(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG kinantyawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa pagsasabing ang manifesto ng mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) ang dahilan kaya pinalaya sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy. Matatandaang ikinulong ang dalawang host ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa Batasan Pambansa Complex matapos ma-contempt. Sa isang video na pinost sa social media nitong Disyembre, nagsalita si Duterte na inaasahan na niyang magre-react ang mga retiradong sundalo sa nangyari kina Badoy at Celiz. Ang reaksyon aniya ng mga…
Read MoreAuthor: admin 5
PAGPAPATUPAD NG RIGHTSIZING SA NATIONAL GOVERNMENT, NAPAPANAHON – SEN VILLANUEVA
SA layuning mapaganda pa ang serbisyo ng gobyerno, iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan ng rightsizing o pagsasaayos sa bilang ng mga empleyado sa national government. Layon ng Senate Bill 2502 o ang proposed National Government Rightsizing Act ni Villanueva na matiyak ang tamang paggalaw ng mga ahensya ng gobyerno. Kasama rin sa panukala ang pagpapaubaya sa pribadong sektor o sa mga lokal na pamahalaan ng mga gawain o programa na kaya nilang gawin at hindi na kailangan ng pagkilos ng national government. Nakasaad din sa panukala…
Read MoreAWAY SA LUPA TINAPOS SA BARILAN, MAG-AMA PATAY
TAYABAS CITY – Tinapos ng magkapatid ang matagal nang alitan ng kanilang mga pamilya hinggil sa pag-aagawan sa lupa sa pamamagitan ng pamamaril na nag-iwan ng dalawang patay noong hapon ng bagong taon. Ayon sa report ng Tayabas City Police, nangyari ang insidente noong alas-5:00 ng hapon sa Barangay Isabang sa lungsod. Lumabas sa imbestigasyon, matapos mag-inuman sa kanilang bahay, dinayo ng pamilya ng suspek na kinilalang si Armando Ormacido, sa bahay ang kanyang nakababatang kapatid na si Elgelito Ormacido, 64-anyos. Kasama ni Armando ang kanyang mga anak at pamangkin…
Read MoreSEKYU UMAWAT SA AWAY, NAPATAY
CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap ang tatlong kasamahan nito na pinagtulungang patayin ang isang security guard na nagtangkang umawat sa kaguluhan sa bayan ng Silang noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Angelo”, 35, isang construction worker, habang tinutugis ang mga kasamahan nito na sina alyas “Jonjon”, “Patrick”, at “Flores”, na tumakas matapos ang insidente ng pagpatay kay Joel Escaros y Baclayon, 38, at pagbugbog kay Jaymark Vera Y Gabuso, 25-anyos, kapwa ng Silang, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph…
Read MoreP1-B SA BICYCLE LANES
UPANG makahikayat ng mas maraming magbibisikleta, binigyan ng Kongreso ng isang bilyong piso ang Department of Transportation (DOTr) para sa kanilang Active Transport and Safe Pathways Program (ATSPP). Ito ang kinumpirma ni House committee on Metro Manila Development vice chairman Rep. Marvin Rillo na umaasang agad gagamitin ang nasabing pondo ng ahensya para sa proteksyon ng bikers. “In the 2024 General Appropriations Law, we bumped up to P1 billion the budget for bicycle lanes with durable physical separation from mixed traffic lanes,” ayon sa mambabatas lalo na’t may problema pa…
Read More3 PULIS, 10 PA KINASUHAN SA INDISCRIMINATE FIRING
UMAABOT sa 13 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng Philippine National Police habang walong firearms ang kanilang nakumpiska kaugnay sa nakalipas na selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon sa ulat ng PNP, nakapagtala sila ng 13 kaso ng illegal discharge of firearms, at arestado ang lahat ng mga sangkot kabilang ang tatlong tauhan ng pulisya, na nahaharap sa administrative cases at posibleng masibak sa serbisyo. Sinasabing nanganganib na maalis sa serbisyo ang tatlong pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril bago mag-Bagong Taon. Ayon kay PNP Public Information…
Read More13K PULIS IKAKALAT SA TRASLACION 2024
PINAGHAHANDAAN din ng Philippine National Police ang gaganaping Pista ng Black Nazarene sa Enero 9, 2024 para matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng inaabangan Traslacion 2024 na inaasahang dadagsain ng milyong deboto matapos ipatigil ito sa loob ng tatlong taon. Kabilang sa paghahanda sa seguridad ay magtatalaga ang PNP ng mahigit 13,000 pulis na ipakakalat para sa pagbabantay sa inaabangang prusisyon ng Itim na Nazareno kasabay sa kapistahan ng Quiapo. Ayon kay Philippine National Police chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., target nitong mag-deploy ng kabuuang 13,691 mga pulis bilang paghahanda…
Read MoreLALAKI NAHULOG MULA SA GUSALI, PATAY
BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng hindi pa kilalang lalaki makaraang mahulog mula sa isang gusali sa Tomas Claudio Street, malapit sa Zamora Interlink sa Pandacan, Manila noong Lunes ng madaling araw. Tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima, may taas na 5’0 hanggang 5’4, at malaki ang pangangatawan. Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Paul Rojo kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ng isang Ronald Patrimonio, 44, jeepney driver, ang duguang biktima.…
Read More2023 HITIK SA KAPALPAKAN NG MARCOS ADMIN
MAGMULA nang maupo bilang pangulo ng bansa si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay maraming kontrobersya at kapalpakan ang nangyari sa kanyang administrasyon. Hindi nakaligtas ang mga ito sa pagpuna ng mamamayan lalo na ang mga bumoto sa kanya sa nakaraang eleksyon na tila nagsisisi na siya ang piniling iluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Aberya sa NAIA Sa unang araw pa lang ng 2023, nakaranas ng aberya ang 56,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Hindi maipaliwanag ang pagkakaroon ng technical glitches na naging dahilan para ma-shutdown ang…
Read More