob ng simbahan ng Quiapo, Manila na kinaroroonan ng Itim na Nazareno nitong Biyernes. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, ang suspek na si Dennis Garcia ng Barangay Talipapa, Quezon City. Ayon kay Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Bunsod nito, nagpasaklolo ang isang nakatalagang security guard na…
Read MoreNGCP HINDI NAGKULANG SA TUNGKULIN SA PAGSUSUPLAY NG KURYENTE
HINDI nagkulang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanyang mandato magmula sa trasmission ng kuryente mula sa mga producer patungo sa mga grid-connection sa bansa. Ayon sa pahayag ng NGCP, bilang isang transmission service provider ay maari lamang silang magbigay ng overview ukol sa kasalukuyang supply at demand ng sitwasyon at may tiyak na maipagkaloob ang lahat ng posibleng suplay ng kuryente. “We reiterate our earlier pronouncements that there was no transmission disturbance before the tripping of the PEDC Unit 1 (83MW) at 12:06PM. After this event,…
Read MoreP136K SHABU NASABAT SA HVI
CAVITE – Umabot sa halagang P136,000 ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Sob”, ng Malagasang 2-G, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:55 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus Component City Police Station sa Brgy. Malagasang 2-G, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa…
Read More