MOST WANTED SA RAPE NATUNTON SA PAMPANGA

NATUNTON ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang top one most wanted person sa kasong panggagahasa, sa Brgy. San Jose Gumi, Lubao, Pampanga. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na si Michael Rodriguez, 51, ng nabanggit na lugar. Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, bandang alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Princess Ma.…

Read More

QUIBOLOY PINA-IISYUHAN NG LOOKOUT BULLETIN ORDER

HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Justice na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang pagsasagawa ng parallel investigation sa mga sinasabing alegasyon laban sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Sinabi ni Hontiveros na kasabay ng kanilang imbestigasyon sa Senado ay mas makabubuting makapagsiyasat na rin ang DOJ katulad ng ginawang sistema sa Socorro Bayanihan Services Incorporated. Sa press briefing sa Senate Media, iprinisinta ni Hontiveros ang video ng dalawang nagpakilalang mga dating miyembro ng KOJC na nakaranas umano ng pang-aabuso at…

Read More

CELIZ, BADOY MAGPAPASKO SA KULUNGAN NG BATASAN

HINDI malayong mag-Pasko at Bagong Taon sa Batasan Pambansa Complex sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy matapos mapikon ang mga kongresista dahil sa petisyon na inihain ng kani-kanilang asawa sa Korte Suprema. Sa pagdinig ng House committee on legislative franchises, isinama sa agenda ang furlough na hiningi ni Celiz dahil sa Christmas Season at may sakit pa umano ang ina nito. Pagbibigyan umano sana ng congressman ang hiling ngunit dahil sa petisyon sa SC ay hindi ito natuloy. “Pagbibigyan na, binawi pa,” ani Manila Rep. Bienvenido Abante dahil habang dinidinig…

Read More

87 DISQUALIFIED SA BSKE – COMELEC

UMABOT na sa 87 ang bilang ng diskwalipikadong mga kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) noong Lunes. Sinabi ng Comelec, nabuo ito matapos nitong pagbigyan ang mga petisyon para sa disqualification na inihain laban sa pitong BSKE bets. Sa disqualification cases, lima ang premature campaigning, ang isa ay nagsagawa ng maagang pangangampanya at pagbili ng boto, at ang isa ay tinanggal sa opisina dahil sa kasong administratibo. Samantala, ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ay itinuturing na isang paglabag…

Read More

5.768 TRILYONG 2024 BUDGET NAKATUON PARA PAANGATIN BUHAY NG PINOY— ROMUALDEZ

MATAPOS ang masusing deliberasyon iniulat ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024, na isa umanong mahalagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa. Sa pahayag, sinabi ni Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng Senado at House of Representatives na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang bersyon. “Ang badyet ng 2024 ay nakatutok sa pagsugpo ng inflation, pagtulong sa mga mahihirap, at pagpapalakas ng mga pangunahing serbisyong panlipunan,” sabi ni Romualdez,…

Read More

PAGSUSPINDE SA SMNI APRUB SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN sa House committee on legislative franchises ang resolusyon na nag-aatas sa National Telecommunications (NTC) na suspendehin ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI). Sa pagdinig ng nasabing komite kahapon, walang tumutol sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA party-list Rep. Margarita Nograles kaya inatasan ng komite ang NTC na suspendihin ang operasyon ng nasabing network. Ayon kay Nograles, maraming probisyon sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation nang gamitin ito ng SMNI na walang pahintulot ang Kongreso na siyang nagbigay ng nasabing lisensya. Celiz ‘kumanta’ na…

Read More

SARA BINOKYA SA CONFI FUNDS

TULAD ng inaasahan, bokya sa confidential funds si Vice President Sara Duterte sa ilalim ng 2024 national budget. Kahapon ay tuluyan nagkasundo ang mga senador at congressmen na miyembro ng Bicameral Conference Committee na aprubahan ang 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.678 trillion. Ayon sa mga miyembro ng komite, hindi lamang ang Office of the Vice President (OVP) kundi ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan din ni Duterte ang binokya sa confidential funds. Unang inirekomenda sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanggalin ang P500 million confidential funds ng…

Read More

Para walang makupit ang ninja cops NASABAT NA DROGA SUNUGIN AGAD

IDIDIRETSO sa incinerator ang lahat ng drogang makukumpiska sa lahat ng anti-illegal drug operations kapag naisabatas ang isang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Layon umano ng House Bill (HB) 9668 na inakda ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na maiwasang kupitan ng tinaguriang ninja cops ang mga drogang makukumpiska. “Kung maisasabatas natin ito, mapipigilan na natin and pilferage at recycling ng ilegal na droga at wala nang dahilan ang ating mga anti-drug agents na tumagal pa sa kanilang kustodiya ang anomang illegal na droga…

Read More

Kinakaharap na human trafficking, rape, atbp. bubusisiin QUIBOLOY, KOJC BABALATAN SA SENADO

PINAIIMBESTIGAHAN na rin ni Senator Risa Hontiveros ang umano’y ulat ng mga kaso ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse, child abuse at iba pang karahasan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa ilalim ng pamunuan ng church leader na si Apollo Quiboloy. Sa Senate Resolution 884 na inihain ni Hontiveros, inaatasan dito ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na magsiyasat sa sinasabing mga krimen sa sekta. Nakasaad sa resolusyon na si Quiboloy na itinuturing ang sarili na “Appointed Son of God” at lider ng…

Read More