BALYADOR ni RONALD BULA IPINAALALA ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kay Vice President Sara Duterte na ang amnesty proclamation na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay pagpapatuloy lamang ng programa na ipinatupad ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Binanggit ito ni Paduano sa pagdinig ng House Committee on Justice at Committee on National Defense and Security bilang tugon sa mga pahayag ni VP Sara laban sa amnesty proclamation na inilabas ni Pangulong Marcos. Sa naturang pagdinig ay pinagtibay ng dalawang komite…
Read MoreAuthor: admin 5
PANAHON NG PAGBIBIGAYAN
EDITORIAL SA panahong nagniningning ang diwa ng pagbibigay ay muling sumingit ang panawagan ng DSWD sa publiko na huwag limusan ang mga pulubi o mga pamilyang nakatira sa mga lansangan ngayong Kapaskuhan. Ito ay taliwas sa maluwalhati at akto ng kagandahang-loob at bukas-palad na gustong bigyan ng pagkakataon ng mga maawain para sa kapuspalad. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may mga satellite office sila sa iba’t ibang bahagi ng Metro Metro na tumatanggap ng donasyon para sa mga pamilyang nasa lansangan. Panawagan ni Gatchalian, ang kagandahang-loob ay puwedeng gawin…
Read MoreZUBIRI, UMAASANG WALANG IVEVETO NA PROBISYON SI PBBM SA PANUKALANG 2024 BUDGET
UMAASA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na tatanggapin ng Malakanyang ang inaprubahan nilang panukalang 2024 national budget. Una nang kinumpirma ni Zubiri na may imbitasyon na ang Malakanyang para sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa proposed 2024 national budget sa Miyerkules, December 20. Bagama’t nasa kapangyarihan anya ng Pangulo ang magsagawa ng line item veto ay umaasa siyang mananatili ang mahahalagang probisyon na kanilang inilagay sa panukalang budget. Sa ngayon anya ay tiyak na abala ang tanggapan ng Pangulo sa pag-aaral sa inaprubahan nilang panukalang budget.…
Read MoreRENEWABLE ENERGY INDUSTRY INILAKO NI BBM SA JAPAN
INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy industry at emerging technologies sa Pilipinas. Nanawagan si Pangulong Marcos sa isinagawang AZEC Leaders’ Meeting sa Tokyo, Japan kung saan ipinakilala nito ang “energy efficiency at conservation measures” ng bansa. Aniya, sasapi ang Pilipinas sa AZEC Partners ”to accelerate a clean, sustainable, just, affordable, and inclusive energy transition towards carbon neutrality, or net-zero emissions.” “We welcome this timely initiative to tackle climate change as a common global challenge and advance cooperation towards carbon neutrality/net-zero…
Read MoreGastos sa mga byahe ‘di pa rin nababawi P14.5-B PLEDGES SA JAPAN TRIP NI BBM ‘DI BUMENTA
SA halip pagbati at papuri, kantyaw ang tugon ng netizens sa ibinida ng Malakanyang na P14.5 billion investment na bunga umano ng biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan. Ayon sa ulat nitong Lunes, ang P14.5 billion ay kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan. Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng trade officials na ang investments commitments ay maaaring makalikha ng 15,750 job opportunities. “I am delighted to know…
Read MoreP150 PANUKALANG DAGDAG SAHOD POSIBLENG LUMUSOT
POSIBLENG maipasa na ng Senado sa buwan ng Pebrero ang panukalang P150 legislated wage increase. Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri makaraang kumpirmahin na natapos na ng Senate committee on labor ang committee report sa mga panukalang dagdag sahod sa pribadong sektor. Ayon kay Zubiri, posibleng sa pagbabalik nila ng sesyon sa Enero 23 ay maisponsoran na sa plenaryo ang committee report sa panukala upang kanilang matalakay. At pagsapit anya ng Pebrero ay posibleng maaprubahan na ito ng Senado. Ang pahayag ay ginawa ng Senate leader…
Read MoreCOMELEC PINASASAGOT SA PETISYON NG SMARTMATIC
PINASASAGOT ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon ng Smartmatic, ang service provider ng automated election sa bansa. Bukod sa Comelec, inatasan din magpaliwanag ang mga respondent na sina dating DICT Commissioner Eliseo Mijares Rio Jr., dating Comelec Commissioner Augusto Cadeliña Lagman, Franklin Fayloga Ysaac at Leonardo Olivero Odoño sa petisyon. Mahigpit ang utos ng Korte Suprema sa mga respondent na isumite ang kanilang komento sa loob ng sampung araw. Sínabi ng Kataas-taasang Hukuman na hindi palalawigin ang petsa ng paghahain ng paliwanag. Kailangang personal na isumite…
Read MoreLIBONG PASAHERO STRANDED KAY ‘KABAYAN’
LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa Central Visayas nang kanselahin ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa Bagyong Kabayan. Sinabi ni Commander Mark Mariano ng Philippine Coastguard Central Visayas, mayroong higit sa 300 pasahero ang natengga sa iba’t ibang terminal. Samantala, mayroong 41 rolling cargoes at 31 na sasakyang pandagat ang pansamantalang inilagay at sumilong muna sa mga ligtas na lugar. Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga ito. Ang lahat ng mga probinsiya sa…
Read MorePUBLIKO PATULOY NA PINAG-IINGAT SA BAGYONG KABAYAN
PATULOY na pinag-iingat ng Office of Civil Defense ang publiko sa epekto ng Bagyong Kabayan partikular sa mga lugar na dadaanan pa nito. Bagaman’t bahagyang humina ang bagyo matapos na mag-landfall ito malaking bahagi ng Mindanao kahapon, nagbabala ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at maging ang PAGASA, na nanatili pa rin ang banta ng landslides at mga pagbaha. Nabatid na isang lalaki ang iniulat na nawawala na posibleng tinangay ng agos sa biglang paglaki ng Casaoman River habang nangunguha ng lumutang na mga niyog.…
Read More