MAY ‘creeping invasion” ang mga Chinese national sa Pilipinas na namamakyaw ng mga lupain at ari-arian sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang Filipino dummies, gamit ang drug at laundered money. Ito ang dahilan kaya pinakilos ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers ang gobyerno partikular na ang intelligence at law enforcement agencies para usisain ang nakuha niyang report. Natuklasan ang creeping invasion na ito habang iniimbestigahan ng komite ang nakumpiskang 560 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang bodega na pag-aari ng isang…
Read MoreAuthor: admin 5
PAGDEDEKLARANG PERSONA NON GRATA KAY HUANG NIREREBISA
HINDI dapat minamadali at dapat na masusing nirerebisa ang panawagan na ideklara bilang persona non grata kay Chinese Ambassador Huang Xilian. Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na bagama’t may mga panawagan na ideklarang persona non grata ang Chinese envoy to Manila, kailangan pa rin na masusi itong pag-aralan at rebisahin kung ang naging aksyon nito ay may merito para sa naturang deklarasyon. “When an ambassador assumes, he is accepted by the accrediting host government. If you do something or say something that is unwelcome then you can…
Read MoreCHA-CHA 2024 ‘NILULUTO’ NI ROMUALDEZ
BUHAY na buhay pa ang Charter change (Cha-cha) dahil tatrabuhin ng Kongreso sa susunod na taon ang paglulunsad ng people’s initiatives para ipaubaya sa mga Pilipino kung anong gusto nilang paraan sa pagboto ng Senado at Kamara sa mga probisyong mag-aamyenda sa 1987 Constitution. Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang umamin sa Philippine Economic Forum sa Iloilo City noong Lunes na pinaplano nila ito kasama ang mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal sa Kongreso. “I’m going to be sharing with you things that I’ve not shared with the…
Read MoreKALBARYO NG COMMUTERS SIMULA SA ENERO 1
KAILANGANG maghanda ang mga commuter dahil simula Enero 1 sa susunod na taon ay mararamdaman na ng mga ito ang negatibong epekto ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ang tinuran ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa kanyang privilege speech kung saan sinabi nito na simula sa Huwebes, ay magkakaroon muli ng tigil-pasada dahil ayaw iatras ng gobyerno ang December 31, 2023 deadline sa konsolidasyon ng prangkisa ng mga pampasaherong jeep. “Tatagos ang epekto ng PUV Modernization Program hanggang sa mga komyuter kung libo-libong jeep na di nag-consolidate…
Read MoreGOLD MINE FARM TO MARKET FRANCHISE
BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO MARAMING mga negosyante ang mapapalad sa iba’t ibang larangan ng negosyo depende sa kanilang diskarte. Kagaya ni Mr. Orlando Manuntag na may-ari ng Gold Mine Farm to Market franchise, na 25 years na sa larangan ng pagbibigas. Masasabi nating malayo na ang narating ng kumpanya. Alam kasi ni Mr. Manuntag na ito ang pangunahing pagkain sa bansa. Base sa natutunan niya sa kanyang pag-aaral, tumutulong din siya sa atin mga magsasaka. Alam kasi niya na ang mga ito ang pinanggagalingan ng production ng ating bigas.…
Read MorePHL DAPAT MAHINAHON SA ISYU NG PAGBOMBA NG TUBIG NG CHINA SA ATING BARKO
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI ako sang-ayon sa ginagawang pambu-bully sa ating bansa ng China. Ito nga ay matapos na bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang tatlong (3) barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng resupply mission patungo sa Ayungin Shoal. Marahil, hinihintay lang China na pumalag ang Pilipinas sa mga ginagawa nito upang makapagdeklara sila ng giyera sa ating bansa. Alam naman natin na hindi natin kayang makipagsabayan sa China. Sa mga barko palang nila na naglalakihan at sa makabago nilang mga…
Read MoreQUEZON AT SOUTHERN LEYTE KINILALA SA GAWAD KALASAG
TARGET ni KA REX CAYANONG HINIKAYAT ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang publiko na patuloy na makipagtulungan para sa kaunlaran at kapayapaan. Ang probinsya ng Quezon ay ginawaran ng Gawad Kalasag Seal of Excellence at itinanghal na “Beyond Compliant Province” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa taong 2023. Ayon kay Gov. Helen Tan, ang parangal na ito ay nagpapahiwatig na labis silang sumunod sa mga pamantayan para sa pagtataguyod at pagganap ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMCOs). “Isang pagbati sa QPDRRMO, na…
Read MoreDOJ HINDI PA MAGLALABAS NG LOOKOUT BULLETIN VS QUIBOLOY
NEGATIBO at wala pang natatanggap na kahilingan mula sa Senado ang Department of Justice (DoJ) para ilagay sa Immigration Lookout Bulletin si Pastor Apollo Quiboloy, ang tele-evangelist at nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ. Ayon kay DOJ Spokesman at Assistant Secretary Mico Clavano, wala pa silang natanggap na kahilingan mula sa Senado para ilagay si Pastor Quiboloy sa Lookout Bulletin. Sinabi ni Clavano na tanging sa media nila nalaman ang mga sinabi ni Senator Risa Hontiveros na dapat isailalim sa monitoring ang tele-evangelist leader. Sa press conference ni Senadora Hontiveros…
Read MoreJOBLESS ARESTADO SA SEXUAL ASSAULT
ARESTADO sa kasong sexual assault ang isang 45-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest, sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ni Police Coronel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, ang suspek nasi alyas “Ayosguyod”, residente ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DID- 2 Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-4:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar. Inaresto ang suspek ayon sa utos ni Major Purisima, sa…
Read More