CLICKBAIT ni JO BARLIZO ISA sa pinakamahalagang tanggapan ng pamahalaan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ipinamalas ng kagawaran ang bangis kontra sa mga pabrikang may ambag sa polusyon, bagsik kontra sa mga ganid na negosyanteng sumisira sa kagubatan, ilegal na pagmimina at iba pang mapaminsalang aktibidad. Ang malawak na saklaw ng mandato ng naturang kagawaran, ay hindi limitado sa pagsupil sa mga sumisira sa kalikasan. Parte ng mandato ng kagawaran ang pagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman. Noong umupo si Maria Antonia Yulo-Loyzaga bilang Kalihim,…
Read MoreAuthor: admin 5
ARTIFICIAL INTELLIGENCE: PROTEKSYON O PANGANIB?
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, naglalatag ng malinaw na hakbang ang House Bill 9448 o Protection of Labor Against Artificial Intelligence Automation Act. Ang bill ay inihain ni Quezon City Representative Juan Carlos “Arjo” Atayde. Sinasabing layon ng panukala na tiyakin ang maayos at makatarungang paggamit ng artificial intelligence (AI) at automation systems sa larangan ng paggawa. Sa ilalim ng nasabing panukala, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng AI o automated system bilang basehan sa pagpili o pagtanggal ng mga empleyado. Ang…
Read MoreGEN. QUESADA NANUNGKULAN BILANG REGIONAL DIRECTOR NG PRO MIMAROPA
BALYADOR ni RONALD BULA SA isang simpleng seremonya na minarkahan ng panibagong pangako at dedikasyon, buong pagmamalaking sinalubong ng Police Regional Office MIMAROPA ang ika-19 na Regional Director, na si Police Brigadier General Roger Laroza Quesada na ginanap sa Hinirang Hall sa Camp BGen Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-22 ng Disyembre 2023. Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin C. Acorda Jr., ang kaganapan bilang presiding officer, na nagdagdag ng kahalagahan sa napakahalagang okasyon. Sa kanyang inaugural message, nangako si PBGen. Quesada na…
Read MoreBAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA
EDITORIAL NASA 60 porsyento ng mga Pilipino na tumugon sa isang survey, ang naniniwalang hindi magandang taon ang 2023 para sa kanila at sa kanilang pamilya. Gayunman, karamihan o halos 86 porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang maganda ang kapapasok na taong 2024. Kung pagbabatayan ng pamahalaan ang survey, kailangan nitong silipin kung ano ang mga dahilan ng masamang taon. Ano ang mga isyu at kontrobersiyang nangyari na dapat resolbahin agad sa kaagahan ng 2024. At kung ano ang nakikita o nararamdaman ng mga Pinoy sa pagsasabing hindi magiging masama…
Read MoreCONSIGNEE HULI SA P56.069-M SHABU SA CAVITE
HULI sa pinagsamang operasyon ng Bureau of Customs-Port of Clark, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), X-ray Inspection Project (XIP), Enforcement and Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang consignee ng 8,126 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P56,069,400 ang halaga sa Cavite kamakailan. Sa isang derogatory information mula sa PDEA, ang nasabing shipment ay naging pakay para sa rigorous X-ray screening at K9 sniffing dahil sa indikasyon ng posibleng presensya ng illegal drugs. Ang physical examination ay nagresulta sa pagkakatuklas…
Read MoreP103.1-M SHABU NASABAT SA BOC-CLARK
UMABOT sa P103.1 milyong halaga ng umano’y shabu ang matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark kamakailan. Minarkahan bilang kahina-hinala ng port’s X-ray Inspection Project, ang tatlong parcels na deklarado bilang “brochures” na nagmula sa Texas, Pennsylvania, at Illinois, USA na dumating noong Disyembre 18, 2023, at isinailalim sa K9 sniffing kasunod ang physical inspection. Matapos ito ay natuklasang ang plastic pouches ay naglalaman ng white crystalline materials na hinihinalang shabu. Sa PDEA chemical laboratory analysis ay nakumpirma na ang substances ay methamphetamine hydrochloride, o…
Read MoreBAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO BAGONG taon, bagong pag-asa para sa lokal na mga magsasakang Pinoy ang pagpasok ng taong 2024. Kaya nga lang, ang pag-asang ito ay napapalitan ng bagong pangamba dahil tuwing sasapit ang Ber months (September, October, November at December) ay simula na rin ang pagdagsa ng smuggled na agri-products. Ito rin kasi ang panahon ng paglakas ng pangangailangan o demands ng agri-products dahil sa preparasyon sa pagdating ng holiday seasons o Kapaskuhan. Kaliwa’t kanan ang mga handaan, nariyan na ang mga Christmas party, reunion ng…
Read MoreMuling ipinakita ni Ms. Rodriguez PAGMAMAHALAN AT PAGBIBIGAYAN SA PAGTATAPOS NG 2023
MULING ipinakita at pinatunayan ni Ms. Virginia Rodriguez na ang pagbibigay ay hindi nangangailangan ng tamang panahon, oras o lugar. Ayon kay Ms.Rodriguez, sa bawat sandali ng ating buhay, ang pagtulong ay dapat laging mamalagi sa ating puso at isipan. “Ito ang aking laging panuntunan sa buhay ang tumulong sa mga less fortunate nating mga kababayan” ani Ms.Rodriguez. Nitong nakalipas na Disyembre 28 at 29 o pagtatapos ng taong 2023, ginugol pa rin ni Ms.Rodriguez ang mga importanteng oras sa pagtulong sa mga kababayan sa Mindanao. Muling nagpasaya at namahagi…
Read MorePAGSIPSIP SA CHINA HINDI TRABAHO NG DEPED SEC – EX-SOLON
PINATUTSADAHAN ni dating Akbayan Partylist Rep. Barry Gutierrez si Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd) dahil sa sinasabing pagbibigay-pugay nito sa China pero nananahimik sa panghaharass na ginagawa nito sa West Philippine Sea na wala umanong kinalaman sa kanyang trabaho bilang Education Secretary. Kasabay nito’y inilatag ni Gutierrez ang mga responsibilidad ng isang kalihim ng DepEd na mukha aniyang hindi nito nagagawa ang kanyang trabaho na tugunan ang krisis sa edukasyon ng bansa. “Ang hindi kasama sa trabaho ng DepEd Secretary: Makialam sa…
Read More