BALYADOR ni RONALD BULA PINAG-IISIPAN sa ngayon ng gobyerno ang panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresita Daza na kapag nasa pwesto na ang isang ambassador, ibig sabihin ay tinanggap siya ng accrediting host government. Paliwanag ng kalihim, maaari lamang itong maging subject ng persona non grata kung may ginawa o sinabi ito na hindi maganda laban sa bansa. Pero sa kasong ito aniya,…
Read MoreAuthor: admin 5
ANG IBA’T IBANG MGA PROYEKTO AT PROGRAMA NINA SEN. ROBIN PADILLA AT GOV. DONG PADILLA!
TARGET ni KA REX CAYANONG BINIGYANG-DIIN ni Sen. Robinhood Padilla ang kahalagahan ng pagtutok sa pinagmulan ng pondo para sa sahod at benepisyo ng mga Barangay Health Workers (BHWs). Sa pagdinig ng Committee on Health and Demography, itinuturing ni Padilla ang mga BHW bilang “foot soldiers” na naglilingkod sa pangangailangan sa kalusugan ng mga tao sa grassroots level. Bagama’t may mga lokal na pamahalaang kayang maglaan ng pondo para sa kanilang health workers, may ibang Local Government Units (LGUs) na kailangang makipaglaban sa limitadong yaman na kanilang meron, aniya. Sa…
Read MoreKaya target maging Prime Minister? ROMUALDEZ ALAM NA MALABONG MAGING PRESIDENTE
TILA pinasaringan ng pinsan mismong si Senador Imee Marcos si House Speaker Martin Romualdez nang sabihin nito na may nais maging Prime Minister dahil malabong maging presidente sa pagkabuhay ng usapin sa Charter change. Kaugnay na rin ito sa pahayag ni Romualdez na sa susunod na taon ay bubuhayin muli ng Kamara ang pag-uusap tungkol sa Cha-cha partikular sa isyu ng economic provision. Ayon kay Senator Marcos, si Pangulong Bongbong Marcos na mismo ang nagsabi na hindi napapanahon ang Cha-cha at mas dapat na nakatutok tayo sa trabaho at pagpapababa…
Read More‘JETSETTER’ MARCOS ‘DI RAMDAM KALBARYO NG TRANSPORT SECTOR
HINDI na nagtaka ang dalawang mambabatas sa Kamara na ituloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil hindi nito naranasan ang mag-commute at maging mahirap tulad ng mga tsuper ng mga public utility jeep (PUJ). “Malacanang is so insensitive to the plight of commuters. Palibhasa, lipad nang lipad at hindi naman nagko-commute,” reaksyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos tablahin ni Marcos ang apela ng mahihirap na tsuper at operators na palawigin ang deadline sa pag-consolidate ng mga prangkisa. Ayon sa mambabatas,…
Read MorePUBLIKO PINAGHINAY-HINAY SA PAGGAMIT NG KURYENTE
HINIKAYAT ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko na maging “extra conscious” sa paggamit ng kuryente ngayong holiday season, lalo pa’t mayroong napipintong preventive maintenance schedule ng isa sa generating plants ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ng Global Business Power Corporation (GBP) ngayong buwan. Sinabi naman ni Reagahn Alcantara, lead specialist ng government relations and regional affairs division ng Public Relations Department ng NGCP, sakali’t itulak ng PEDC ang pagsasara, magkakaroon aniya ng full dispatch ng lahat ng ibang power plants, kabilang na ang utilisasyon ng…
Read MorePRESYO NG BILIHIN SISIRIT SA PAGHAGUPIT NG EL NIÑO
IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang posibilidad na negatibong epekto sa ekonomiya ng El Niño phenomenon sa susunod na taon ngunit aminado itong posibleng tumaas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin. “With respect to growth, the effect on the economy, I don’t think it will make a big [impact]…it will make an impact, but the challenge will be more on the prices,” ayon kay Balisacan. “The big difference between 1997-1998 and now is that the relative share of agriculture in the economy…
Read MoreP731-B STANDBY ‘PORK’ NI MARCOS SA 2024
TINAWAG ng isang militanteng mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ‘standy pork’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang P731.45 billion na unprogrammed fund na kilala rin bilang UA o unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 national budget. Ang pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng higit P5.678 trillion ay lagda na lamang ni Marcos ang kailangan matapos itong ratipikahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso bago sila nag-adjourned nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinalobo sa Bicameral Conference committee ang UA ni…
Read More‘BROMANCE’ SA FASTFOOD MALA-TELESERYE
CAVITE – Mistulang eksena sa shooting ng isang teleserye ang insidenteng nangyari sa loob ng isang sangay ng fastfood chain, nang magkaroon ng sampalan at labo-labo habang saksi ang mga customer nang komprontahin ng isang lalaki ang kanyang lover na service crew hinggil sa lumalamig nilang relasyon sa Cavite City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga sangkot na sina alyas “Carlo”, 25, service crew; “Justin”, “John”, 19, service crew at kaibigan ng una, at “Joshua” na kaibigan ni “Justin”. Ayon sa ulat, dakong alas-3:04 ng hapon nang nagsimula ang…
Read MoreNEGOSYANTE PATAY SA NAKA-LUXURY SUV
BATANGAS -Patay ang isang negosyante nang barilin habang nakikipag-inuman, ng isang lalaking dumating sakay ng mamahaling SUV sa Lipa City, nitong Huwebes ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Lipa ang biktimang si Lorenzo Abadinas Del Rosario, 38, tubong Gapan, Nueva Ecija, residente ng Brixton Homes, Brgy. Balintawak Lipa City. Ayon sa report, mag-aala-una ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang 40-anyos na suspek na si Jose Leoncio Mea na sakay ng isang BMW SUV. Kinompronta…
Read More